“Juan Paulo, sir? Dito po ang klase niya, alam ko.”
Napatingin ako sa unahan ng makita ko ang kumpulan ng mga lalaking bigla na lang pumasok sa Eng 2 class ko.
“Whoever that Juan Paulo is not important. You are disturbing my class. Aren't you ashamed of speaking in Filipino in an English class?”
“Ayun, ayun siya pare.” napakunot ang noo ko ng ituro ng isa ang kinalulugaran ko. Maliban sa ako lang naman ang Juan Paulo sa klase namin, wala rin naman ibang Paulo sa harapan ko.
“Get out! I'll report each one of you.”
“Kailangan nga po namin si Juan Paulo, s—”
“If you have an ounce of decency left, respect my subject.”
“We need John Paul. Is that okay with you, sir?”
“John Paul is here,” turo ng isang kaklase ko sa sarili niya na nagpatawa sa buong klase. Halata kasi na hindi kami kilala ng prof namin kaya't hindi nito alam na dalawa kaming Paul sa klaseng iyon. Nasa likuran ako ng classroom sa gawing kanan, samantala, siya naman ay nakaupo sa unahan sa bandang kaliwa malapit sa bintana, “Juan Paulo is there. If you are referring to that tall guy over there.”
“Yes, yes. Him, him!” turo nung isa na nagtatatalon pa. “Hurry. Skye emergency!”
Pagkarinig ko pa lang ng Skye ay umakyat na ang lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi ko na nagawa pang magpaalam ng maayos sa prof ko. Nagmamadali kong hinablot ang gamit ko at tumakbo palabas ng classroom. Hindi naman ako tinawag ng prof ko. Mukhang naintindihan na nito kung bakit may mga estudyante na bigla na lang sumugod sa klase namin. Kahit walang nagsasalita sa mga nagmamay-ari ng yabag na nakasunod sa akin ay alam ko kung saan ang daan na pupuntahan ko.
What's wrong, babe? What's with this emergency?
Puffy eyes, red nose and cheeks. Hindi pa rin humihinto si Skye sa pag-iyak ng makarating kami ng mga kaklase niya sa pool ng SCU. Nakabalot siya ng makapal na tuwalya habang nakapaikot ang mga babaeng kaklase niya sa kanya. Kusa naman itong nahawi ng mapansin nila na papalapit na ako. My initial thought? Nothing. I don't know what I actually feel when I saw the love of my life crying.
Gusto ko ba siya i-comfort? Yes. Do I want to carry her burdens? Of course. Gusto ko ba siyang yakapin? Definitely. But my mind is blank. It's as if my whole being was reformatted. Sa dami ng gusto kong gawin at itanong, walang kahit anong kilos ang katawan ko. Huminto yata ang pag-process ng utak ko.
“Baby,” I whispered at Skye when I reached her. May mga impit na kilig at tili sa paligid na tila walang nangyari kanina lang. Para bang hindi mahalaga ang kung anumang dahilan kung bakit umiiyak si Skye ngayon sa harapan naming lahat. “you okay?”
“Take me home.”
“Okay,” sagot ko at walang pagda-dalawang isip na yumuko para buhatin siya. Napasimangot ako when Skye tried to hide her face in my chest. Everyone saw her tears. What's the point in hiding it? Isa pa, there's nothing wrong with crying.
“Chin up, love. I got you.”
“Umiyak ako sa harap nilang lahat.”
“Kaya nga useless kung itatago mo pa ang mukha mo dahil nakita ka na naman nila. Your beauty is timeless, babe. Hindi dapat ikinakahiya ang ganyang ganda.”
Nagtilian ang mga kaklase niyang babae. May iba pang naghampasan na nauwi sa tulakan sa pool. Nagtatawanan ang mga ito at halatang kinikilig sa palitan namin ng salita ni Skye.
“Nakakahiya ka, Juan Paulo! Naririnig ka ng mga kaklase ko.”
“Hinawakan niya ko, babe.” I was dumbfounded.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.