Girlfriend Material

17 2 0
                                    

"Totoo ba ang chismis sa buong SCU? Nililigawan ni Chester si Admin Tala!" natawa na lang si Paulo ng marinig ang dahilan ni Skye kung bakit ito nagmamadaling pumunta sa kanya ngayon. Akala pa naman niya ay may kung anong emergency na ito. Hindi naman pala. Tungkol lang sa pagkikita nina Chester at Kristal.

"Nanliligaw na ba agad? Akala ko ba, hindi niya sisirain ang friendship kapag nagkataon. Bakit pinopormahan niya agad si Kristal?"

"So, you met Tala?"

"Of course," simpleng sagot niya.

"You met Tala?!"

"Skye, what's wrong?"

"You met Tala and you didn't even tell me?! Argh, Paulo. I hate you!" naiinis na tumalikod si Skye kaya naman nataranta siya at nagmamadaling hinabol ito.

"Woah, woah, woah. Hold on, babe! Anong..." Thank God for his height, and hers, ilang hakbang lang niya ay naabutan na agad niya ang babae, "anong problema, babae?"

"I've heard she's pretty," nakasimangot na sabi ni Skye.

"Beautiful even," sagot niya naman dito na sinamahan niya pa ng pagtango.

"Ah, ganoon? Doon ka na kay Tala. Maganda pala, eh."

"But not as beautiful as you," magtatangka sana itong layasan na naman siya ngunit naging maagap si Paulo at mabilis na ikinulong si Skye sa mga yakap niya. "You don't need to be jealous, Tiara. You're the only woman that I can see."

"Get off me! Ako lang nakikita mo pero sinabi mo maganda si Tala," alam ni Paulo na hinuhuli lang siya ni Skye, pero hindi siya papayag na mag-isip ito ng hindi maganda. Tungkol man sa kanya o sa sarili nito. Hindi man opisyal ang relasyon nila, alam ni Paulo na mas maganda at mas magiging maayos ang takbo ng relasyon nila ni Skye kung mararamdaman nito na ito lang ang para sa kanya. At totoo naman. Kaya araw-araw, tinatandaan niya kung paano niya dapat tratuhin, kausapin at ipaalala kay Skye na ito lang ang babae para sa kanya. Sinisiguro niyang mararamdaman nito na ito lang ang mahal niya. "Ang nakakainis pa, kilala mo siya pero hindi mo siya ipinakilala sa akin."

"You know Admin Tala, she's a very private person. A secretive one. Ang tanging pakiusap niya sa akin ay itago kung sino siya. How can I refuse? She's been very honest with everything that she do. I can't disappoint her and give her away like that."

"I'm still mad at you, babe. Nauna pa siyang makita ni Barbie kaysa sa akin. I hate you!"

"It's because Ara was in G Room when the two met. Imagine, first encounter nila sa isa't-isa, sa harap pa namin ni Ara. I even treat Ara yesterday because she was so down. Akala ko ba you think it was just a simple crush. Parang broken hearted si Ara kahapon."

"Ganoon talaga kaming mga girls, but once we acknowledge the truth, mas masaya pa kami sa mga totoong involve sa kwento. Trust me, she'll get over Ches soon." ngumiti ito sa kanya na mabilis rin naglaho ng may maalala, "where did you take her anyway?"

"Sa Jollibee," nagulat siya ng bigla siyang hampasin ni Skye, parang nagalit pa ito na sa Jollibee niya dinala si Barbie. "para bida ang saya! Aray, bakit ka nagagalit? Sorry na, alam kong favorite fastfood mo 'yon pero wala kasing iba na malapit."

"How dare you bring Barbie to Jollibee? Alam mo ba na mas malaki pa ang allowance niya kaysa sa iyo. Ang cheap, Juan Paulo! Nakakahiya kay Barbie."

"Mas malaki pa ba allowance niya," napakamot siya sa ulo, "dapat pala ako ang ilib— aray naman, Tiara!"

"Let's take her out again. My treat!"

"Bakit?"

"I'll show you how to treat a girl right."

Napakamot na lang siya sa ulo muli. Nagmagandang loob na nga lang siya kahapon para magpagaan ng loob ng kaibigan nila, napasama pa siya. Siya pa ang hindi marunong trumato sa babae ng tama.

"Gusto ko lang naman masabihan mo ng very good, baby."

Napakamot na lang si Paulo sa ulo ng kulitin siya ni Skye na ipakilala ito kay Tala. Nakipag-kutsabahan pa ito kay Barbie na sinundo pa nila pagkatapos ng klase nito.

"Ate Skye, sobrang ganda ni Ate Tala! Para siyang artista talaga. Kilala mo ba 'yong sumisikat ngayon na anak ng dating action star? Ysabel ba pangalan nung artista na 'yon? Iyon ang kamukha ni Ate Tala. Babyface, napakakinis at ang puti puti. Matangkad pa," pagbibida pa ni Barbie kay Skye na padiin ng padiin ang pagkakakapit sa braso niya.

"Aray, aray, aray! Babe, bakit ka ba nanggigigil sa akin?"

"Natatakot ka bang magustuhan ko si Tala kaya ayaw mo siyang ipakita sa akin?" nakalabing sabi ni Skye sa kanya na nagpalaki sa mata niya.

"What the... Skye Tiara! Ikaw naman, Ara," tinuro niya si Barbie na biglang nagtaas ng dalawang kamay matapos nitong umarte na zini-zipper ang bibig, "tigilan mo na pagkukwento sa Ate Skye mo. Tignan mo, bugbog na bugbog ang braso ko. Kanina pa ko kinukulit n'yan kay Tala."

"Bakit ba ayaw mong ipakilala si Tala sa akin?"

"Bakit ayaw mo ipakilala si Ate Tala kay Ate Skye?"

Nagtinginan pa ang dalawang babae at nag-apir sa harap niya. Napahawak siya sa kanyang noo at iiling-iling na yumuko. Napagtulungan pa talaga siya ng dalawang babae ngayon. Hinampas ni Skye ang ibabaw ng mesa na nasa harap niya kaya napatingin siya dito. Nakataas ang isang kilay nito at naghihintay ng sagot niya, "yes, baby?"

"What now, Juan Paulo? Are you going to introduce Tala to me?"

"Babe—"

"I think I'll like her and you are just jealous kasi aagawin ko si Tala sa iyo."

"No way!"

"Grabe! Akala ko magkakaroon ng selosan kay Kuya Pau dahil sa 'yo, Ate Skye. Hindi pala. Si Ate Tala pala ang dapat pagselosan."

"Ipakilala mo na kasi si Tala sa akin, babe, please?"

"I'll try," sabay pang humiyaw ang dalawang babae sa harap niya. Pinagtinginan tuloy sila ng mga taong kumakain din sa restaurant kung saan sila kumakain ngayon. "I'll ask Kristal first!"

"Thanks, you're the best!" sabi ni Skye sabay halik sa pisngi niya. Nanunukso ang mga ngiti sa labi ni Barbie. Bahagyang nakaramdam tuloy siya ng hiya. Ito naman kasi si Skye, alam naman na may kasama sila, hinalikan pa siya sa pisngi.

Wala na, kailangan ko na mapapayag si Kristal. Kiss lang pala ang kapalit ni Tala.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon