The Star and The Moon

14 2 0
                                    

Nang makalayo sila kay Barbie ay nilingon pa ito ni Paulo sa huling pagkakataon bago ito tumingin sa kanya. Kunot ang noong tinignan siya ni Paulo mula ulo hanggang paa na siyang nakapagpaungol sa kanya.

"Ano ba? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" reklamo ni Chester sa paraan ng pagtitig ng kaibigan sa kanya.

"Bakit ka interesado kay Tala?" deretsahang tanong ni Paulo sa kanya. Nagulat man ay sinikap ni Chester na hindi ipahalata ang reaksyon niya sa kaibigan.

"What, hindi—"

"I saw your conversation, man. You said you like her."

"Pau, wala akong gusto kay Tala. It was slip of the tongue, a spur of the mom—"

"Exactly! Nadulas ka lang. You accidentally admitted that you like Tala. Spur of the moment? Ulol! Nakita mo na si Tala, 'no?"

"Pau," umiling ito sa kanya kaya napabuga na lang siya ng hangin at tumango sa tanong nito. Napakamot naman ito ng ulo sa sagot niya. Hindi makapaniwalang matagal na niyang kilala si Tala.

"Kailan pa, Chester? Kailan mo pa nalaman ang identity ni Tala."

"Since day 1." malungkot na pag-amin niya sa kaibigan. Para saan pa na siya si Admin Buwan kung hindi niya matutuklasan ang iba't-ibang bagay. Kaya nga sa lahat ng admin ng Galaxy ay siya ang pinakasikat. Dahil lahat ay tropa ni Admin Buwan, lahat ay kaibigan ni Admin Buwan.

Nang sabihin pa lang ni Paulo na mayroon silang bagong admin ay inalam na ni Chester ang katauhan ni Tala. Gamit ang kanyang mga koneksyon, mabilis na nakilala ni Chester si Admin Tala at doon na natapos iyon. Hindi na nilapitan ni Chester ang dalaga para sa kagustuhan nitong manatiling misteryoso, o misteryosa ang katauhan nito. Makulit man, marunong magpahalaga si Chester sa pribadong buhay ng mga nasa paligid niya, kaya sinuportahan niya si Tala at itinago nila ang katauhan nito tulad na rin ng kahilingan nito. Kaya maliban sa kanya, si Tala ang pinakapaboritong admin ng mga schoolmate nila sa Galaxy. Parte siguro talaga ng charm nito ang katotohanang hindi ito kilala ng mga tao. Mas nakadagdag iyon sa natural na karisma nito kaya naman hooked na hooked ang mga tao sa talento at kaalamang ibinabahagi ni Tala.

"Kilala mo naman pala si Tala, ano pang itatanong mo sa akin tungkol sa kanya?"

"I want to know her."

"Kayang-kaya mo na 'yan, Chester. Ikaw pa ba? Kung sino nga siya ay nalaman mo, 'yong mga bagay pa ba na tungkol sa kanya. Kaya mo na 'yan. Hindi naman makakapagtago sa iyo 'yon."

"Introduce us, Pau."

"No."

"Please?"

"Hindi," madiing sagot ni Paulo sa kanya. "I promised her that I will keep her identity until the very end, Chester. If you want to know Tala, do it yourself. Do it your way."

"Hindi niya nga alam na kilala ko na siya?"

"Hindi niya nga naitago sa iyo kung sino siya, tapos nag-aalangan ka pang magpakilala sa kanya? Kailan pa naging torpe si Admin Buwan."

"Gago—"

"Ah, oo... mula ng makilala niya si Tala. Kaya nga hindi na niya naitago 'yong feelings niya kasi matagal na niyang idine-deny at tinatago 'yon sa sarili niya. Ayan tuloy, hindi na nakapagpigil. Lumabas na ng kusa."

"Alaskador kang tarantado ka! Hindi kita tutulungan kay Skye. Gago ka!"

Nagpalinga-linga si Kristal bago tuluyang pumasok sa maliit na kwarto ng Broadcasting Club. Wala naman sumisita doon. Karamihan ng mga estudyante, lalo na ang mga miyembro ng club ang madalas maglabas-masok sa kwartong iyon, kahit sino ay pwedeng pumasyal sa parteng iyon ng paaralan nila kaya naman madali lang nakapasok si Tala. Ang maliit na pinto sa bandang dulo ng kwarto ang siyang nagsisilbing kwarto nila ng Galaxy. Tanging sila lamang ang nakakaalam ng kwartong iyon kaya naman maingat na pumasok si Tala doon para walang makapansin sa kanya. Mahirap ng mabuko ng mga estudyante. Mawawalan na sila ng mini-office, mawawalan pa siya ng privacy. Kaya nga mas pinili niyang itago ang identity niya. Gusto kasi ni Tala na ma-protektahan ang private life niya.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon