"Bakit ba lahat na lang ng tao kinukulit ako para makilala si Tala? Why don't you go ask her yourself." nagrereklamong maktol ni Paulo, "Hindi naman kayo susungitan ni Kristal, kilala na naman kayo nun."
"Kuya Pau, ako nakita na ni Ate Tala kaya walang problema. Si Ate Skye ang hindi. Ang off naman na basta siyang sumulpot sa harap ni Ate Tala tapos sasabihin niya 'hello, I am Skye. Paulo's girlfriend.', ganyan ba?" may pag-arte pang sagot ni Barbie sa kanya.
"Kaya nga," pagsang-ayon ni Skye, "baka sabihin pa ni Tala, stalker ako. Ang pangit ng naiisip n'yan ni Paulo."
"But you didn't correct Ara that you are my girlfriend?" napangiting sabi ni Paulo kay Skye. Takang-taka naman ito sa sinabi niya bago nanlaki ang mga matang humarap kay Barbie.
"Barb—"
"No need, Ate Skye. Magmumukha ka lang sinungaling." nagtawanan silang tatlo ng may marinig silang ingay hindi kalayuan. Mukhang nagtatalo ang mga ito. Iiwas na sana ang dalawang babae na dumaan sa lugar na iyon ng humakbang papalapit si Paulo.
"Pau," mahinang sita ni Skye sa lalaki, "anong ginagawa mo?"
"Parang familiar siya, eh."
"Huwag ka na makisali dyan. Tara na!"
"Sandali lang. Sinisilip ko lang sila. Parang kilala ko, eh."
"Kuya Pau, tsismoso ka lang po. Doon na lang tayo sa G Room humanap ng tsismis. Magbasa po tayo ng mga pinadalang entries." sabi naman ni Barbie na mabilis kumapit kay Skye dahil tuloy pa rin si Paulo sa paglapit sa pagtatalo. "Kuya Pau!"
"Ang hilig talagang makisawsaw sa gulo nito ni Paulo."
"Tal?" nagkatinginan ang dalawang babae at mabilis na sumunod kay Paulo ng marinig ang pangalan ng tinawag nito. "May problema ba dito?"
"Wala pong problema. May pinag-uusapan lang po kami." wika ng lalaking nakatalikod sa kanila. May katangkaran ito. Ang unang napansin ni Barbie ay ang naka-undercut na buhok nito at ang itim na hikaw sa kaliwang tainga nito. Mukha naman itong disente. Kahit nakahikaw ay parang ang bango bango at ang linis nito. Nakasabit ang bag nito sa kanang balikat nito at medyo gusto ang suot nitong polo. Parang galing sa pakikipagsuntukan.
"Tal?"
"It's fine, Pau. I can manage." tumingin ang tinawag nitong Tal at ngumiti kay Paulo na naging dahilan kung bakit biglang kumapit si Skye sa huli. Natawa naman si Barbie sa naging reaksyon nito kaya napangiti rin si Paulo.
"What's funny?" tanong ni Skye sa dalawa habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga ito.
"Ah, kasi ate Skye," paliwanag ni Barbie na naitakip pa ang kamay sa bibig para mapigilan ang susunod na labas ng mga tawa nito, "she's ate Tala. Ate Tala meet Ate Skye."
"Oh, the real Ulap herself. Hello, nice to meet you!" humakbang palapit si Tala kanila Paulo at nakipagkamay kay Skye. Napanganga naman ang huli na biglang dumamba ng yakap kay Tala ng unti-unting nahimasmasan ito.
"Oh my God! Finally we've met." habang nag-uusap ang dalawang bagong magkakilala ay tagusan ang tingin ni Barbie sa dalawang lalaki sa likuran ng mga ito. Hindi na sana niya pagtutuunan ng pansin ang mga ito. Kung hindi lang niya nakita ang paraan ng pagsusukatan ng tingin ng mga ito. Bago pa maiamba ng suntok ng lalaki ang kamao nito ay mabilis na iyong napigilan ni Barbie at pumagitna sa dalawang lalaki.
Thank God and my parents for the genes, hindi nakakatakot gumitna sa dalawang higante dahil mataas ako, piping turan ni Barbie sa isip. Una siyang tumingin kay Paulo at sinenyasan ito gamit lamang ang mata niya para tumigil ito.
Pilit niyang hindi pinakita sa lalaking hindi niya alam kung sino ang reaksyon niya ng mapaharap siya dito. Gustong mapasinghap ni Barbie ng makita ang kabuuan ng mukha nito. Bilugan ang mga mata na may pares na makakapal na kilay at pilikmata, matangos na ilong at makapal na labing medyo mamula-mula. Parang nasasayaran ng lip gloss ba. Bagay na bagay ang hugis ng mata, ilong at bibig nito sa hugis ng mukha nito. Kayumanggi ang balat at napakakinis. Gusto tuloy niyang tanungin ang lalaki kung ano ang skin care routine nito. Gwapo ito at napakalinis tignan. Parang ang sarap yakapin.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Historia CortaShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.