Chapter 3

137 5 1
                                    

CULLEN

"Dre, Dre. Gising na. Nandito na tayo." alog ko kay Vester na humihilik hilik pa.

Hay nako. Daig pang brokenhearted nito dahil sa pag alis niya. Pano ko nasabi? Well. Si Vester ay humihilik lamang pag natutulog kapag ito ay masama ang pakiramdam o masama ang nararamdaman. Kumbaga, sobrang lungkot.

Hindi ko naman siya masisisi. Sobrang close nya sa mga magulang nya. To the point na halos baby pa talaga ang turing nito sa kanila. That wasn't a bad thing though. But not my thing probably. Buti si mama, chill lang at ako, syempre gwapo pa rin.

Nagmulat ng mata si Vester at nag inat. Tiningnan nito ang oras sa suot na relo.

"Tagal din pala ng byahe no? 4 hours halos din akong tulog." sabi ni Vester na mumukat mukat pa.

"Oo nga eh. Tulo pa nga laway mo dyan sa upuan oh. Mahiya ka naman. Nirentahan lang natin 'to oy." nakangisi kong sagot sa kanya.

Binato nya lang ako ng neck pillow at agad na bumaba ng sasakyan.

"Dito na ba tayo titira?" turo ni Vester sa apartment na nasa harap nila.

"Oo Dre. Ito na yung sinabi sakin ni ate Chelsea na titirahan natin. Okay naman siya. Maaliwalas sa mata. Mukhang malinis." sagot ko sa kanya bago ko binuhat ang mga gamit ko at dumiretso sa pintuan ng apartment.

Nasa akin na rin ang susi kaya agad rin kaming nakapasok.

"Sabi sa akin ni Ate, maayos naman daw kausap yung landlord ng apartment na 'to. Hindi masungit at mababa lang ang renta. Okay na rin ito kasi kaylangan natin magtipid kasi susugal tayo diba?" lingon ko kay Vester na nakaupo sa sofa.

"Oo naman Dre. Mas maganda din siguro na humanap tayo ng trabaho. Kahit part-time lang para di maubos ipon natin. Pandagdag na din sa gastusin dito sa bahay." sagot naman ni Vester.

Tumango ako. May point siya. Kailangan namin humanap ng trabaho dito. May ipon kami ni Vester kasi noong nasa college kami ay working student kami pareho. Hindi naman kami pinilit ng mga magulang namin mag work kasi kaya naman nila na pag aralin kami. Its just that,  we think we need to. Thankfully we did. Meron na kaming panimula dito sa maynila.

Plano kasi namin mag audition sa isang talent camp ng isang Showbiz management here in Manila. It will happen on Monday. Today is friday so we still have time to find a part time job.

Ito yung dream ko. And I know, ito din yung gusto ni Ves. To be known and perform in front of the crowd showcasing our talents. So here we are, susugal.

"You're right Ves. Iayos na muna natin tong mga gamit natin at magpahinga. Bukas nalang tayo magsimula ng paghahanap ng trabaho." binuhat ko na ang mga gamit ko at akma ng aakyat sa kwarto.

"Wait. Which room do you want pala? I forgot to ask you." tanong ko kay Ves.

"Kahit alin dyan. Ikaw na mauna pumili ng sayo." sagot nito sakin habang nililibot pa rin ang mata sa kabuuan ng bahay

"Sige. Ito ng nasa left ang sa akin. Akyat na ko sa taas." umakyat na ako sa kwarto ko at nilapag ang mga gamit ko sa upuan na nasa tabi ng kama.

Malinis nga. Bulong ko sa aking sarili.

Mamaya nalang ako mag aayos ng mga gamit ko sa drawer. Hindi ko na talaga kaya ang pagod dahil sa byahe.

Agad kong kinuha ang towel ko at nagshower.

Nang matapos ako ay agad kong inihiga ang katawan ko sa kama. Di ko na naisip pa ang magbihis. Mamaya nalang.

Ipinikit ko ang aking mga mata at agad ding dinalaw ng antok.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon