Admin Ulap posted a blog.
Gising pa ba kayo? Haha! Pasensya na at may pahabol pa tayong confession ngayon dahil hindi ako makatulog. Gusto ko lang i-share ang nabasa ko para naman hindi lang ako ang nasasaktan dito. Lol! Alam ko curious kayo sa kwento kahit sinabi kong masakit ito kaya hindi ko na patatagalin ang intro... enjoy the story of Original Pancit Canton. *wink*———————
My Other One and a Half
One and a Half.
Bakit hindi na lang dalawa? Bakit kalahati pa?
Pwede naman na two na lang. Hindi kaya isa na lang. Bakit kailangan may kalahati pa?Sabi nila, kailangan ang kalahati para makabuo ng isa. Pero paano kung wala kang kahati? Paano kung walang handang makihati sa 'yo? Paano kung walang pwedeng maging kalahati mo? Sapat na ba 'yong half o pipilitin mo pa rin humanap ng another half?
Ang hirap humanap ng kapalit mo Ulap.
Kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko.
Kahit saan ako lumingon, ikaw ang naaalala ko.
Bawat gawin ko ay ikaw ang naiisip ko.
Bakit kailangan mangyari sa atin ito?
Bakit iniwan mo ako?Mahal na mahal kita, asawa ko.
Kung may pagkakataon lang ay babalikan ko ang lahat ng pinagdaanan natin.
Kung maibabalik ko lang ang panahon ay paulit-ulit kong sasabihin sa iyo na mahal kita.
Ipaparamdam ko sa iyo na ikaw lang ang kailangan ko at sapat na sa akin na mahal natin ang isa't-isa.
Hanggang sa huling paghinga, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko at wala ng iba.- Original Pancit Canton
~~~
Admin Ulap commented on the blog.
Gusto ko lang linawin na hindi ako ang tinutukoy na Ulap dito. Nagkataon lang, guys. Hindi kami magkakilala ni Original Pancit Canton. Haha!Admin Buwan replied to Admin Ulap.
Weh? Di nga boss?Admin Ulap replied to Admin Buwan.
Gago! Haha. Hindi nga!Admin Tala replied to Admin Ulap.
Baka naman tinatanggi lang pero ang totoo ikaw talaga?Admin Ulap replied to Admin Tala.
Pinagpalit mo na talaga ako kay Buwan. Hindi ka na naniniwala sa akin Tala.S-K-YwithanE replied to Admin Ulap.
Lol!Admin Ulap replied to S-K-YwithanE.
Pati ba naman ikaw? *face palm* /nagdabogAdmin Araw replied to Admin Ulap.
Hahahahaha!S-K-YwithanE commented on the blog.
OMG you like the yellow wrapped pancit canton? For real?S-K-YwithanE commented on the blog.
I can't believe that someone actually likes the plain one. I mean, you can have flavored ones? Why choose the plain?Admin Tala replied to S-K-YwithanE.
Kanya kanya kasi tayo ng preference. Hindi mo gusto pero sa ibang tao, game na game siya. Baka hindi ka lang talaga niya type, ganoon.S-K-YwithanE replied to Admin Tala.
Ohh, right. You are probably right. Good thinking Tala! I agree with you.Admin Tala replied to S-K-YwithanE.
*wink*
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.