Chapter 23

91 9 0
                                    

VESTER

Everything went smoothly with our career. While Felip, mas lalo siyang lumayo sakin matapos ang pag uusap naming yun. Hindi na niya ko pinapansin. Maliban nalang pag kelangan talaga and when somebody tells us to do so. I can't blame him though. Dinidistansya ko nalang rin ang aking sarili kasi ayokong bigyan siya ng false hope. I'm friendly and that's who I am. I don't want my actions to be misinterpret.

Sejun and I where the same as always.   Not until one day.

It's 5pm and uuwi kami ng maaga kasi we're done with our deed. We need to  rest.

Nag aayos na kami ng gamit when Sejun was called by one of the staff.

"Sejun." tawag ni Ate Jane.

Agad na lumingon naman dito si Sej.

"Yes ate?" tanong naman nito.

"Gusto ka raw makausap ni Mr. Lee. Sumunod ka muna sakin saglit." sagot nito at umalis.

Tumango lang ito.

Bago siya umalis ay nagpaalam pa muna siya sa akin.

"Wait for me here. Hatid na kita sa apartment mo." sabi niya sabay ngiti sakin.

"Sige." nakangiting tugon ko dito.

Few minutes passed. I was just playing with my phone nang may pumasok na babae sa studio.

Nandun pa rin kaming lahat iniintay si Sejun kasi baka importante yung sasabihin sa kanya ni Mr. Lee and kailangan namin malaman.

I don't know her. Tiningnan ko lahat ng mga kagrupo ko. Mukhang di rin kilala ni Cullen at Chastine. Si Felip lang ang napansin kong tila nag iba ang tingin ng makita ang pagpasok nito. Parang medyo nataranta. Bigla itong napatayo.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Felip sabay lapit sa pumasok na babae.

"Oh. Hey Felip. I was just looking for Sejun. Sabi ni tito baka nandito siya eh. I looked for him in his condo but he's not there so I've decided na dumiretso dito. Where is he by the way?" dire diretsong sagot nito.

Maganda siya. Balingkinitan ang katawan. Maputi. Halatang galing sa isang kilalang pamilya. Mukha naman siyang mabait. Bakit naman parang naka angil agad itong si Felip dito sa babae.

Wait. Tama ba rinig ko. Hinahanap niya daw si Sejun. Kaano ano niya kaya 'to?

"Hintayin mo nalang siya dito." tipid na sagot ni Felip sabay agad na lumapit sakin.

"Let's go." seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Himala. Bakit niya ako biglang inaaya ngayon. Anong meron?

"San tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Basta." iritableng tugon nito.

Nilapitan naman ni Chastine yung babae at pinaupo.

"Upo ka muna." alok niya dito. "Ako nga pala si Chastine. Isa sa kagrupo ni Sejun." sabay lahad ng kamay.

Tumayo na ako at akma ng susunod kay Felip.

"Nice to meet you Chastine. I'm Casseopia. Pia nalang." nakangiting sagot nito. "Sejun's fiancee."

Nagpantig ang tenga ko. Tila tumigil ang mundo ng sabihin niya ang mga katagang yun. Hindi ako nakakibo. Maging si Felip, Cullen, at Chastine ay parang nabato sa kinatatayuan nila.

F-f-fiancee??

S-Sejun's f-fiancee???

Nabalik lang kami sa ulirat ng may pumasok sa pinto.

"Ves. Let's g-"

"Pia?! What are you doing here??" pasigaw na tanong ni Sejun.

"There you are." sabay lapit dito. "What kind of question is that? Of course, visiting my fiancee. What else would be my reason to be here?" sagot nito bago ipulupot ang braso sa leeg ni Sejun.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang panoorin ang eksenang yun. Agad akong nagpaalam kay Felip.

"Mauna na ko." mahinang sambit ko dito bago damputin ang gamit at diretsong lumabas ng studio.

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Sejun ng pangalan ko pero hindi na ko nagpakalingon lingon.

Halos lakad at takbo ang ginawa ko para makaalis na lugar na yun. Tila kinakapos ako ng paghinga. Hindi dahil sa pagod kundi sa sama ng loob.

Pain. Anger. Hatred.

Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko rin namalayan na umaagos na pala ang luha mula sa mga mata ko.

Nasa parking na ako ng may biglang humatak ng braso ko.

"Ves. Please let me explain." si Sejun.

Naikuyom ko ang kamao ko. Gustong gusto ko siyang suntukin at saktan. Baka sakaling maibsan itong nararamdaman ko.

Winaksi ko ang kamay niya at nagsimula uling lumakad.

Hinabol pa rin niya ako at inabutan.

"Please Vester. Hayaan mo kong magpaliwanag." halos pagmamakaawa nito.

"PALIWANAG?? ANO PA KAILANGAN MONG IPALIWANAG???? MALINAW NA SAKIN SEJUN!! MALINAW NA MALINAW!!" pasigaw na sagot ko sa kanya.

Lalong umagos ang luha sa mata ko.

"Kasalanan ko 'to eh. Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako na parehas tayo ng nararamdaman. Na gusto mo rin ako. Kasi ako, GUSTONG GUSTO KITA EH!!!"

"Hindi yun ganun Ves."

"Anong hindi?? Sige nga. Sabihin mo kung ano talaga nararamdaman mo sakin? Kung ano ba talaga ko sayo???"

Natahimik siya.

"SEE??? You can't even answer that damn question! It's just a simple question Sejun!!" pinunasan ko ang luha ko.

"At alam mo yung pinakamasakit?? Yun yung hindi mo manlang sakin sinabi. YOU DIDN'T EVEN BOTHER TO TELL ME THAT YOU HAVE A FIANCEE!! YOU HAVE ALL THE FVCKING TIME IN THE WORLD TO TELL SEJUN! BUT YOU DIDN'T DO IT!! PINAGMUKHA MO KONG TANGA!!!"

Napatungo lang ito.

"Stay away from me from now on. I will only talk to you when it's necessary. Kapag kinailangan lang ng pagkakataon." saad ko dito bago ako tumalikod. Pinigil kong tumulo muli ang luha ko.

Binigyan ko pa siya ng huling tingin. Nakatungo pa din ito.

"I hate you." matigas kong sabi bago tuluyang umalis.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon