Chapter 11

90 6 0
                                    

VESTER

Nandito ako ngayon sa rooftop ng building ng SBM. Nagpapahangin. Lunch break namin ngayon pero wala kong gana.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong mangyari ang insidente sa pagitan namin ni Sejun.

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay pinili kong dumistansya mula sa kanya. Nanibago ang sistema ko. Para bang kulang. Para bang hinahanap ng katawan ko ang mga simpleng pag uusap namin. Ewan ko ba. Siguro di lang talaga ako sanay na may taong iniiwasan.

Tiningnan ko ang relo ko.

1:00 pm na rin pala. Kailangan ko ng bumaba.

Natapos ng maayos ang training namin ngayon.

Habang nagpapahinga ay bigla namang pumasok si Ate Raph. Napaayos ng tayo kaming lima.

Sinenyasan niya kami na maupo na lamang.

"Alam niyo naman na dalawang buwan na lamang ay ilalabas na ang inyong first ever single kasabay ng debut ng grupo. Magiging sunod sunod na ang guestings, tv appearances, at maging mga live events gaya ng mall show. Kung kaya't napagdesisyonan ng management na bigyan kayo ng 3 days and 2 nights vacation sa Siargao." masiglang sabi nito.

Tuwang tuwa naman ang buong grupo.

"Hay sa wakas. Makakapagbeach din!"  masayang sigaw ni Cullen.

Napangiti ako.

Makikita din sa ibang mga kagrupo ko ang excitement na nararamdaman nila dahil sa paparating na bakasyon.

Napagawi ang tingin ko kay Sejun. Makikita sa mukha nito na masaya rin sya. Agad akong nag iwas ng tingin ng mapansin kong lumingon siya sa kinauupuan ko.

Muling nagsalita si Ate Raph.

"Babyahe tayo papuntang Siargao bukas na bukas din." saad nito at pumalakpak.

Napapalakpak din kami.

"Alas otso impunto. Dapat nandito na kayo sa SB building. Maliwanag?" tanong sa amin nito.

"Opo!" masigla at sabay sabay na sagot namin.

"Makakauwi na kayo." sabi nito at lumabas na ng studio.

Agad kaming nagpasya na umuwi na sa kanya kanyang bahay upang makapaghanda ng mga dadalahin.

Habang nag aayos ng mga gamit ay biglang tumunog ang cellphone ko.

@BSejun_: I know it's a bit late but still, I want to apologize for what I did the last time. It wasn't my intention to shout at you and to hurt your feelings. Its just that there's so many problems that i've been taking care of. I'm sorry for letting my emotions take over.
I really do hope that you'd forgive me.
Goodnight. See u tomorrow.

Nabigla ako sa nabasa ko. Si Sejun ba talaga to? Inistalk ko siya. Maya maya pa ay may lumabas na notification sa cellphone ko.

@BSejun_ followed you!

Siya nga. Mukhang kaya din naman pala nitong magpakumbaba. Hindi sa iniintay ko na mag sorry siya. Ayoko lang talaga gumawa ng first move.

Finollow ko na din siya.

Nakaramdam ako ng gutom. Agad akong bumaba at nagluto ng hapunan. Ang tagal ko din palang hindi nagawang magluto.

Umakyat ako sa kwarto ni Cullen. Kinatok ko ito.

"Cullen. Cullen." tawag ko.

"Baka nagugutom ka. Nagluto ako." sigaw ko dito.

Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan niya ang pinto. Nagitla ako sa biglaang pagtapat ng mukha niya sa mukha ko.
Napaatras ako.

"Ano ka ba naman Dre. Muntik na tayong magkabunggo oh. Gutom na gutom lang?" nakangiting tanong ko dito.

Hinipo niya ang noo ko. Pinisil pisil ang pisngi ko. Maya maya pa'y sinampal niya ang kanyang sarili.

"Hoy! Ano ka ba? Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang ito'y nakanganga.

"Totoo ka. Hindi ako nananaginip. " nakatungangang sagot ni Cullen.

"Oo. Totoo ako. Mukha ba akong peke?" nagtataka akong bumaba at bumalik na sa kusina.

Sumunod naman sakin si Cullen.

Naupo ito sa tapat ko.

"Anong nakain mo? Bat bumalik ka na sa dati?" nakatitig na tanong nya pa ulit sa akin.

Napangiti ako.

"Anong nakain. Bago pa nga lang ako kakain oh." sabay sandok ko ng kanin.

Tinapik nya muli ang sarili niya.

"Ngumiti ka." saad nito. Itinaas nito ang mga kamay at muling nagsalita.
"May himala. Ang himala ay nakay Vester Quitales." sabi nito habang nakapose ng parang sa pelikula.

"Tangi!" tapik ko sa kanya.

"Kumain ka na nga lang dyan. Kung ano ano pinagsasabi mo eh." natatawang sambit ko dito.

Agad din naman itong tumalima na iiling iling pa.

Napakagaan ng loob ko. Para kong nabunutan ng tinik dahil sa chat nyang yun.

Salamat naman, usal ko sa aking sarili.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon