Chapter 2

135 7 0
                                    

VESTER

Ilang araw bago ako umalis ay nakapag ayos na ko ng mga gamit. Mga damit, mga sapatos, ilang mga personal na bagay, at importanteng dokumento lang naman ang dadalahin ko. Pwede naman akong umuwi dito samin kapag may mga iba pa kong kakailanganin.

Sa ilang araw na yun ay madalas kong nakikita ang panaka nakang pagsilip ni mama sa loob ng kwarto ko.

Si mama talaga. Hindi yata matatanggap na hindi na ko baby. Haha.

Lumipas ang mga araw at panahon na nang pag alis ko. Hinanda ko ang lahat ng mga gamit ko sa labas. Bago ko lisanin ang kwarto ko ay nilingon ko muna ito ng isa pang beses. Pinagmasdan kong mabuti ang bawat sulok nito at pabulong na sinabi, 'hanggang sa muli.' Bago ito tuluyang isinara.

Habang pababa ng hagdan ay narinig ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa harap ng aming bahay. Mukhang narito na ang van na sasakyan ko papuntang maynila.

Nakita ko si mama sa sala na agad din namang pinunasan ang kanyang mga luha ng makita ako. Nasa tabi nito si papa na marahan naman itong inaalo. Nag iiyak din ang mga kapatid ko na mga nakatakip ang mga mata.

Humarap ako sa kanila.

"Ma, pa, mag-"

"Dre! Vester!"

Hindi pa ko nakakapagsimulang magpaalam sa mga magulang ko ay sya namang biglang pagpasok ng kumag na 'to.

"Ayy. Sorry Dre. Wrong timing pala ako. Hehe." kumakamot sa ulo na wika nito.

Ito ang bestfriend ko na parang laging inaasinang uod sa ligalig, si Cullen.

"Sorry po tito, tita. Kunin ko nalang po gamit ni Ves. Hehe." nakangiwing sabi nito.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil sa nangyari. Kahit kailan talaga, napakagaling umeksena nong taong yun.

Nakita ko rin naman na kahit papano'y napangiti si mama sa nakita.
Medyo gumaan ang loob nya.

"Nak. Mag iingat ka dun hah. Wag mo pababayaan ang sarili mo. Atsaka palagi kang tatawag dito." saad ni mama na halos pugto na ang mata sa sobrang pag iyak.

"Vester. Ingat lagi." matipid na sabi ni papa. Ganun man kaikli ang sinabi nito. Alam ko ang ibig ipakahulugan ng mga salitang yun.

Tumango ako rito.

Niyakap ko ang mga kapatid ko.

"Magpapakabait kayo kay mama at papa hah. Wag nyo papasakitin ulo nila kundi yari kayo sakin." saad ko habang hinihimas ang kanilang mga ulo.

"Opo kuya." sabay na sagot nila sa akin.

Niyakap ko na rin ng mahigpit ang mga magulang ko.
Agad na rin akong nagpaalam at baka magnobela pa si mama.

"Bye ma, pa, V, Vlad." kumaway ako sa kanila. Tumango naman sila sa akin at agad ding kumaway.

Sumakay ako sa van na nakaparada sa harap ng bahay namin.

"Yoww Dre. Kamusta? Mukhang mahaba habang iyakan yun ah." sabi ni Cullen bago lumingon sa driver at senyasan ito na umalis na.

"Oo Dre. Alam mo naman si mama. Mababaw ang luha pagdating saming mga anak nya." saad ko naman dito bago kinuha ang dala kong neck pillow at nagsabing matutulog muna.

"Dre, gisingin mo nalang ako pag nasa maynila na tayo hah." Tumango lang si Cullen. Agad kong sinalpak ang earphone ko sa tenga at nakinig ng music.

Wala pang ilang minuto ay kinain na ako ng antok.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon