"Bub, si Cherie," nag-angat ng tingin si JC nang marinig ang boses ng dalaga. Kahit yata hindi ito magsalita ay malalaman niyang nandoon ito. Kahit nakatalikod siya alam na alam niyang nandoon lang ito. Iba kasi ang pakiramdam niya tuwing nasa malapit lang ito. Naaamoy niya pa lang ang pabango nito, bumibilis na agad ang kabog ng dibdib niya. "nakita mo?"
"No, Love. May kailangan ka ba kay Che?"
"Wala naman. Sige mamaya na lang," paalam nito sa kanya. Malungkot na pinagmasdan ni JC ang papalayong pigura nito. Hindi niya alam kung paano aamin sa dalaga tungkol sa nararamdaman niya. Masyadong malalim ang pinagsamahan nila para isakripisyo ni JC ang damdamin niya para dito. Kung sana lang ay nasa ibang sitwasyon sila. Kung sa ibang pagkakataon siguro, magagawa niyang ipaalam dito ang nararamdaman niya.
"Girl, kumalma ka. Si JC lang 'yon. Si JC lang 'yon!" kanina pang nagpapaikot-ikot si Love sa loob kwarto niya. Hindi siya makatagal sa iisang lugar kasama si JC. Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa binata.
Nakilala niya ito noong pitong taong gulang siya, best friend ng Kuya Honey niya. Mula ng umalis si Honey para mag-aral sa ibang bansa, si JC na ang tumayong nakatatandang kapatid nila ni Cherie. Bata pa lang sila, crush na crush na niya si JC. Madalas pa nga siyang tuksuhin ng kuya niya dito. Hindi nagtagal, mas lumalim ng lumalim ang pagtingin niya sa binata. Ngayon nga ay pakiramdam ni Love ay naabot na niya ang finish line. Hulog na hulog na siya kay JC at hindi niya alam kung makakaya niya pang umahon sa pagkakagusto rito.
"Love," nagulat siya ng bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok si Cherie. "para kang tanga dyan. Kanina ka pa lakad ng lakad, ako nahihilo sa iyo."
"May iniisip lang ako." maiksing sagot niya sa kapatid niya. Hindi niya kayang sabihin dito ang nararamdaman niya kay JC dahil malapit ito sa binata. Marahil ay magkakalapit kasi ang edad ng mga ito, naging magkapares din ang mga ito sa pageant ng kurso nito. Pareho kasi ang kinuhang kurso ng dalawa, Engineering.
"'Sus! Si Kuya JC lang naman 'yan."
"Cherie!" tumakbo siya palapit sa kapatid at tinakpan ang bibig nito. "Ang ingay mo, baka marinig ka nila Mama."
"Takot ka na marinig nila Mama pero hindi ka takot na malaman ni Kuya JC?"
"Pwede ba?"
"Akala mo ba, Love, hindi ko alam na may gusto ka kay Kuya JC?"
"Wala," pangde-deny niya rito. "Hindi totoo 'yang sinasabi mo."
"Weh? Talaga lang, ah. Kaya pala hindi mo man lang siya tinatawag na kuya."
"Because I call him bubba."
"Bubba, 'sus! Kuya dapat." pang-aasar ni Cherie sa kanya.
"Bubba means brother in American slang. Hindi mo ba alam 'yon?" naiinis na sagot ni Love. Ang tagal niyang tinago ang nararamdaman para kay JC, sa ganoong paraan lang siya mabubuko ng kapatid niya.
"Bubba is a term of endearment, sabi ng GMT."
"GMT?"
"Google Mo, Tanga!" binato ni Love ng unan si Cherie na mabilis naman nitong nasalo. "Anyway, term of endearment daw ang bubba."
"Endearment mainly given to boys... formed from the word brother! Brother. See, tama ako." mabilis na sinearch ni Love ang ibig sabihin ng bubba. Nakahinga siya ng maluwag dahil makakalusot siya sa tawag niya kay JC. Ngunit 'yon lang ang akala niya. Biglang ngumiti sa kanya si Cherie dahilan upang bigla siyang mapalunok.
Ano na naman bang sasabihin nito, kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin nito. Parang may bomba itong pasasabugin anumang oras.
"You never see Kuya JC as a brother, Love. You like him. Akala mo ba we don't notice. It's very obvious."
"Halata ba talaga?" nahihiya niyang tanong dito. Huli na ng maisip ni Love na inamin niya sa kanyang kapatid ang totoo. Nang hampasin niya ang kanyang bibig ay tumawa si Cherie.
"I knew it! Yes, nanalo rin ako sa iyo, Kuya Honey!"
"What?"
"We know, Love. Hindi mo kailangan itago sa amin ang totoo. Bago mo pa aminin sa sarili mo, alam na namin ni Kuya Honey na gusto mo si Kuya JC."
"Anong gagawin ko, Cherie?" nanghihina siyang napaupo. Kung alam ng mga kapatid niya, sigurado siyang alam din ito ni JC. Mas lalo tuloy siyang hindi mapakali. Hindi niya alam kung paano aakto sa harap ng lalaki.
