Chapter 13

95 6 0
                                    

VESTER

Ang lamig.

Nagising ako ng maramdamang sobrang lamig ng paligid. Nilakasan yata ni Felip ang aircon.

Nagkumot ako. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang oras.

6:30 na pala. Dinner na pero wala kong gana. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Napansin ko si Felip na nakaupo sa kama niya. Tumayo ito at nagsalita.

"Vester." tawag nito sa pangalan ko. "Tara na. Kanina pa nila tayo iniintay sa dining area. Kakain na daw." saad ni Felip.

Tumingin ako sa kanya.

"Pumunta ka na. Wala kong gana eh." sagot ko rito.

"Sigurado ka?" tanong ni Felip.

"Oo. Lalabas nalang ako maya maya pag nakaramdam ng gutom." sagot kong muli.

Tumango ito at hahakbang na palabas. Tumigil ito ng muli akong magsalita.

"Felip. Nilakasan mo ba yung aircon kanina? Pahinaan naman. Sobrang lamig eh." pakisuyo ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin.

"Hindi bukas ang aircon Ves. Hindi ko na binuksan kanina kasi malamig naman dito." sagot nito habang nagtataka.

Lumapit ito sa akin.

Hinipo nito ang noo ko.

"May lagnat ka. Kaya pala wala kang gana." saad nito habang patuloy na dinadampian ang mukha ko ng kamay niya.

Kaya pala parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Napakamalas naman. Kung kelan naman dapat mag enjoy kami rito eh, saka naman ako nilagnat. Napaka basag trip talaga. Hays.

"Bababa na ko. Dadalhan nalang kita dito ng makakain at gamot. Magpahinga ka nalang muna." sabi nito sabay ayos ng kumot na nakabalot sakin.

***

CULLEN

Napakatagal naman ng dalawang yun. Ano pa bang ginagawa nila? Kanina pa namin sila tinext at chat. Mga hindi naman sumasagot. Galit na galit na tong mga alaga ko sa tiyan.

Mayamaya pa ay natanawan ko na si Felip.

"Tol! Dito." tawag ko dito habang itinaas ang aking isang kamay para makita kung nasaan kami.

Mukhang nahahawa na si Vester sa pagiging late ni Felip ah. Napapadalas ang pagtteam up nung dalawa eh.

Nang makalapit ito ay napansin kong hindi niya kasunod si Vester. Nagtaka ako.

"Felip, nasaan si Ves?" tanong ni Chastine kaya agad namang napalingon si Sejun at ang iba pa naming kasamang staff. "Hindi ba siya kakain?" dugtong na tanong pa ni Chast.

"May lagnat si Vester. Kaya ihihingi ko sana siya dito ng pwedeng kainin at gamot." diretsong sagot nito.

Napakatiming naman ng sakit ni Ves. Kawawa naman yung tao.

"Kawawa naman si Vester. Hindi pa yata makakapag enjoy sa bakasyon na to." malungkot na ani ni Ate Sam.

Napatango kami.

"Sige Felip. Maupo ka na dyan. Ako na magsasabi sa cook dito kung pwede siya magluto ng pagkain para sa may sakit. May gamot din akong dala para sa lagnat. Kunin ko nalang muna sa kwarto." saad naman ni Ate Raph at umalis na.

Naupo si Felip sa tabi ko.

Nagpatuloy sa pagkkwentuhan ang mga staff. Samantalang kaming apat ay nanatili lang na tahimik. Tila ba nawalan ng gana dahil kulang kami ng isa.

Si Vester kasi kadalasan ang nagpapasaya sa mga kainang gaya nito. Madaming hirit lagi yun eh. Mana sakin. Hehe. Tsaka nakakahawa ang ngiti niya.

Di nagtagal ay dumating na rin ang inorder naming pagkain.

Dumating na rin si Ate Raph dala ang isang tray na may lamang soup, tubig, at gamot.

Tumayo ako.

Napatingin ang lahat sa gawi namin.

Di ko napansin na tumayo rin pala si Felip at Sejun.

Nagkatinginan kaming tatlo. Mukhang iisa ang nais naming gawin.

Naiintindihan ko kung bakit tumayo si Felip. Roommate niya si Vester kaya okay kung siya magdadala ng pagkain dun.

Ako kasi, syempre bestfriend ko yun no. Dapat lang na ako mag alaga sa kanya.

Pero di ko maintindihan kung bakit tumayo si Sejun. Close ba sila? Kelan pa? I mean, okay naman kaming lahat kay Sejun. Hindi siya masyado umiimik pero nakikipagbiruan din naman minsan. Pero sa pagkakatanda ko, hindi naman sila madalas mag usap ni Vester. Para ngang may invisible wall sa pagitan nung dalawang yun eh. O kasama ba to sa "role" ng pagiging isang leader?

"Oh bakit nakatayo kayong tatlo dyan?" tanong ni Ate Raph sabay baba ng tray sa lamesa.

"Ako na po magdadala ng pagkain ni Ves sa taas." sagot ko dito at akma ng kukunin ang tray.

"Ako na." saad ni Felip

Napatigil ako.

"Ako na po ang magdadala ng pagkain sa kwarto namin. Doon na lang din po ako kakain para may kasabay si Vester." sabay kuha sa tray at buhat sa kanyang plato.

"Sige. Ikaw bahala." sagot naman ni Ate Raph at naupo na sa kanyang upuan.

"Excuse me po." paalam pa nito sabay hakbang palayo.

Hindi na kami nakahirit pa ni Sejun.

Agad na umupo ito at sinimulan na ang pagkain. Walang umimik saming tatlo hanggang sa matapos ang hapunan.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon