12 years ago
“Kuya, let's play there.” naglalambing na pakiusap ni Tiara sa kapatid na si Thane. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon, may katangkaran din ito na namana nito sa daddy nila. Kaya alam ni Tiara na tatanggi ang Kuya niya na makipaglaro sa kanya. Nakakahiya. Alangan din ang itsura nito kung maglalaro ito doon. Binatang-binata na kasi ang dating nito.
“Okay," nagulat siya ng sumang-ayon ito. "I'll just get Tonton. Wait for me here.”
Kahit hindi makapaniwala ay tuwang-tuwa siya. Ang saya kaya maglaro kapag kasama niya ang Kuya niya. Feeling niya safe siya at maaalagaan siya ng husto nito. Napaka-responsable at maasikaso yata ng Kuya niya.
Sa murang edad, alam ni Tiara na maliban sa paghanga, ang ibang tao ay naiinggit sa kanya. Nakita niya kung paanong ituro ng ibang bata ang Kuya niya sa tuwing mapapatingin ang mga ito sa kanila. Gwapo, maasikaso at halatang may-kaya. Sino ba naman ang hindi mapapa-second look sa Kuya Thane niya.
"Kuya, okay lang kaya kung isali natin sila?" tinuro niya ang mga bata na gustong maglaro ngunit hindi makalapit sa kanila. "Kawawa naman kasi sila, eh."
"Sure," nakangiting sabi nito kaya nagtatalon si Tiara palapit sa mga bata at niyaya ang mga ito.
"Hi, gusto niyong makipaglaro sa amin ng Kuya ko?"
"Mabaho kami eh," malungkot na nagtinginan ang mga bata.
Wala sa sariling lumapit siya at inamoy ang mga ito, "hindi naman kayo mabaho ah. Tara! Sali kayo sa amin ng Kuya ko. Huwag kayo matakot, mabait 'yon." Hinawakan pa niya ang kamay ng isang bata at hinila iyon palapit sa Kuya niya. "Kuya, sasali natin sila, 'di ba?"
"Of course," ngumiti ang Kuya niya at binati ang tatlong bata na kasama niya. "Nagpakilala ka na ba sa kanila?"
"Hala! Nakalimutan ko, Kuya. Hello, ako si Tiara." hinarap niyang muli ang mga bata at ng magkakilanlan sila, naglaro sila doon buong maghapon.
“How's your day, anak?” hinalikan siya ng daddy niya sa ulo, "amoy araw ka yata, Tiara."
"Daddy!" tumawa ito at pinahid ang noo niyang basa ng pawis.
"Biro lang, anak. Hindi ka amoy araw pero madungis ka. Saan ka ba nagpupuntang bata ka?"
"Naglaro kami ni Kuya doon sa may slide." pagmamalaki niya sa daddy niya. Ikinuwento niya rin na nakipag-kaibigan siya sa mga batang nandoon. Pati ang sinabi ng mga ito na mabaho ang mga ito.
"Anong sinabi mo sa kanila noong sinabi nila na mabaho sila?"
"Sabi ko, hindi naman. Tsaka sinama ko sila palapit kay Kuya at Tonton."
"Mabaho ba talaga sila?" nakangiting tanong ng daddy niya, nahalata yata nito na nagsisinungaling siya.
"Opo, daddy. Sorry po nagsinungaling ako," yumuko siya sa hiya.
"May bahay ba 'yong mga bago mong kaibigan, anak?"
"Wala po, daddy. Doon po sila nakatira doon sa bangketa sabi ni Kuya." nanlaki ang mata ni Tiara ng makitang nakatayo sa likuran ng daddy niya ang Kuya Thane niya, katabi nito ang mommy niya na buhat ang tulog na si Tonton.
"Anong masasabi mo, Kuya?" lumingon ang daddy niya sa Kuya niya at itinuro siya. "Anong masasabi mo kay Tiara?"
"Very good siya, dad. She's sensitive to other people's feelings. She don't want to offend her new friends at kahit na mahirap lang 'yong mga bata, she treated them as her equal." proud na sabi ng Kuya niya. "I think she deserves a reward, dad. Hindi natin siya pinagsabihan o tinuruan tungkol sa ganyan but she knows what to do and she do it right."
"Very good ka, ate. Mommy is proud of you," lumapit ang mommy niya at hinalikan din siya sa ulo. "Why did you play with those kids? Mommy wants to know, anak."
"Nobody wants to play with them, eh. Nakita naman ni Kuya. They didn't hurt us. Mabait naman sila. Medyo marumi lang clothes nila, mommy. But mabait sila and they like Kuya, too. Sabi nga ni Mica crush niya daw si Kuya kasi pogi at mabait si Kuya." nagtawanan ang mga ito pero hindi alam ni Tiara kung bakit.
"See, dad? She's too innocent but I feel so proud of her when she approached the kids. Alam niyo naman na ang madalas kalaro ni Tiara mga pinsan namin and they don't want to be near with street children. I'm glad that Tiara is extremely grounded."
"Okay, Tiara will decide for our dinner tonight." tumayo siya ng marinig ang sinabi ng daddy niya.
"Really, daddy? You will let me pick for dinner?" hearing that she will be choosing their food for dinner is a great prize for her. For Tiara, she won't hesitate to choose to be kind everyday if that means she will have that power every night. "If I will be a good girl tomorrow, ako din po ba mag-choose ng food natin tomorrow?"
"No, anak," natatawang sagot ng daddy niya. "You don't need to do things to get what you wanted. Anak, you have to earn it. Earning and doing it for fun are different things. Earn and do good deeds for people and it will eventually goes back to you. Pero hindi ibig sabihin na you will be rewarded for something, you will do everything to get your reward everyday."
"If I choose to be kind everyday, I will be rewarded only once, daddy?"
"No, you will be rewarded once and you'll be blessed forever. Do you want to be blessed?"
"Yes, daddy!" masigla niyang sagot dito at tumingin sa Kuya niya. "I love you, Kuya."
"Love you."
"I love you, mommy and Tonton."
"We love you, too, ate."
"Love you daddy," yumakap siya sa daddy niya at nagpasalamat dito.
"I love you, too, princess. You will always be daddy's little girl." gumanti ito ng yakap sa kanya kaya kahit hindi mag-abot ang kamay niya sa likod ng daddy niya ay niyakap niya pa rin ito ng mahigpit.
"Bili ka chickenjoy, daddy. Tsaka french fries and burger, ah?"
"Okay, okay."
"Don't forget my ice cream!" pahabol niya kaya nagtawanan silang lahat.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.