Black Hole #20xx-00324

13 4 0
                                    

Admin Araw posted a blog.
  Good morning, SCU Galaxians! Our break will last for two weeks this year due to Holy Week. Starting Monday, no classes are up for schedule to every department of Santa Catarina University. Class schedule will be posted here at the Galaxy by Easter Sunday. Have a blessed and peaceful sembreak, everyone.

  As a gift from me, I like to share a confession I accidentally read this morning. Since we will have a long semestral break ahead, I would love to interact with you... starting to this confession. Whoever our sender is, I hope you'll gather more courage in the future. - Sunny

~~~

I am in love with my best friend.

She's beautiful, mala-Marian Rivera ang ganda. Educated, parang si Catriona. Well-mannered like Carla Abellana. Disente parang si Bea Alonzo, at classy mala-Heart Evangelista. Ang lakas maka-beauty queen ng dating niya, parang si Pia Wurtzbach. Fun to be with like Megan Young. She is my very own Kathryn Bernardo.

My best friend, my Brie.

Our story started when we were in High School. Classmate ko siya, she's a transferee. At first, alam ko lang na maganda siya. Lahat ng atensyon nakukuha niya. Yet she's so humble, parang wala lang sa kanya na pinagkakaguluhan siya. Kahit na maraming lumalapit sa kanya, okay lang sa kanya. Hindi siya nagsusuplada, hindi siya maarte. And I'm more amazed after our first periodical dahil siya lang naman ang nag-first rank sa buong batch namin. Beauty and Brain. Hanggang sa ligawan siya ng isang schoolmate namin.

Hindi siya interesado. We see her everyday rejecting all the gifts and avoiding the guy, pero sobrang mapilit 'yong lalaki. One day, he forced her to come with him. Mabuti na lang at nakita ko siya agad. I saw the guy wanting to kiss Brie. He's desperate. At walang magawa si Brie kung hindi iiwas ang mukha niya habang tinutulak 'yong gago. Lumapit ako, sinapak ko 'yong gago. Ang ending, napunta kami sa guidance tatlo. Hindi naman kami napahamak… sa school. Sa parents lang namin. Pero 'yon ang naging daan para mapalapit kami ni Brie sa isa't-isa. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan naming dalawa.

Nung mas nakilala ko si Brie, mas lalo akong humanga sa kanya. Hindi lang maganda, hindi lang matalino, hindi lang mabait… sobrang kalog pa! Ang babaeng nag-first rank sa buong school, marunong i-balanse ang buhay niya! At napakaswerte ko dahil ako ang napalapit ng husto sa kanya. Ako ang mas nakakilala sa kanya. Ako ang palaging kasama niya. Hanggang ngayon, makalipas ang pitong taon, magkasama pa rin kaming dalawa.

Gabriela Montes, alam kong mababasa mo ito. Alam kong alam mo rin kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Ngayong nasa fourth year na tayo at malapit ng umalis sa SCU, gusto kong ipaalam sa iyo na isa na lang ang hinihintay ko. Ang maging magna cum laude ka at makamit mo ang mga pangarap mo… kasama ako. Handa akong maghintay, Brie. Handa akong maging pang-huli sa mga priority mo. Handa akong maging sandalan mo, basta lang pumayag ka na kasama mo ako hanggang dulo.

Matagal na kitang gusto, Brie. At kahit gaano katagal pa ang paghihintay na kailangan kong gawin ay handa na ako. Mahal kita, Brie. Mahal kita.

- Lucky (hindi tunay na pangalan)
Best Friend/Lover Boy ni Brie

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon