Expect The Unexpected

12 2 0
                                    

Attention will never be new for Kirby. Simula yata nang ipanganak siya ng mommy niya ay tila magnet na napapadikit sa kanya ang lahat ng paningin ng mga tao sa kapaligiran. Minsan nga ay nakakaramdam na siya ng pagkailang, ngunit ano naman kasi ang magagawa niya. Sadyang agaw-pansin talaga ang itsura niya.

Gwapo si Kirby. Matangkad, maputi, at kulay asul ang mga mata. Bagay na namana niya sa kanyang ama. Oo, may lahi siyang banyaga. Isang Fil-Am ang tatay niya at kahit Pinoy na Pinoy naman ang itsura ng mga magulang niya ay nakuha niya ang foreign genetics sa side ng tatay niya. Ang talagang trademark ni Kirby ay ang mamula-mulang labi niya, mapupulang pisngi na parang lagi na nagba-blush at ang kulot na kulot niyang itim na buhok.

"Kulot, nandyan na naman 'yong section nila Ria. PE na naman nila," pagtawag ng kaibigan at ka-doubles niya ngayon na si Nero.

"Hayaan mo na sila."

"Maiilang na naman si Kulot," panunukso ng isa pang kaibigan niya na ka-match naman nila, si Zeus.

"Zeus, huwag ka naman pahalata. Chance na nga natin mapabagsak si Kulot." sabi ni Wency.

"In your dreams, mga ulol!" sagot ni Kirby sa mga ito.

"Pero seryoso, Kulot, alam naman natin na si Ria 'yong nagpadala ng confession sa Galaxy. Nag-epal na nga si Wency doon."

"Bakit ba ayaw mo pa magpakilala na lang kay Ria para tapos na 'to?"

"In time... kapag pwede na."

"Anong kapag pwede na? Ang labo mo! Para sasabihin mo lang na—"

"I got this. Maglalaro pa ba tayo o aalis na ko dito sa gym?" napangiti si Kirby ng sabay sabay na umungol ang mga kaibigan niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, magpapatuloy sila sa paglalaro at matitigil ang pinag-uusapan nila.

"Uy, Ria! Ano na? Nakatulala ka na naman kanila Kirby." napasimangot si Ria ng mahina siyang batukan ng kaklase at kaibigan niyang si Shawna. "Pagkatapos ng mga kahihiyang dinanas ko para lang ipa-post kay Admin Araw 'yong confession mo, ganyan ka pa rin."

"Sa tingin mo, nabasa ni Kirby 'yong confession ko?"

"Malamang! Pati nga si Wency may comment sa blog na 'yon."

"Bakit hindi pa rin siya nakikipagkilala sa akin?" nakaramdam siya ng kaunting disappointment dahil doon. Alam ni Ria na she's indirectly asking Kirby to go and introduce himself to her. She initiates the move, bakit hindi siya gumawa? Kasi para kay Ria, babae pa rin siya. And Kirby, must do the first move. Wala ng pakialam si Ria if his first move looks manipulative. Ang importante, si Kirby ang lumapit sa kanya para magpakilala.

"Bakit hindi na lang ikaw magpakilala? Sure naman ako na napapansin ka nila. Hello! Titig na titig ka kay Kirby. Hindi naman 'yan manhid, 'no?"

"Babae ako, Shawna. Siya ang dapat gumawa ng first move," sagot niya dito.

"Gaga ka! Nag-confess ka na nga, ano pang hinihintay mo. Wala naman masama sa pakikipagkilala."

"Nahihiya ako, Shawna!"

"Akong bahala sa 'yo. Magpapatulong tayo kanila Wency." napangiwi na lang si Ria sa sinabi ni Shawna. Mukhang desidido na itong ipakilala siya kay Kirby. Kaya nga nagkasya na lang siya sa pagpapadala ng confession, doon lang siya may lakas ng loob na magpakilala. O mas tamang sabihin na maglabas ng saloobin, dahil hindi naman siya makikilala ng mga ito sa personal.

"Shawna, huwag na lang..."

"Ah, basta. Wait ka lang dyan!" naglakad na si Shawna papunta sa kabilang side ng gym kung saan naglalaro ang magkakaibigan ng table tennis. Biglang namawis ang mga palad ni Ria. Kinakabahan siya. Handa na ba siya magpakilala kay Kirby?

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon