CULLEN
Nagising ako dahil sa mahihinang katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
"Cullen. Cullen."
"Bakit Dre? Pasok." mahinang tugon ko sa pagtawag sakin ni Vester.
Binuksan nito ang pinto.
"Maghapunan na tayo. Bumili nalang muna ako ng lutong pagkain dyan sa labas. Bukas nalang tayo mag grocery pagkatapos natin humanap ng trabaho. Mabuti na rin at may ref dito. Madali lang tayo makakapagstock." saad ni Vester matapos ay tumalikod ito at akma ng lalabas ng kwarto.
"Sige sige." Tumayo na ako mula sa kama at susunod na sa kanya.
Biglang lumingon sakin si Vester.
"Dre. Baka naman gusto mo munang bihisan yang sarili mo. Alam kong maganda katawan mo pero ikaw rin, baka pasukin ka ng lamig nyan." nakangising sabi ni Vester habang pinagmamasdan ang katawan ko.
Agad din itong bumaba matapos akong pagsabihan."Hahaha." napatawa naman ako sa nasambit nya.
"Naku. Kung di ko pa alam. Baka minamanyak mo na ko Vester." malakas na sigaw ko habang nagbibihis at dali daling sumunod sa kanya.
"Gagi! Kung may listahan man ako ng mga gustong manyakin, siguradong kahulihan pangalan mo Dre. Hahahaha." malakas na tawa ni Vester habang inihahain sa lamesa ang mga binili nyang pagkain.
Kumuha ako ng mga plato at kutsara.
"Bakit? Pangit ba ako? Gwapo naman ako ah. Choosy ka pa?" nakapogi pose kong banggit sa kanya.
"Kapal mo Dre. Kumain ka na nga. Gutom lang yan." nakangiting wika nito sabay abot sakin ng kanin at ulam.
Nilibot ko ang tingin ko sa kusina. Mga nakalagay na ang gamit namin.
"Dre. Hindi ka ba natulog kanina?" bigla kong tanong sa kanya.
Napaangat naman sya ng mukha at agad na tiningnan kung saan nakatutok ang mga mata ko.
"Ahhh. Oo. Hindi kasi ako makatulog kanina. Naninibago pa siguro kaya inayos ko nalang yung mga gamit natin dito sa kusina. Pati na rin sa sala at sa kwarto ko para naman magmukhang may nakatira na. Pakiramdam ko walang laman eh. Maluwag." medyo malungkot na tono na sabi nito.
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko sya masisisi. Ngayon lang siya napahiwalay ng matagal mula sa pamilya nya. Isa ito sa mga hinahangaan ko sa bestfriend ko. Napaka family oriented niya. He will sacrifice everything kapag at stake na ang pamilya niya. Namana niya na rin siguro mula sa mga parents niya. I've known Tita Milly and Tito Eds for a long time already. And they are the most lovable parents na kilala ko. Walang binatbat ang parents ko. Pity.
But I'm still happy. I really do. Salamat na rin sa bestfriend kong ito na napakabait at mapagmahal. He showered me also with his attention and care.
Nakita kong tapos nang kumain si Vester at agad ng tumayo.
"Ves. Ako na maghuhugas ng mga plato. Magpahinga ka na." sabi ko sa kanya at nilagay na rin ang plato ko sa sink.
"Sigurado ka? Kaya ko naman." sagot ni Vester.
"Yes. You should rest. I can manage. Umakyat ka na sa taas at matulog. Calm yourself. Don't overthink. Makakaya natin 'to okay?" sabi ko sabay yakap sa kanya. Binitawan ko siya at agad ding tinaboy papunta sa kwarto niya.
Vester is softhearted but brave at the same time. I adore him.
Mapapagtagumpayan namin ang lahat. Makakamit namin ang pangarap namin.
Nang matapos akong maghugas ng mga plato ay pinatay ko na ang ilaw at umakyat na rin sa kwarto.
Panibagong araw bukas. Para lumaban.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022