"Just be you, Love. I'm sure Kuya JC won't mind. Mabait naman si Kuya JC, eh. Kaso bunso," pinandilatan siya ni Cherie, "don't expect, ah? Hindi ibig sabihin na okay lang sa amin na gusto mo si Kuya JC ay aabuso ka. Tandaan mo, hindi kayo pareho ng nararamdaman. Tsaka malay mo, may girlfriend na pala si Kuya JC."
"Cherie naman!" nasaktan siya sa sinabi nito. Paano nga kung may girlfriend pala si JC? Ano na lang ang gagawin niya?
Kagat ang labi, gusto na humiyaw ni JC ngunit nagpigil siya. Inutusan siya ni Honey na ilabas ang mga kapatid nito. Birthday daw ni Love sa makalawa. At dahil may pasok sila, hindi raw magagawang lumabas ng mga ito para mag-celebrate. Bilang "Kuya" ng mga ito, si JC ang pinakiusapan ni Honey na gumawa ng paraan para sumaya ang kapatid nito. Kahit naman hindi ito makiusap, gagawin ni JC ang lahat para mapasaya lang si Love.
"Natahimik ka na dyan, 'tol? Nasaan na sila Love?" napatingin siya sa telepono niya. Kausap pa niya si Honey nang puntahan niya si Love sa kwarto nito. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng dalawa. Nakabukas kasi ang pinto ni Love kaya gustuhin mang takpan ni JC ang tainga niya, maririnig at maririnig niya ang usapan ng mga ito.
Mabuti na lang pinapunta ko ni Honey dito, bulong ni JC sa sarili. Akala niya ay wala na siyang pag-asa kay Love. Ngayong alam niyang mayroon din itong gusto sa kanya, hindi na niya sasayangin ang pagkakataon. Aamin na siya dito.
"'Tol, naalala mo si Love Bug?" tanong niya kay Honey. Sa totoo lang, kinakabahan siya sa gagawin niya, ngunit ayaw naman ni JC na balewalain si Honey. Matalik silang magkaibigan. Bago pa niya makilala ang kapatid nito ay may pinagsamahan na sila ni Honey. Isa pa, hindi niya hahayaan na masira ang relasyon niya sa pamilya ng mga ito dahil lang sa nararamdaman niya kay Love.
"Oo," narinig niya ang pagngisi nito sa kabilang linya. "gustong-gusto mo 'yan si Love Bug. Tuwing naririnig ko nga 'yan, naaalala ko si Love."
"Ano kasi, 'tol—"
"Kung wala naman boyfriend 'yang gusto mo, bakit hindi mo pa ligawan? Hindi 'yong para kang tanga na panay lang ang sulyap sa kanya. May magagalit ba kung liligawan mo 'yan?"
"Hindi ko sigurado, eh."
"Ano, may boyfriend na 'yan?" sa lakas ng pagkakasabi ni Honey, narinig sila nina Love at Cherie. Tumahimik ang dalawa sa loob bago lumapit sa kanya. "Kung makakasakit ka ng iba, JC, 'wag mo na ituloy 'yan. Marami pa namang iba dyan."
"Ano 'yan, Kuya JC? Si Kuya Honey ba 'yong kausap mo?" napatingin siya kay Cherie na nakatingin sa telepono niya. Nakatayo si Love sa likod nito. Deretso ang tingin sa kanya na para bang naghihintay rin ng sagot niya.
"Kuya, nanalo ako sa pusta! Kailangan mo kong ilibre."
Shit! Talaga ba, napatingin si JC kay Cherie at Love. Masayang-masaya si Cherie na nakikipag-usap kay Honey. Kabaliktaran naman ang reaksyon ni Love. Para itong hindi mapakali at biglang yumuko. "Talaga, Kuya? Aalis kami nila Kuya JC?" nasaktan siya ng makita ang takot sa mga mata ni Love. Takot ba ito sa kanya? Kaya ba palagi itong umiiwas sa kanya, lumalayo tuwing nasa malapit lang siya.
"Masama ang pakiramdam ko, Cherie. Kayo na lang umalis." sabi ni Love na lalong nagpalungkot sa puso ni JC.
"Hindi pwede, sabi ni Kuya Honey birthday mo na kaya tayo aalis nila Kuya JC," sagot ni Cherie bago bumalik sa pakikipag-usap sa isa pang kapatid nito. "Thanks, kuya. Akong bahala kay Love. Sasama 'to sa amin. Okay. Bye!"
Matapos magpaalam kay Honey ay nagpaalam na rin kay JC si Cherie. Mag-aayos lang daw ang mga ito at aalis sila agad. Hindi nagtagal ay nakaalis na ang mga ito sa harap niya. Ngunit si JC ay parang napako ang mga paang hindi gumagalaw mula sa kinatatayuan niya.
"Bwisit ka, 'tol! Imbes na nakaamin na ko, naunsiyami pa. Kapag talaga binasted ako ng kapatid mo, sasapakin kita." kakamot-kamot sa ulo siyang umalis para maghanda na rin.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.