"Ahhh!!! No!"
Nanghahapo akong napabalikwas ng bangon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko mamamatay na ko. Nang mahimasmasan ay unti-unti kong iginala ang paningin ko sa kinaroroonan ko. Puting pintura, asul na pintuan, berdeng kurtina... at lalaking nakayukyok sa tabi ko habang mahigpit ang kapit sa kamay ko.
Sino 'to? "Excuse me?" gamit ang libreng kamay, magaan kong tinutusok ang balikat ng lalaking mapayapang natutulog sa gilid ko. Noong hindi pa rin siya kumilos ay dahan dahan ko na hinila ang kamay ko ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin na parang hindi na niya ako gustong pakawalan. Hindi ko tuloy napigilan ang napalakas kong pagsinghap.
"Oh, Barbie. Gising ka na pala?" naagaw ang pansin ko ni Nurse Mel nang bigla niyang hawiin ang kurtina sa likuran ng lalaki. Doon ko lang din nakumpirma na nasa clinic na pala ako. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"O-okay lang po a-ako. Ano pong nangyari?"
"You passed out, Ara." sabay kaming napalingon ni Nurse Mel kay Chester ng bigla itong magsalita. Saan ito nanggaling? Bakit hindi man lang namin narinig na bumukas 'yong pinto ng clinic?
"Tumagos ka?" natawa siya sa tanong ko. Hindi ko inakala na napalakas pala ang pagtatanong ko sa isip ko at narinig na pala niya ko.
"No, Ara. I'm still alive and breathing. I'm not a ghost."
"What am I doing here? Wala akong maalala. Sino 'to?" kataka-takang hindi ako nakakaramdam ng pagkailang kahit na hindi ko alam kung sino ang kahawak-kamay ko.
"Your boyfriend."
"My what?"
"Your boyfriend, Ara. Boyfriend. Kasintahan, kaibigan... kalaguyo?" natawa naman si Nurse Mel sa mga sinasabi ni Chester. Ngumiti lang ito ng malapad kay Nurse Mel bago kumindat sa kanya. Gusto na niya tuloy bumangon para hilamusin ang mapang-asar na tingin ni Chester sa kanya. Kung magagawa niya lang sigurong burahin ang mukha nito gamit ang kamay niya ay ginawa na niya. Bakit siya nito iniwan sa hindi niya kakilala? "I can hear your thoughts, Ara. You're safe with him. And I didn't left you alone. Nurse Mel is here. She was looking after you... and your boyfriend. Kung nakita mo lang ang itsura ng boyfriend mo kanina noong nawalan ka ng malay, naku! Maaawa ka rin. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa, eh."
"Hmm," biglang kumabog ang dibdib ko ng mag-inat ang lalaking natutulog sa tabi ko. Hindi ako makagalaw. Kahit noong mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin ay hindi ko binawi ang kamay ko. Tinitigan ko lang siya hanggang sa makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Sa wakas at nagkamalay ka na! Kumusta ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig, bebe ko?" dinaluhan agad ni Chester ang lalaki na ngayon ay nakatutok ang paningin sa kanya. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Dahil sa panunukso ni Chester, agad itong bumaling sa kanya kaya naman hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masilayan kahit man lang side profile niya.
"The fuck is wrong with you?"
"Aba! Minumura-mura mo na ko? Pagkatapos kitang hayaan na makipag-holding hands kay Barbara? Grabe! Simpleng thank you lang naman ang nais ko. Kahit simpleng appreciation lang, pinagkait pa. Namura pa ko."
"Whatever."
"Don't turn your back on me. Sa akin ka humarap," mabilis na hinawakan ni Chester ang mukha nito at ipinaling ang ulo para magkaharap silang muli ng lalaki. "Hindi mo na ba ko mahal?"
"Fuck you, Admin Buwan!"
"Yes, please?" maging ako ay kinikilabutan na sa inaasal ni Chester. Parang gusto ko na siyang sipain palabas ng clinic. Hindi ako makapaniwala na ang tagal kong nagkaroon ng crush sa lalaking 'to. Parang gusto ko bigla pagsisihan. Natawa ito sa reaksyon namin kaya naman mabilis nitong binawi ang sinabi nito. "I was kidding, man. No need to look disgusted."
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.