Chapter 19

102 6 0
                                    

VESTER

Nagising akong wala ng Sejun sa tabi. Nalungkot ako. Nakita ko ang isang sulat na nasa ibabaw ng lamesa. Galing kay Sej.

"I'm sorry if I leave you while you're still asleep. Hindi na kita ginising pa dahil napakahimbing ng tulog mo. There's just an emergency at home. I hope you'll be okay alone. And Good morning btw. See you tomorrow :)"

Napangiti naman ako sa aking nabasa.
Good morning din, bulong ko.

Pahinga kami ngayon. Walang schedule kaya dito lang ako sa bahay. Gagawa nalang ng mga chores para di mabored.

***

Hindi namin namalayan na isang taon na din pala mula ng magdebut kami. Pero halos same routine lang din kami. Kukunti pa rin ang shows. Madalang ang guestings tapos wala pa din kaming mga endorsements.

There are times na we questioned ourselves kung tama pa ba na ipagpatuloy namin to kasi wala namang nangyayari sa career namin. But at the end of the day, naaalala pa din namin why we go for this. Why did we chose this path in the first place. Dahil ito yung gusto namin. Dahil ito yung pangarap namin. At dahil ito yung makakapagpasaya samin.

Our families also doubted us pero we assure them that everything will be alright because God has a right plan. Kailangan lang naming magtiwala sa Kanya.

***

Nandito kami ngayon sa condo ni Sejun. Nagkayayaan lang na mag inuman. Katatapos lang ng isang event na pinuntahan namin so parang celebratory party na din namin tong lima.

The past year, naging smooth naman pagsasama namin as a group. Nagtatalo pa rin minsan pero di naman maiiwasan yun. But still, we make sure na okay ang lahat sa pagitan ng bawat isa.

Lalong naging malapit si Cullen at Chastine. Napapadalas na nga rin ang pag sleep over ni Chast sa apartment namin. Si Felip naman, halos walang pinagbago. Tahimik pa rin. Magsasalita lang kapag kailangan. Parang may bayad ang pag imik niya.

Kami naman ni Sejun, naging mas close na rin. To the point na naiilang na ko. Not because ayaw kong close kami, but dahil sa napapansin na ng iba ganun din ng mga staffs. Naging super clingy na din siya sa akin. Parang may sariling buhay ang mga kamay niya at mamalayan ko nalang na nasa tiyan ko na. There are times pa na he pinches my thigh in front of our bosses so agad ko naman itong tinatapig.

He said, he unconsciously did that dahil sanay na siya. And he's comfortable doing it.

But i'm not complaining though. Aaminin ko. Gusto ko na ganun siya sa akin. Sobrang saya ko when all his attention was on me. Pero I still keep my distance kapag nasa harap ng camera. Mahirap na.

Nandito kami ngayon, naglalaro ng spin the bottle. Tumapat kay Cullen ang bote.

"Truth or Dare?"tanong ko dito habang inihahanda ang isang shot na alak. Kapag kasi ayaw sagutin ang tanong o ayaw gawin ang dare, sshot nalang.

"Dare." matapang na sagot nito.

Nag isip ako. Alam ko na.

"Mag aegyo ka habang nakatuntong dun sa lamesa." utos ko dito.

"Sus. Napakadali naman." saad nito bago ginawa ang dare ko.

"Easy." mayabang na sabi nito bago naupo. "Ako na magpapaikot hah."

Tumapat naman kay Felip ang bote.

"Truth or Dare pre?" tanong ni Cullen.

"Truth." tipid na sagot nito.

"Hirap naman. Dapat nagdare ka nalang eh." sagot naman ni Cullen habang kinakamot ang ulo.

Nag isip ito.

"Ah. Alam ko na. Curious ako tungkol sa bagay na 'to eh. Sige." saad nito sabay kuskos sa sariling palad.

"May nagugustuhan ka na ba? Yung totoo ah." nakangising tanong nito.

Tumahimik ang paligid.

"Meron." diretsong sagot ni Felip habang nakatingin sakin.

"Sino?" nakaabang na tanong ni Cullen.

Nag iwas ito ng tingin. "Isang tanong lang." sagot nito bago pinaikot na ang bote.

Napaismid naman si Cullen. Hindi siya nakalusot. Buti nga. Hahaha. Napakachismoso kasi. Pati lovelife nitong si Felip, uusisain.

Tumapat ang bote kay Sejun. Umayos ito ng upo at diretsong tumingin kay Felip.

"Truth or Dare?" tanong nito.

"Truth." tipid na sagot ni Sej.

Nakamasid lang kaming tatlo. Iniintay ang itatanong ni Felip.

"Kaya mo bang panindigan yang mga ginagawa mo?" seryosong tanong nya.

Natahimik kaming lahat. Kumunot ang noo ko. Maging si Cullen at Chastine ay nagtaka.

Alin ang paninindigan? tanong ko sa utak ko.

Inintay namin ang sagot ni Sejun pero wala kaming nakuha. Kinuha niya ang alak na nasa gitna at inisang lagok ito.

Hindi pa rin namin naintindihan kung ano yun pero nagpatuloy pa rin kami sa paglalaro.

Napagpasyahan naming magsiayawan na ay nang mapansin naming medyo madami ng naiinom itong si Cullen. Sinabi ni Sejun na dun na muna ito matulog sa guest room. Agad naman itong inalalayan ni Chastine papunta sa kwarto. Doon na rin muna pinagpalipas ng gabi ni Sejun si Chast.

Si Felip naman ay nagdesisyong umuwi. Kahit anong pilit namin ay tumanggi ito kaya pinabayaan nalang din namin.

Nang makaalis siya ay umakyat na rin kami sa kwarto.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon