Chapter 26

90 7 3
                                    

CHASTINE

"Mom. What should I do?" tanong ko kay mama.

"Slice the onions and garlic nalang nak." my mom while preparing the meat.

Magluluto kami ngayon ng paborito ko. Adobo. Yeyy!

"Mom. Can I ask you something?" tanong ko habang naggagayat.

"Ano yun Chast?" sagot ni mama.

"What if Papa didn't tell you something important, what would be your reaction?"

"What kind of question is that nak? Of course, I will be mad. If importante ang isang bagay or kahit pa hindi, dapat sinasabi talaga sa isa't isa. Because that is one sign na you trust that person wholeheartedly." diretsong tugon ni mama.

"Why Chast? Is there something wrong? May naglilihim na ba sayong importanteng tao?" mapang usisang tanong ni mama.

Nakatingin ito sa akin. Tila ba sinisipat ako.

"Wala ma. Hindi para sa akin yung tanong na yun. It's for a friend." sabi ko habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Sigurado ka?" nakataas ang kilay na tanong muli nito.

"Opo." talaga namang hindi para sa akin yun. Para yun kay Vester.

Agree ako kay mama at sa nararamdaman ngayon ni Ves. He has all the reason to be mad. Sila man o hindi, the fact na hindi sinabi ni Sejun na he has a fiancee is still lying.

Biglang nagsalita si mama.

"Pero Chast anak. If you have someone important already, please tell mama okay?" nakatinging sabi sakin ni mama.

Napaisip ako. Is this the time para umamin na ko? I'm scared. But I want to tell her. She's my mother. I hope she'd understand.

"Ma." tinigil ko ang ginagawa ko. Humarap ako sa kanya.

"Actually, I have something to tell you." kinakabahan ako.

"Ano yun nak?" humarap din ito sa akin.

Bumuntong hininga ako.

"Sa totoo lang ma. May nagugustuhan na po ako." hindi makatinging saad ko.

Hindi umimik si mama. Inintay niya kung ano ang susunod kung sasabihin.

"Matagal na po. Almost a year ko na po siyang gusto."

Tumango tango lang si mama.

"Kaso po lalaki din po siya eh." napatungo ako. Hinahanda ko na ang sarili na masermonan.

Wala kong narinig. Hindi umimik si mama. Naku! Galit na yata.

"Alam ko." tipid na sagot nito.

Ano daw? Alam daw ni mama?

"P-po?? Pano nyo po nalaman??" puno ng pagtatakang tanong ko.

"Chastine, nanay mo ko. Kilala kita mula ulo hanggang paa. Alam ko kapag malungkot ka, masaya, galit, kinikilig, o kahit natatae ka lang. Alam ko." natatawang sabi nito.

"Hulaan ko. Si Cullen yun no?"

Lalo akong nagulat.

"You knew?"

"Of course. Kapag wala ka dito sa bahay, alam ko kung san ka hahanapin. At kita ko kung paano mo siya tingnan. Kung pano ka ngumiti sa twing nakangiti din siya. Love yan 'nak." nakangiting sambit ni mama.

"And you're not mad?"

"Why would I be mad?" takang tanong nito.

"Kasi we're both guys?"

"And so? It's just gender anak. Puso ang nakakaramdam. Ang nagmamahal. Hindi kasarian. And I'll support you in all things that you love and that will make you happy. Because you're my son. Remember that." sagot ni mama bago bumalik sa ginagawa.

Halos maluha ako sa sinabi niya. How lucky I am to have such understanding mother.

Niyakap ko siya mula sa likod.

"Thank you Ma." mahinang bulong ko.

"You're welcome anak. Go get that boy." nakangiting wika nito sabay gulo sa buhok ko.

Thank you Lord God for this. I heaved a sigh of relief.

---

Happy pride month to our brothers and sisters, LGBTQIA+ community !!

xoxo

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon