Taken for Grant-ed!

18 3 0
                                    

Grant is in love with Tami all his life. Simula pa yata noong naka-diapers sila at bine-breastfeed pa sila ng mga nanay nila, Grant's eyes are all for Tamara. Sabay pa silang pumasok sa pre-school. Magkaklase hanggang grade school at nagsimula lang magkahiwalay noong high school, pero napasok pa rin sila sa iisang paaralan. He can't take his eyes off Tami. Kahit na napakaraming babae ang nagpapapansin at nalapit sa kanya, all he ever wanted was Tami's affection. Yes, he's that head over heels in love with her.

"Hi, Grant! I have a favor to ask," one time a very beautiful classmate approached him. "Can I ask you to be my escort sa Prom?"

Everyone teased them. Everyone but Tami, whose poker-faced is striking right to the middle of his heart, he shivers. "Sorry?"

"I know you're single, Grant. No girlfriends, no strings attached. Wala naman magagalit sa ginagawa ko, 'di ba? I mean... Tami wouldn't mind, right? Hindi naman kayo." napatingin pa sila kay Tami na wala pa rin karea-reaksyon hanggang ngayon, please speak up, piping pakiusap ng kanyang mga mata dito.

"And what if I mind?" limang salita. Limang salita lang na pinakawalan nito at wala ng nagawa kahit na ang babaeng nagtatanong pa ang sinasabing pinakamaganda sa buong paaralan nila. That's the power she holds in his life.

"Grant," napaangat ang tingin niya ng makita ang papalapit na pigura ni Tami sa kanya. As usual, her long, silky black hair are glowing, parang pang-shampoo commercial, thanks to the breeze of the wind that December night. She looks mesmerizing.

"Yes, Tami?"

"Pupunta ko sa mall, sama ka?"

Say no, Grant. Say no. "Sure."

"Okay, kunin ko lang bag ko. Wait for me here." nahampas ni Grant ang ulo ng tumalikod si Tami para kunin ang bag nito. How to say no to the woman you love? At iyon ay hindi niya alam. Nang makabalik si Tami ay humawak pa ito sa braso niya habang naglalakad sila. They look like a couple, okay. Problem is... they are not.

"Bagay ba sa akin 'to?" gustong sabihin ni Grant na hindi. Masyado kasing maiksi ang napili nitong palda. Iniisip niya pa lang na may malalaglag itong gamit at pupulutin nito ay nagtatagis na ang bagang niya. "Hindi?"

"It's..." hindi alam ni Grant kung may karapatan siyang sitahin ito o ano, ang alam niya lang ay ayaw niyang may ibang makakita dito na ganoon ang suot nito. "It's too short, Tami."

"Okay," mabilis itong tumalikod sa kanya.

"Wait—"

"No, okay lang. I believe in you, Grant. I won't get this. I won't choose something similar to this anymore." ngumiti pa ito sa kanya bago pumasok sa fitting room para magpalit ng suot nito kanina. Hindi alam ni Grant kung seryoso si Tami na ayos lang dito na hindi bilhin ang palda na pinili nito. Bigla kasi niyang naalala ang itsura nito ng makita ang palda, nagningning ang mga mata nito. "Grant, may problema ba?"

"Sorry, Tami. Nakita ko kung gaano mo kagusto 'yong skirt na iyon," hinawakan niya ang kamay nito at inilapat sa labi niya. "I'll get you anything you want. Kahit iyong palda na 'yon pa."

"Ano ka ba, Grant? I'm okay. It's okay." yumakap ito sa kanya. Sandali lang, hindi nagtagal ay lumayo na ito at hinawakan ng kamay nito ang magkabilang pisngi niya. "Oo, gusto ko talaga 'yon. But when I saw the look in your eyes, something is telling me that it is not right. Nung sinabi mo na masyadong maiksi 'yong skirt, alam ko na 'yon. No need to explain and to feel sorry, I get you, hmm?"

"Are you sure?"

"Very," tumango ito bago ipinagsalikop ang mga kamay nila. Napatingin siya sa kamay nilang dalawa. Alam na niya ngayon kung gaano kasarap sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay nito at hindi alam ni Grant kung makakaya niya pang bitawan ang mga kamay na iyon. "Hey, ang lalim naman ng iniisip mo."

"Sorry! Anong sabi mo?"

"Where do you want to eat?"

"Where do you want to eat?" balik tanong niya rito, napangiti naman ito dahil ito ang masusunod kung saan sila kakain. Nang makita ang mapanuksong ngiti sa mga labi ni Tami ay parang gustong magsisi ni Grant.

"Thai, please?"

"Pad Thai na naman, Tamara?"

"Tinanong mo ko kung saan ko gustong kumain." nakalabing reklamo nito sa kanya. Dahil doon, napapalatak na lang si Grant. Now that Tami is pouting her lips like that, how can he refuse?

"Fine, fine. Let's go."

"Iinom ka ng Thai Milk Tea, ah?"

"Pwede bang Nom Yen na lang? Kahit tatlong baso pa," pag-offer niya kay Tami. Alam kasi nito na hindi siya mahilig sa matamis.

"Deal! We will order 4 glasses of Nom Yen tapos tatlo sa iyo."

"What? I was just kidding."

"Wala ng bawian, Grant. You offered it yourself." she winked at him. Iiling-iling na lang siyang nagpahila dito.

"What's your plan after graduation?" tanong ni Tami sa kanya habang namimili ito ng io-order. Wala naman itong ibang gustong kainin kung hindi grilled thai pork ribs at pad thai. Nang makita ito ng waiter, ngumiti lang ito at inabot sa waiter ang menu na hawak nito bago sumagot ng, "the usual, please."

"Noted, Ms. Tami!" nakangiting sagot ng waiter dito, "Sir Grant, kayo po?"

"Ganoon na rin—"

"And four orders of Large Nom Yen! One for me, three for Grant."

"Tamara!"

"You promised," tumango na lang siya sa waiter. Mapanuksong sumunod ito sa kanya. Alam naman nito na kung ano ang sinabi ni Tami ay iyon ang masusunod. "Going back... your plans?"

"I'll take over dad's position."

"You'll manage your advertising company? Paano na 'yong exhibit mo sa Singapore?"

"I'm still torn, Tami. I don't know if I'll still pursue it."

"Pero pangarap mo 'yon, Grant."

At pangarap din kita. "We'll see."

"Kung ako sa iyo, go to Singapore. Fulfill your dreams. Bata pa si Tito Greg. I'm sure he'll understand."

Sana nga ganoon lang kadali lahat.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon