VESTER
Sa sobrang excited namin ni Cullen ay 7:00 am palang ay nasa SB building na kami. Siguro dahil ngayon lang kami makakalasap ng mahaba habang bakasyon. Ngayon lang din ako makakarating ng Siargao kaya syempre, masayang masaya din ako.
Itong si Cullen kanina pa hindi mapakali. Panay ang tayo, upo, tapos titingin pa sa relo nya.
"Cullen." tawag ko rito.
"Pwede ba tumigil ka? Ang likot likot mo. Kanina ka pa dyan hindi mapakali." natatawang sabi ko dito.
"Pasensya na Dre. Excited lang." sagot nito sabay kamot sa ulo.
Mga bandang 7:45 ng magsidatingan na din ang iba. Nandito na si Chastine na hinatid ng kuya niya. Nandito na din si Sejun na masasabi kong medyo maaliwalas ang mukha.
Himala, bulong ko sa aking sarili.
Nagsidatingan na din ang ilang mga staffs.
Lagpas alas otso na ng makarating si Felip. Napagalitan tuloy.
Isa ito sa mga katangian ni Felip na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabago bago. Palagi siyang late.
Ang lapit lapit ng bahay niya mula dito. Walking distance lang din gaya namin ni Cullen. Ang lagi nyang katwiran ay lagi daw siyang late nagigising.
Hay naku.
Sumakay na agad kami sa nakahandang van.
Nauna akong pumasok. Umupo ako sa pinakalikodang bahagi ng sasakyan. Katabi ng bintana. Tumabi sa akin si Felip. Sumakay na rin sina Cullen at Chastine.
Bali ganito ang seating arrangement namin
Cullen - Chastine - Felip - AkoSumunod na sumakay ang ilang mga staffs na kasama namin.
Nang sumakay si Sejun ay napagawi pa ang tingin niya sa akin. Tipid itong ngumiti.Agad akong nag iwas ng tingin at itinutok ang mata sa labas ng bintana.
Napangiti ako.
Magaan ang loob ko ngayon. Dahil siguro sa paghingi ng sorry sakin ni Sejun.Umandar na ang sasakyan at naglagay nalang ako ng earphone sa aking tenga.
***
Nakatulog pala ako.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Siargao. Bumaba na ang mga kasama namin. Wala na ang mga staffs sa harap pati na rin si Sejun.Nakahilig pala ako kay Felip. Agad kong inaangat ang ulo ko at tiningnan ito.
Nakatitig siya sakin. Bigla akong nakaramdam ng hiya.
"B-bakit?" nauutal na tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa tabi nito. Nakaalis na rin si Cullen at Chastine.
"Bakit hindi mo ako ginising?" dugtong na tanong ko rito.
"Ang sarap kasi ng tulog mo eh. Napakapayapa ng mukha mo." seryosong sagot nito habang nakatingin sa akin.
"Sana palagi kang ganyan." saad nito bago tuluyang lumabas ng sasakyan.Napatulala ako.
Umiling iling ako at tinapik tapik ang sarili. Tiningnan ko rin kong may bahid ng laway ang aking pisngi.
Nakakahiya talaga!
Nasa isang resort kami. Napakaganda dito. Agad akong pumasok sa loob. Mabuti at naabutan ko pa sila.
Nag uusap usap pala sila kung sino ang magkakasama sa room.
"May dalawang kwarto para sa inyo boys." saad ni Ate Jane. Isa sa mga staff namin.
"Bawat kwarto may tig dalawang kama. Parehas namang malaki. Kasya ang dalawang tao. So kayo na ang bahalang magdecide kung sino ang magkakasama sa room. Okay?" dagdag pa nito.
Tumango kami.
"Sige na. Magpahinga na muna kayo. Mamaya nalang ulit tayo magkita kitang dinner." sabi nito bago umalis.
Kami nalang lima ang natira. May dalawang susi sa kamay ni Sejun.
"Oh. sino sino na magkakasama sa room?" tanong ni Cullen.
"Okay lang sakin kahit sino. Basta di ako mag isa." saad naman ni Chastine.
Tumango ako. Pati na rin si Felip.
"Okay lang ba sa inyo Cullen at Chastine na magtabi sa isang kama?" tanong ni Sejun sa dalawa.
Namula si Chastine at medyo napayuko.
"Oo naman. Oks lang yun samin Sejun. Diba Chast?" tanong ni Cullen kay Chastine sabay akbay pa dito.
"O-oo. Okay lang sakin." nauutal na sagot nito.
Mukhang ako isasama ni Sejun dun sa dalawa. Solo ko ang kama. Hehe.
Napatango si Sejun.
"Sige. Kami nalang tatlo nina Chastine at Cullen sa isang kwarto. Si Felip at Vester nalang dun sa isa." saad nito sabay abot kay Felip ng isang susi.
Kinuha ito ni Felip.
"Tutal naman eh mukhang close na itong dalawa." dugtong pa nito sabay tingin sa amin. "Magkita kita nalang tayo mamayang hapunan." sabi nito bago nauna nang umalis.
Ano na namang problema nun? Kanina okay lang siya ah. Ngumingiti ngiti pa. Mukhang wala na naman sa hulog.
"Tara." sabi naman ni Felip at agad na ding naglakad.
Tumango ako sabay sunod dito.
Pagbukas ng kwarto ay agad pinuntahan ni Felip ang kama malapit sa bintana.
"Dito na ko." tipid na sabi nito.
"Sige." sagot ko naman dito sabay lapag ng mga gamit ko sa kabilang kama.
Tinatamad akong magbihis. Mamaya nalang bago lumabas. Inaantok pa ako eh.
Nahiga ako ng kama at hinayaan na dalawin ako ng antok.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022