VESTER
Alas sais ng umaga ng magising ako. Hindi ko na kailangan ng alarm clock. Morning person ako.
Agad akong bumaba sa kusina at nagluto. Paniguradong natutulog pa si Cullen.
Matapos kong makapagluto ng itlog, daing, at fried rice, tinawag ko na rin ito.
Mumukat mukat siyang bumaba sa kusina habang nagtatanggal pa ng muta.
"Cullen. Kadiri ka. Maghugas ka ng kamay mo bago kumain." parang nanay na panenermon ko sa kanya.
"Ito naman. Napakaarte." agad din naman itong sumunod at umayos na sa hapag kainan.
"San ba tayo maghahanap ng trabaho Dre?" tanong ko sa kanya habang sumusubo ng kanin.
"Kahit dito lang sa malapit. Para di hassle satin pag uuwi tayo o kaya pupunta sa SB Management." sagot ni Cullen.
Tumango ako para sumang ayon. Malapit lang din kasi itong apartment namin sa pagaauditionan namin sa monday kaya mas maganda na dito rin lang sa malapit kami makahanap ng trabaho.
"Bilisan mo na dyan para makaalis na tayo." sabi ko rito ng matapos ako at agad ng tumayo.
Dali daling inubos ni Cullen ang natitira nyang pagkain pagkatapos ay tumayo na rin.
May mga ilan kaming nadaanang establishimento na naghahanap ng trabahante pero full time ang gusto. Inabot na kami ng tanghali sa paghahanap ng trabaho.
Naisipan naming pumasok muna sa isang coffee shop.
"Kain muna tayo Dre. Gutom na gutom na ko eh." sabi ni Cullen habang hinihimas ang kanyang tiyan.
"Sige. Ano ba gusto mo?" tanong ko rito.
"Cheesecake at Iced coffee nalang sakin." sagot nito sabay abot sakin ng bayad.
"Okay."
Nagpalinga linga ako. Mukhang walang server dito. Kakaunti din ang tao. Self service siguro tong coffee shop na 'to.
Tumayo ako at lumapit sa counter.
"Good afternoon Sir. Welcome to Sweet Havens' Coffee shop, ano pong order nila?" masiglang bati sakin ng babaeng nasa counter.
"Dalawang Iced coffee, isang cheesecake, at isang strawberry cake." sagot ko dito at iniabot ang bayad.
"Ulitin ko lang po sir ah. Dalawang iced coffee, isang cheesecake, at isang strawberry cake."
Tumango ako rito.
"Okay po sir. Pa wait nalang po sa table nyo. Thank you." nakangiting sabi sa akin ng babae.
Bumalik na ako sa table namin ni Cullen at nag intay.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na din ang inorder namin. Yung babaeng nasa counter din ang nagserve samin.
Binaba nya ang mga pagkain namin sa table.Bago pa siya makaalis ay agad ko syang tinawag.
"Uhmm. Excuse me miss." tawag ko dito
"Yes po sir. Ano po yun?" tanong niya sa akin.
"Wag ka sana magagalit. Pero nagtataka lang ako, wala ba kayong server dito? Ikaw din kasi nagdala nitong pagkain namin dito sa table eh." ganting tanong ko sa kanya.
"Ah. yun po ba. Opo eh. Wala pa po kasi kaming mahanap na kapalit nung dalawang dating part time server namin dito. Mga working students po kasi. Eh nakagraduate na. Kaya ayun po umalis na din po dito sa coffee shop.
Nagkatinginan kami ni Cullen. Mukhang iisa ang tumatakbo sa utak namin.
"Ibig sabihin ba miss, naghahanap pa kayo ng dalawang magpapart time dito?" tanong ni Cullen.
"Opo sir." nakangiting wika nito.
Napangiti rin naman kami ni Cullen.
"Pwede ba kami mag apply? Kailangan kasi namin ng part time job eh." tanong ko sa kanya.
"Oo naman po. Bigay nyo nalang po sakin ang resume niyo. Ako nalang bahala magbigay kay Boss pag pumunta siya dito." sagot nito.
"Maraming salamat. Kanina pa kami paikot ikot dito para maghanap ng pwedeng mapasukan, dito lang pala meron. Maraming salamat talaga miss..."
"Taleya. Taleya nalang itawag niyo sakin." Nakangiting wika nito. "Subukan niyo bumalik sa monday. Baka may desisyon na si Boss kung tatanggapin kayo at para mainteview na rin kayo."
Tumango kami.
"Sige na. Balik na ko sa counter. Enjoy your food." sabi nito bago bumalik sa pwesto niya.
Nagtinginan naman kami ni Cullen at nakahinga ng maluwag.
Salamat naman at nakahanap na rin kami ng trabaho.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na rin kami kay Miss Taleya at umuwi na ng apartment.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022