VESTER
Nandito ako ngayon sa tabing dagat malapit sa resort na tinutuluyan namin. Napakaganda ng sunset. Nakakagaan sa pakiramdam ang pagmasdan ito. Para bang ipinapahiwatig nito sa bawat makakakita na patapos na muli ang isang araw. Na sana'y naging makabuluhan ito at naging kapaki pakinabang. Na para bang tanda rin ito na oras na ng pagpapahinga. Nang oras ng paglalaan sa sarili.
Napabuntong hininga ako.
Maya maya pa ay dumating na sila. Halata sa mukha nila na nag enjoy sila ng husto sa mga nakita. Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang hindi maalis na ngiti ni Chastine at Cullen. Patuloy ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa. Napangiti rin ako.
Nang magdilim na ay napagdesisyonan ng mga staff na magbonfire sa gilid ng dagat. Pumalibot kami dito at nagkantahan. May mga inumin din silang inihanda pero wala ako sa mood uminom kaya tumanggi ako. Nagkwentuhan din kami tungkol sa mga kung ano anong bagay. Masasaya, malulungkot. Nakita ko na nagkakasiyahan na silang lahat. Nagsasayawan na animoy may mga musikang naririnig. Napangiti ako. Mga lasing na, bulong ko sa sarili.
Maya maya pa'y may hinanap ang aking mata. Wala siya dito. Saan kaya siya pumunta, mahinang usal ko. Baka bumalik na siya sa kwarto. Pagod siguro, muling bulong ko sa aking sarili.
Umalis ako sa umpukan. Naglakad lakad ako sa tabi ng dagat. Hindi naman siguro ako maliligaw dito.
May narinig akong isang tinig. Hinanap ko ito at natagpuan ang taong kanina pa hinahanap ng mata ko. Nakaupo ito sa buhanginan. Nakaharap sa karagatan. Hawak ang kanyang gitara.
Lumalalim na naman ang gabi,
Hudyat nito'y pamamalagi sa gunita ng pagsisi
Hindi ko maintindihan ang pighati
Siguro nga'y hindi lubos na kilala aking sariliHindi nito napansin ang pagdating ko. Mataman ko lang tiningnan ang kanyang likuran. Pinakinggan ko ang himig niya. Nakakamangha talaga ang galing niya sa pagkanta. Sigurado ako na sarili niyang gawa ang kantang inaawit niya ngayon.
Ikaw ba'y may alam, sa'king dinadamdam?
O tulad nilang walang pakialam.Tahimik lang akong nakamasid sa kanya. Ayokong gumawa ng kahit mumunting ingay na magdudulot ng pagkatigil ng pag awit nyang yaon.
O buwan,
Ikaw nga ba'y tunay na kaibigan?
Lulan mo lang sa'king mundo'y kalungkutanRamdam ko ang napakabigat na emosyon na laman ng bawat liriko ng kanyang kanta. Tila ba napakabigat nito. Tila ba nakakalunod.
Dapat ka nga bang pasalamatan?
Ang kasiyahan sa tuwing ika'y lilisan
Gayunpaman ay hindi ko 'to gusto
Hinding - hindi ko 'to gustoGusto kong malaman. Gusto kong maging sandalan mo. Gusto kong malaman mo na nakahanda akong damayan ka sa kahit anong bigat na nararamdaman mo ngayon. Pero paano? Paano? Pakiramdam ko'y napakalayo mo sa akin. Gayong abot kamay lamang kita.
Salamat sa presensya mo
Hinding-hindi ko 'to gusto
Lubayan mo nga...Hindi ko alam kung bat ganto ang nararamdaman ko. Nakakapanibago. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa tanang buhay ko. Nakakatakot.
Nang matapos ang kanyang pagkanta ay naisip kong umalis na. Akma na akong hahakbang ng marinig kong muli ang boses niya.
"Vester." napatigil ako. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng banggitin niya ang aking pangalan.
Lumingon ako sa kanya. Nakatitig ito sa akin. Nakakatunaw. Wari ko'y matutunaw ako sa titig nyang yun.
Nag iwas ako ng tingin.
"B-bakit?" nauutal kong sagot.
Nakita kong tinapik nya ang buhangin na nasa tabi niya. Tanda ng pagpapaupo nito sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit. Nais kong tumanggi. Ngunit parang may malakas na pwersang humahatak sakin palapit sa kanya.
Naupo ako sa tabi niya.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong sa akin ni Sejun.
Napatungo ako.
"Medyo." mahinang usal ko.
"Why you didn't call me?" muling tanong nito.
"Ayokong makaistorbo." sagot ko.
Tumango ito.
Walang nagsalita. Napuno ng katahimikan ang pagligid. Tanging paghampas lang ng alon ang namayani sa pagitan naming dalawa.
Naisip kong magpaalam nalamang para bumalik sa mga kasamahan namin.
"I'm sorry." biglang sambit nito.
Napatigil ako. "Para saan?" tanong ko dito.
"About what happen last week." saad nito. "I didn't mean to hurt you." pagpatuloy nito.
"I'm just too pump that time. In everything. I'm too exhausted. And i'm really really sorry for putting it into you." sabi nito sabay tingin sa akin.
Hindi ako tumingin sa kanya. Nilaro laro ko ang buhanging nasa harap ko.
"Wala na yun. Okay na yun sakin. Nagsorry ka naman na sa chat eh." sagot ko.
"But I thought galit ka pa din sakin kasi you didn't reply." sambit nito habang nakatingin pa rin sa akin.
Napangiti ako. "Haha. May ginawa kasi ako kaya nakalimutan ko ng replyan ang chat mo. Sorry." sabi ko dito sabay tingin sa kanya.
Nagtama ang paningin namin. Wala ako sa tubig pero parang nalulunod ako. Ang mga matang nakatitig sakin ngayon ang isa sa mga pinakamagandang mata na nakita ko.
"You look good when you smile." ngiting sabi nito. "Smile more often. I need that." dugtong pa nito sabay dampi ng daliri niya sa mga labi ko.
Napaigtad ako. Nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan sa simpleng pagdantay lang ng daliri niya sa akin.
Umusod siya palapit sa akin. Inihilig niya ang ulo niya sa mga balikat ko.
"Can we stay like this for a while?" tanong nito sa akin.
"Y-yes." nauutal na sagot ko.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Daig ko pang sumalang sa isa pang audition ulit. Times 3 ang kaba ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko.
Sana hindi niya naririnig, bulong ko sa aking sarili.Pinagmasdan ko ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko. Napakabango niya. Lalaking lalaki ang amoy.
Hindi napigilan ng kamay ko na hindi haplosin ang malambot niyang buhok. Hindi naman ito umiwas o umilag. Nanatili lang kami sa pwestong yun ng ilang sandali.
Ninanamnam ang katahimikan ng paligid. Na tila ba kami lang ang tao sa mundo.
---
'???' song by Pablo of SB19. If you want to listen to it, just check out his Youtube account. Don't forget to like and subscribe.
xoxo
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022