Missed Opportunities

15 3 0
                                    

Tamara is fully aware of her feelings for Grant. She knows that they are almost a couple... label na nga lang ang kulang! They took care of each other, they are together all the time; most especially, they are exclusively dating. May mga oras nga na iniisip ni Tami na baka kailangan na niyang pangunahan si Grant para sagutin ito. Baka kahit hindi naman ito nagtatanong ay um-oo na lang siya bigla dito. Baka nga dapat ay ganoon na ang gawin niya. Dahil hindi naman nagsasalita si Grant. Hindi naman ito nagtatanong sa kanya.

Alam niya rin that he loves her, at ganoon din naman siya. Having him by her side, she feel contented. Who wouldn't — when Grant is making her feel good all the time? Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito. Kahit anong hilingin niya ay binibigay nito. Kumbaga sa asawa, Andres na Andres ito sa sobrang under nito sa kanya.

"What are you thinking?" nagulat siya ng sumulpot si Grant sa tabi niya na may hawak na bote ng tubig. "Drink this, masyadong mainit. Baka mahilo ka."

"Thanks," simpleng sagot niya.

"Anong iniisip mo? Hindi mo man lang naramdaman ang presensya ko."

"Wala," pagsusungit niya dito para pagtakpan ang sarili. Hinding-hindi niya aaminin dito na ito ang iniisip niya.

"Kahit ibili kita ng kahit anong gusto mo?"

"Promise, ibibili mo ko?" wala naman siyang naiisip na ipabili. Tinitignan niya lang kung kakagat na naman si Grant sa pang-aasar niya. Lagi kasi itong ganoon, lagi nitong pinagbibigyan ang gusto niya. Kahit walang kakwenta-kwentang bagay na pinabibili niya, bibilhin pa rin nito para sa kanya.

"Sasabihin mo sa akin kung anong iniisip mo?" at dito na nag-dalawang isip si Tami. Kaya ba talaga niyang sabihin kay Grant ang nararamdaman niya para dito?

"No, I was just joking." malungkot itong ngumiti sa kanya.

"Tami, Grant is not part of the future you wanted. Grateful ka lang sa presence niya but that doesn't mean that you'll make him a part of your life." isang araw na nahihibang na naman siya dahil kinikilig siya sa efforts ni Grant para sa kanya. It's Saturday at hindi sila magkasama. Ngunit naalala ni Grant na "it-is-her-time-of-the-month", at ang loko... nagpadala lang naman ng isang box ng pizza, mga tsokolate at ang paborito niya sa lahat, strawberry yogurt. Froyo o Frozen Yogurt ang monthly cravings ni Tami na laging pinadadala ni Grant sa kanya. He is a perfect boyfriend, all right, but there's something... wrong, that she cannot point out. Something that is really stopping her from making things official.

All I hear is raindrops,
Falling on the rooftop.
Oh, baby tell me why'd you have to go?
'Cause this pain I feel
It won't go away
And today, I'm officially missing you.

Hearing the song, she suddenly thought of Grant. Without further thinking, mabilis na kinuha ni Tami ang cellphone niya sa tabi niya at tinawagan ito. Matapos ang isang ring ay sinagot agad ni Grant ang tawag niya, "Yes, Tamara?" tanong nito na nagpatalon sa puso niya. Kung dahil si Grant ang kausap o dahil sa mabilis na pagsagot nito sa tawag niya. Hinihintay ba nito ang tawag niya o nagkataon lang na hawak nito ang telepono nito kaya nasagot nito agad iyon?

"Thank you," nahihiya niyang sabi habang nakahawak sa kanyang dibdib. Parang tinatambol ang dibdib niya at hindi niya alam kung paanong papakalmahin ang sarili. "Love you."

"'Love you, too!" nagulat siya ng marinig ang sagot nito. Parang iba ang pakiramdam niya. Parang may halong emosyon. Madalas naman sila nagsasabihan ng I love you sa isa't-isa pero iba ang pakiramdam niya sa sagot nito ngayon.

"Nasaan ka?" hindi niya maiwasang itanong.

"Driving," maikling sagot nito.

"Pero bakit—"

"On speakers, Tamara. Don't worry! I am taking care of myself, talking to you and being safe."

"Where are you going, by the way?" kumuha siya ng isang tsokolate at sinubo iyon. Napangiti siya habang kumakain. Hindi naman siya nakikita ni Grant kaya okay lang na kiligin siya.

"Going home," sandali itong tumahimik kaya narinig niya ang tunog ng pagpatak ng ulan sa windshield nito, pati na rin ang tunog ng wiper. "huwag kang lalabas, ah?"

"Umuulan? Bakit nasa labas ka?" nag-aalala niyang tanong. Grant has Ombrophobia. Ombrophobia is a condition in which ombrophobe, or the person who has this specific fear, is afraid of rain. Most of the time, even when it was just a light drizzle, inaatake si Grant ng anxiety.

"May binili lang ako."

"Bakit ngayon pang naulan, tapos ngayon magda-drive ka pa?" lalo tuloy siyang hindi mapakali. Hindi pa nakatulong na bigla niyang naalala ang pag-atake ng anxiety ni Grant, minsang abutan sila ng ulan matapos ang klase nila. Kahit anong tago ng lalaki, nararamdam ni Tami ang takot sa katawan nito. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay, malikot ang mga mata at maya't-maya ay tingin ng tingin sa kanya.

"I just dropped your comfort foods there, Tami." mahinang tumawa ito. Bigla naman siyang na-konsensya sa nasabi. Hindi niya inakala na lalabas ito para ibili siya ng mga gusto niya kahit na umuulan. Sa kabila ng paninisi sa sarili, nakaramdam din ng labis na tuwa si Tami sa ginawa ng lalaki. Hinarap nito ang isang takot nito para lang sa kanya.

"I love you so much, Grant!" hindi na niya napigilan ang sarili. Matapos niyang sabihin iyon ay nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Hindi niya kayang patuloy na lokohin ang sarili at itago ang nararamdaman dito. Mahal niya si Grant. Mahal niya ito at dapat malaman nito iyon.

"'Love you, too, Tamara!"

"No, this is different."

"Wait, what?"

"I love you... more than that."

"What that?" narinig niyang nagmura si Grant. Hindi siya nasaktan sa pagmumura nito kasi sa tono ng boses nito, halatang masaya ito sa mga sinasabi niya. "Shit, Tami! I'm coming over."

"But it's raining?"

"I'd rather spend my time driving my way to you than watch this rain falls down my car without you beside me. Mahal na mahal kita, Tami."

"Mahal din kita," mabilis niyang pinahid ang mga luha at humikbi. "I'm sorry, it took me years to accept it."

"It's okay."

"Kahit matagal kang naghintay sa akin?" nang um-oo ito ay wala ng pagsidlan ang saya sa puso niya. Gustong-gusto na niyang makita ang lalaki. Gusto na niya itong makasama at mayakap. "I want to hug you right now."

"Likewise," narinig niya ang malakas na tunog ng preno. Napabalikwas si Tami ng marinig ang malakas na bangga ng kung ano.

"Grant? Grant, are you still there?"

Ngunit kahit anong tawag ni Tami ay hindi sumasagot ang lalaki.

"Grant, what happened?"

"Hindi na nakakatuwa, ah."

"Grant, answer me!"

All I hear is raindrops, falling on the rooftop...

Just like the song in the background, it's all she can hear as her world collapsed.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon