Graduation Day.
Finally! After so many months, after so many hardships, pagkatapos ng confession niya sa Galaxy... ito na ang araw ng paghahatol. Ang magtatakda kung ang araw na ito ang magiging huling pagkikita nila ni Brie o ang simula ng panibagong yugto ng buhay nila na hindi magkasama. Pwede rin naman na magtutuloy-tuloy lang ang pagkakaibigan nila, o pwede ring ayaw na siya nitong makita.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ni Troy. At karamihan doon ay pulos negatibo. Paano ba naman kasi magiging positibo ang maiisip niya, ilang buwan siyang iniwasan ng kaibigan niya. Noong una, defense lang ang idinahilan nito. Hanggang sa finals naman. Sumunod ay pag-aayos ng papeles at mga requirements. At ang ending, umabot na iyon sa madalang na pagkikita. Ang tanging konsolasyon lang ni Troy ay ang patuloy na pag-uusap nila ni Brie sa telepono.
Hindi man ito nakikipagkita sa kanya, araw araw naman silang magkatawagan nito. Nagkukwentuhan sa mga nilakad nila sa araw na iyon. Mga kailangan ipasa, gawin at tapusin. Ang pagtutulungan sa mga pangangailangan ng isa't-isa at kung ano-ano pa. Iyon nga lang, hindi nila pinag-uusapan ang nangyari noong araw na iyon. Ang araw kung kailan ipinagsigawan niya sa buong Santa Catarina ang damdamin niya para sa best friend niya.
Wala namang pinagsisihan si Troy sa mga nangyari. Masyado ng matagal ang pitong taon na pagtatago ng nararamdaman niya para kay Brie. Noong una naman ay sigurado siyang pagmamahal bilang isang kaibigan lang ang nadarama niya para dito. Hindi niya alam kung saan o kailan siya nagsimulang umibig kay Brie. Ayaw mang masira ni Troy ang pagkakaibigan nilang dalawa, alam naman niya na matalino ito. Alam niya at alam nito kung ano talaga ang nararamdaman niya. Kahit hindi sabihin ay hindi na niya kailangan pang magpaliwanag kay Brie dahil naiintindihan naman siya nito.
Ayaw ko muna mag-boyfriend, Troy. Hindi pa ko nakakatapos, eh. Hindi pa ko nakakabawi sa parents ko. Isa lang naman ang gusto ko, ang maibalik sa kanila ang lahat ng sakripisyo nila para sa akin sa pamamagitan ng diploma ko. Pag nakatapos na ko, tsaka ko na iintindihin ang sarili ko. Tsaka na ko hahanap ng magiging boyfriend ko.
Sa lalim ng pagbabalik-tanaw ay hindi napansin ni Troy na nasa harap na niya si Brie. Nakangiti ito at naghihintay na makalapit siya dito. Nang babangga na siya sa dalaga ay tsaka nito hinampas ang braso niya at nagsalita, "lalim ng iniisip natin, ah. Hindi mo ko nakita?"
"Sorry! Sorry," niyakap niya ito ng mahigpit at inamoy ang buhok nito. "Na-miss kita, Brie."
"I missed you, too, Troy!" huminga siya ng malalim ng mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya. Nang kumawala si Brie sa yakap niya ay balak pa sanang habulin ito ni Troy, kaya lang pinandilatan siya nito kaya lumayo na lang siya ulit.
"Kaya pala ako bumili ng bulaklak, dadating ka na walang suot. O, isuot mo!"
"Bakit mo ko inaasikaso?"
"Ayaw mo, hubarin mo!" nagmamadaling umalis ito at hindi na hinintay ang sagot niya. Hindi alam ni Troy kung seryoso o hindi si Brie kaya napakamot siya sa ulo. Hindi kasi niya nakita ang mukha nito. Maging ang ekspresyon nito ay hindi pamilyar sa kanya. Bago pa mahuli ay pumasok na si Troy sa loob ng hall kung saan gaganapin ang graduation nila.
Kinakabahan si Brie. Matagal niyang pinag-isipan ang gagawin. Gusto niyang sabihin kay Troy na hirap na hirap na siya sa sitwasyon nilang dalawa at gusto na niyang tapusin ang paghihirap nito. Sa nakalipas na mga buwan, pilit niyang iniwasan ang kaibigan.
"Thank you and welcome dear students, teachers, parents and staffs to the graduation day of Santa Catarina University, Class of 2016. It is my great honor to deliver the commencement address to my fellow SCU-ians today."
Mabuti na lang at nasabihan siya ng dean nila na siya ang magbibigay ng Valedictory Speech sa araw na ito. Aaminin ni Brie, noong una ay ayaw niya itong tanggapin. Kalaunan, naisip niya na ito ang kailangan niya. Ito ang maaari niyang gamitin na dahilan kay Troy para hindi ito magtanong kung bakit kailangan niya itong iwasan.
"Looking back, the past four years are our legacy. Sa wakas, nandito na tayo. Ito na, nakatapos na tayo. Tapikin niyo ang mga sarili niyo. Sabihin niyo, 'good job, self. You made it.' kasi deserve niyo 'yan." nasa harap man ng libo-libong estudyante, sinubukan ni Brie na iikot ang paningin niya. Nagbabakasakali na makita niya si Troy. Sa kasamaang palad, parang mga langgam na lang sa paningin niya ang mga nasa harap niya. Masyadong maraming mga estudyante, isama pa na may mga magulang din itong mga kasama ngayon, kahit anong gawin niya ay hindi niya matanaw si Troy.
"Hindi ko alam kung bakit ako ang nakatayo dito sa harap ninyo. Sa totoo lang, nanginginig 'yong mga tuhod ko. Gusto kong sumalampak ng upo sa sahig dahil ninenerbiyos ako ngayon kaya lang kailangan kong tapusin itong nasimulan ko kaya naman, sana pakinggan ninyo ako." mahaba ang naihanda niyang speech. Sa tulong ng mga professor niya, nabuo ni Brie ang speech niya para sa araw na iyon. Ang hindi alam ng mga ito, may binago siya sa sasabihin niya. Habang palapit ng palapit ang katapusan ng speech ni Brie, mas lumakas ang kabog ng dibdib niya. Ito na ang hinihintay niya. Kaya sana ay magawa niya ng maayos ang plano niya.
"Mula sa departamento ng Arkitektura... ako si Gabriela Santiago Montes, magna cum laude, nakatayo sa harapan ng isang-daan at limampu't pitong libong mag-aaral ng Santa Catarina University na kasabay kong magtatapos ng kolehiyo ngayong araw at magsisimula ng panibagong yugto ng ating mga buhay kasama ng mga mahal natin sa buhay.
"Kaya naman, para sa matalik kong kaibigan na look-alike ni Dingdong Dantes, gusto kong malaman mo na kahit mapanga ka tulad ni Mikael Daez ay mahal kita. Thank you for making life endurable and more breathable. Tutal ay ginusto mong maging Lucky, thank you for making me happy. Para kang si Luis Manzano, kapag nandyan ka gusto kong isigaw ang 'Lucky Me!', hanggang sa naisip ko, na ikaw ang Daniel Padilla ng buhay ko.
"We made it, love. Pagkatapos ng araw na ito, makikiusap sana ako na hintayin mo pa ako ng kaunti. May review pa kasi tsaka licensure exam. Kailangan ko pa ng time... pero I can't waste our time anymore. Luisito "Troy" Boulton III, my best friend, my Lucky... can we stop from being besties?
"Move unto the next chapter with me. Papayag ka na bang magpaligaw sa akin, Troy?"
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.