Chapter 7

101 6 1
                                    

VESTER

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging maayos ang pagpapart time namin sa coffee shop.  Samantalang sa audition naman ay araw araw kaming nababawasan ng mga kasama.

Tatlong buwan na rin ang nakalipas.

Walo na lang kami ngayon sa studio. Final screening na. Katatapos lang namin mag perform sa harap ng mga staffs at bosses.

Pipili na sila ng final five na magttrain at magiging isang group na magdedebut afterwards.

Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Daig ko pa nakalaklak ng isang litrong kape sa sobrang pamamawis ng mga palad ko dahil sa nerbyos.

Nakaupo lang kami sa gilid ni Cullen. Walang umiimik sa amin. Tanging malalakas na pagbuntong hininga lang ang namamayani sa loob ng studio. Tila ba may kanya kanyang mundo ang bawat isa sa amin. Nalulunod sa mga iniisip namin at sa pag aalala.

Di katagalan ay may isang staff na pumasok. Kasama nito si Mr. Lee, isa sa mga may ari ng management.

Ito na. Bulong ko sa aking sarili.

Malalaman na namin ang resulta. Malalaman na namin kung sapat na ba ang mga ginawa namin para mapili.

Tinapik ko ang balikat ni Cullen.

Tumango ito sa akin at angat ding ibinaling ang tingin sa mga taong nasa harap namin.

Tumayo kaming walo at umayos na ng hanay.

"Good afternoon." bati ni Mr. Lee

"Good afternoon din po." sabay sabay na tugon namin.

"I already have the names of the final five that will stay and train under SB Management. For those who will not be chosen, don't lose hope and courage. This is not the end of your career. This is just the beginning." saad ni Mr. Lee habang tinitingnan kaming walo.

"For those who will be called, step forward." sabay kuha sa staff ng isang envelope.

Lalong lumakas ang tambol ng puso ko. Daig pa nito ang nais kumawala sa dibdib ko.

Diretso akong tumingin kay Mr. Lee.
Buong puso kong tatanggapin ang magiging resulta bulong ko sa aking sarili.

"Mr. Cullen Alberto." banggit ni Mr. Lee.

Napatalon si Cullen sa tabi ko.

"Wooooh!! Nakapasok ako. Yes!!" malakas na sigaw nito.

Napaapir naman ako sa kanya.
"Galing mo Dre. Congrats!" sabi ko kay Cullen.

"Salamat Dre. Wag ka mag alala, ikaw na next." nakangiting wika nito sabay tapik sa balikat ko.

Pumunta na ito sa harap.

Lalo akong kinabahan.

"Mr. Chastine Torres." kasunod na banggit ni Mr. Lee.

"Mr. Felip Dumpit."

"Mr. Sejun Bagnas."

Nang banggitin ang ikaapat na myembro ay napahigit ako sa hininga ko ng malakas.

Isa nalang. Isa nalang ang tatawagin.

Sana po ako ang mapili, mahinang usal ko.

"And lastly, Mr. Vester Quitales."

Napahiyaw ako sa sobrang tuwa. Agad akong nagpasalamat kay Mr. Lee at inakap si Cullen.

"Nakapasa tayo Dre." sambit ko dito na medyo maluha luha pa.

"Oo Dre. Sabi ko sayo, kaya natin eh." sagot nito sakin. Kumalas ito sa pagkakayakap namin.

"Oh. Bat parang maiiyak ka na dyan? Ano ka ba? Dapat masaya tayo." pagbibirong sabi sakin ni Cullen.

"Tears of joy lang, ikaw naman." tugon ko sa kanya sabay ngiti.

Agad na ding nagpaalam sa amin si Mr. Lee. Nagpasalamat kami rito.

Naiwan ang isang staff, siya pala si Ate Raph.

"Magpahinga na muna kayo ngayon. Bukas na magsisimula ang training ninyo." saad nito. "Nais ko rin sana na magkakilanlan kayong lima ng maayos dahil sa inyo na namin ipauubaya ang pagpili ng magiging leader ng inyong grupo. Maliwanag ba?" tanong nito sa amin.

"Opo ate Raph." sabay sabay na sagot namin.

"Sige na. Makakauwi na kayo." sabi nito bago tuluyang umalis ng studio.

Masaya kami ni Cullen na umuwi saming apartment. Napagpasyahan namin na agad itong ibalita sa pamilya namin. Agad akong umakyat sa kwarto at idinial ang numero ni mama.

*Ring... Ring... Ring...*

Di nagtagal ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello nak. Kamusta ka dyan? Napatawag ka?" tanong ni mama.

"Okay naman ako dito ma. Kayo po dyan? Si papa po tsaka si V at Vlad?"ganting tanong ko kay mama.

"Okay naman kami dito nak. Si papa mo nasa opisina pa. Ang mga kapatid mo naman ay nasa school pa. Baka maya maya pa sila uuwe. Bakit?" sagot ni mama.

"Ma. May good news po ako sa sa inyo." nakangiting wika ko. "Nakapasok po ako sa grupo ma. Pumasa po ako!" masiglang sabi ko kay mama ng magandang balita.

"Naku anak, salamat naman. Congrats!! Napakagaling mo talaga. Siguradong matutuwa ang papa at mga kapatid mo dahil dyan." sagot naman ni mama na halata ang sobrang galak.

"Salamat ma. Dahil sa inyo kaya nagawa ko yun. Salamat sa palaging pagsuporta. Mahal na mahal ko kayo at miss na miss na." saad ko kay mama habang umiiyak.

"Oh. wag ka na umiyak dyan Ves. Dapat masaya ka kasi unti unti ng natutupad mga pangarap mo. Lagi mong tatandaan na nandito lang kami palagi hah. Mahal na mahal ka din namin nak." sagot naman ni mama.

"Siya sige na. Magpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka. Mag iingat ka palagi dyan Ves." sambit nito.

"Opo ma. Kayo din po dyan. Babye po." ganting tugon ko at ibinaba ang cellphone.

Agad akong humiga sa kama. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon