Chapter 6

113 7 8
                                    

VESTER

Monday: June 7, 2015

Nasa daan na kami papunta sa SBM office. Nilakad nalang namin ni Cullen tutal malapit lang naman eh. Sayang pa pamasahe.

8 am ang call time ng mga auditionees.
Nakarating kami ng 7:45 at sobrang haba na ng pila. Hanggang labas na ng building.

Susmaryusep. Napakahaba ng pilang ire. Mukhang matatagalan talaga kami ni Cullen dito.

Mabilis din namang umusad ang pila ng mag alas otso na ng umaga. Nakapasok na rin kami ng building.

Nakaupo lang kami sa bangko habang nag iintay na matawag ang aming pangalan.

Di katagalan ay nagsimula na rin ang pagtawag sa bawat auditionees.

***

Hay sa wakas. Natapos din!

Masaya kami ni Cullen kasi parehas kaming nakapasa sa first part ng audition. Hindi pa naman ganoon kasikat ang management pero napakadami na ng pumila. Siguro nasa mga 500 din kaming mga pumunta. At 50 lang ang nakapasok.

Syempre, kasama na kami dun ni Cullen. Kami pa ba.

"Oy Dre. Kailangan pa pala natin pumunta dun sa coffee shop na pinag applyan natin last time diba?" tanong sakin ni Cullen habang naglalakad.

Oo nga pala. Ngayon nga pala kami pinapabalik ni Miss Taleya.
Anong oras na ba?

3:55 pm

Mag aalas kwatro na ng hapon. Abot pa naman siguro kami. Sana.

"Oo Dre. Baka maabutan pa natin dun yung may ari. Tara na." sagot ko sa kanya at mabilis na lumakad.

Sumunod naman sa akin si Cullen.

Nang makarating kami sa coffee shop ay nakita naming halos puno ng tao. Maraming costumer. Hindi gaya nung nakaraang kumain kami dito.

Dumiretso agad kami kay Miss Taleya.

"Good afternon po Miss Taleya." bati ko dito.

Agad naman itong nag angat ng tingin.

"Oh kayo pala. Sakto. Nandyan si Boss sa office nya. Saglit lang ah. Sabihan ko lang na nandito na kayo." saad nito at pumasok na sa isang kwarto doon.

Di nagtagal ay bumalik na din si Miss Taleya.

"Okay na. Pumasok na kayo doon para makausap na kayo ni Boss. Goodluck." nakangiting wika nito.

"Salamat Miss Taleya." ganting tugon namin ni Cullen.

Tumango lamang ito.

Naging maayos naman ang pakikipag usap namin dito. Mabait siya.
Naintindihan niya na madalas kaming wala dahil sa pag audition namin.
Sinabi niya rin sa amin na kadalasan dumadami lang ang tao sa coffee shop nila ay kapag hapon hanggang gabi. May mangilan ngilan din sa madaling araw. 24 hours open pala itong coffee shop na ito kaya't walang problema kung kailan kami pumasok. Wala mang mga costumer sa oras ng duty ay marami raw kaming pwedeng gawin.

Per oras ang bayad kaya wala kaming problema sa sahod. Kung ilang oras lang kami pumasok sa loob ng isang linggo, yun lang ang isasahod nila sa amin. Flexible.

Nagpaalam na kami kay Miss Taleya.
Sabi ni Boss ay bukas nalang daw kami magsimula kung gusto namin. Kay Miss Taleya nalang daw namin itanong ang mga bagay bagay sa coffee shop.

Dumiretso kami ni Cullen sa isang grocery store at namili ng mga gamit namin. Personal at para sa bahay.

Naisip kong bumili ng karneng baboy. Mukhang masarap ang nilaga. Bulong ko sa aking sarili. Kumuha na din ako ng mga rekado para sa lulutuin ko mamaya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binaba ang mga pinamili ko.

"Dre. Pahinga ka na muna. Magluluto lang ako ng pang hapunan natin." Sabi ko sa kanya habang namamahinga sandali sa sofa.

"Sigurado ka Dre? Gusto mo tulungan na kita." sagot nito.

"Wag na. Magpahinga ka nalang don sa kwarto mo. Tatawagin nalang kita mamayang hapunan." sabi ko dito at dumiretso na ko sa kusina.

"Sige. Ikaw bahala. Basta tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." saad ni Cullen at umakyat na sa kwarto niya.

Agad  na naghanda ako para sa pagluluto.

Tinuruan ako ni mama na gumawa ng mga gawaing bahay. Sabi ni mama, wala daw kasarian ang mga gawain sa bahay kaya dapat lang marunong ako kung saka sakali na wala akong pwedeng asahan kundi sarili ko.

Isa sa mga pinilit ko talagang magawa ng maayos sa lahat ng mga itinuro niya ay ang pagluluto. Masarap kasi magluto si mama. As in! Kaya syempre, kailangan kong pantayan yung galing niyang yun. Haha. Competitive lang.

Namimiss ko na sila. Mahinang usal ko.

Napapaiyak na rin ako dahil sa biglaan kong pag alaala sa kanila.

Tatawagan ko nalang sila mamaya bago matulog bulong ko at agad na muling itinuon ang atensyon sa pagluluto.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon