I'm Speechless...

18 3 0
                                    

Hindi maiwasang mapangiti ni JC ng magtatalon sa tuwa si Cherie. Nauna itong matapos mag-ayos kay Love. Dahil malapit din naman kay Cherie, inamin na ni JC dito ang nararamdaman niya sa kapatid nito. Tinanong siya ng huli kung alam na ba ni Love o ni Honey ngunit umiling lang siya. Sinabi niya rin dito na ito ang pinag-uusapan nila ni Honey ng marinig nila ito kanina.

"Love, ang tagal mo! Bumaba ka na dito." sumigaw ito, kunwari ay pinagmamadali ang kapatid pero ang totoo, nakikipag-usap ito sa kanya at nagtatanong ng kung ano-anong detalye tungkol sa nararamdaman niya sa kapatid nito.

"Sandali, hindi pa ko tapos. Pababa na," narinig nilang sagot ni Love na hindi na pinansin ni Cherie dahil mas gusto nitong marinig ang mga sagot niya.

Typical Love, may pagka-kikay kasi ito. Noong una, hindi naman niya napapansin si Love. She's their youngest sibling, okay? Who would dare look at a kid? But as time goes by, Love grows beautifully. By the time she hits adolescence, she began to have that perfect body. Curves at the right places, tiny waist and a glass skin to die for. And now that Love turns 18, she looks very woman in JC's eyes. Don't get him wrong. JC would kill for Love, kahit naman kay Cherie, but he learns that when you started to see someone differently, there's no turning back. Parang siya kay Love. Who would have thought that he would fall for his best friend's sister?

"Ano na, Kuya JC, kailan mo nalaman na gusto mo si Love? Oh my God! I'm so happy for Love," kinikilig na tanong ni Cherie sa kanya.

"Happy for Love?" tanong niya dito pabalik.

Kunwari wala akong narinig kanina. Wala akong alam.

"Ah, e-eh... ano, masaya ako para kay Love kasi may nagkagusto sa kanya na tulad mo. Yeah, that's right."

"Che," nagtatanong ang mga matang nakatingin siya rito. Humagikgik lang ito sa kanya. Umiiling-iling pa na halatang may iniisip na hindi maganda. At iyon ang eksenang naabutan ni Love.

"Tara na ba?" may kung anong emosyon sa mata nito na hindi mapangalanan ni JC. Bigla siyang nakaramdam ng takot. May narinig ba itong hindi dapat? Mukhang magkaka-problema pa siya sa pag-amin sa dalaga.

"Tara!" hinila siya ni Cherie palabas ng bahay. Hindi niya magawang lumingon kay Love na tahimik lang na nakasunod sa kanila. Ano kayang naiisip nito? Gustong batukan ni JC ang sarili sa dami ng tanong na tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Ah, Love. I am head over heels in love with you!

Kung napansin ni JC na wala siya sa mood ay wala siyang pakialam. Hindi pala kaya ni Love na magpanggap na masaya siya para sa binata kapag nalaman niyang may girlfriend na ito. Katulad ng kinakatakot niya noong sabihin ni Cherie ang posibilidad na may girlfriend na ito, ganoon ang naramdaman ni Love ng marinig niya ang pag-uusap ng mga ito kanina.

Nasaktan siya sa nalaman na may mahal na ito. At hanggang ngayon, parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang tingin ni JC kay Cherie.

Oh my God! I'm so happy, love. Namura ni Love ang sarili sa isipan. Hindi kaya ang sarili nito ang tinutukoy ni Cherie kanina. Hindi kaya may gusto ang mga ito sa isa't-isa. Gustong umiyak ni Love sa naiisip. Hindi niya alam kung kakayanin niyang makita si JC sa piling ng iba. Mas lalo na siguro kung ang makakasama nito ay ang mismong kapatid niya.

"Love, dyan ka na sa harap. Dito ako," pinagbukas ni Cherie ang sarili at sumakay sa likod ng sasakyan ni JC. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umupo sa tabi ni JC, lalo na ngayon na ang daming gumugulo sa isip niya. At lahat iyon ay tungkol dito.

"Love," pakiramdam niya ay dumaloy ang libo-libong boltahe ng kuryente mula kay JC papasok sa katawan niya. Magaan kasi siyang hinawakan nito sa siko. Inalalayan siya palapit sa sasakyan nito. Sa bilis ng tibok ng puso ni Love, hindi niya na namalayan na nakasakay na siya sa kotse nito. Kung hindi po ito lumapit sa kanya para abutin ang seat belt na siya ring nagsuot nito sa kanya.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon