One. Two. Three.
Inhale... exhale. Again.
Four. Five. Six.
Inhale, exhale. Focus, Skye. Focus!
Seven. Eight. Nine. Te—
"Skye, tapos ka na ba magbihis? Tara na." gusto kong maiyak ng marinig ang boses ng kaklase kong si Nica. I am fully aware that I've been inside the locker for 15-fucking-minutes. Nakailang bilang na ko ng 1-10. I've been practicing to control myself for the longest 10-seconds count of my life but these fifteen minutes didn't help me with my struggles. "Skye, are you okay?"
"Coming," sagot ko kay Nica. "Thank you for calling me. Kanina ka pa ba naghihintay?"
I'll be very thankful if you didn't call me, gusto kong sabihin ngunit ayaw ko naman siyang ipahiya. It will sound rude. Nagmamagandang loob lang naman si Nica.
"Hindi naman, ipinatawag ka lang ni coach. Baka daw kasi ano na nangyari sa iyo, after niya kasi mag-check ng attendance, nawala ka na."
Tumango lang ako ng bahagya bago tumahimik na sumunod sa kanya palabas. This was the first time that I went out since that night. That awful night will be forever etched in my mind. My dark secret, my skeleton in the closet.
Three nights ago, Paulo was having a cold. As a good "no-label yet" girlfriend, I planned to go and prepare some soup for him. Dahil hindi nga nakapasok si Paulo, kailangan ko mag-commute papunta sa condo na tinutuluyan niya.
For some reason, I was having a second thought about riding a jeepney then, kaso naisip ko na bawat paghihintay kong makasakay ay oras din ng paghihintay ni Paulo sa akin. To lessen his waiting time, I went inside and immediately pay the fare. Baka kasi biglang magbago pa ang isip ko. At least, I wouldn't just go down kapag nakabayad na ko. Nakakahinayang din ang pamasahe na ibinayad ko kapag nagkataon.
Another passenger went up bago tuluyang umalis ang jeep sa pagkakaparada sa terminal. I did not bother to look at whoever rode with me because my full attention was with my sick Paulo. Hindi ko rin siya nagagawang tignan dahil nakatutok ang mata ko sa hawak kong telepono para sabihin kay Paulo na papunta na ko. Unfortunately, he is not replying. I wanted to call him but I was too shy. Ano naman ang sasabihin ko kung sakali na sinagot niya ang tawag? Wala naman.
Even without responses, I continue to send random messages to Paulo. Dahil ako lang din ang pasahero, patagilid ang pagkakaupo ko. Wala rin naman laman ang jeep maliban sa akin at sa huling sumakay na hindi ko alam kung saan umupo. Tumagal ng ilang minuto ang pagkakalikot ko sa cellphone ko ng maramdaman ko ang pagbunggo ng kung sino sa likuran ko.
Lalaki. Naka-puting polo at itim na pantalon. Mukha itong malinis at disente. Ngumiti pa ito sa akin at humingi ng tawad bago umatras palayo sa akin. Binalewala ko na lang iyon dahil buong akala ko ay hindi naman sadya ang pagkakabangga niya sa akin.
The bump continues from accident to intent. Hindi lang yata tatlong beses siyang bumangga sa akin. The second one, after the one he apologized for, was due to the driver's reckless driving. Kaya kahit nakaka-dalawa na siya ay pinalipas ko na lang. Sumunod naman ay noong nakahinto ang jeep dahil sa stop light. And no, hindi siya kasabay ng pag-preno ng jeep. It's about after a minute or two.
Sa pangatlong pagkakataon na iyon ay kinabahan na ko. With a shaking hand, I dialed Paulo's number, which he didn't answer. Silently crying inside, naramdaman ko ang muling pagdikit ng lalaki sa likuran ko. Kaya noong biglang prumeno ang driver dahil sa may tumawid ay sumubsob ang lalaki sa likuran ko.
Ring na rinig ko ang pagsinghot niya sa akin. Umabante ako para makalayo sa kanya pero lumapit lang siya ulit sa akin. Without a second thought, I dialed Paulo's number. Again.
And again. And again. And again.
"Skye, tawag ka ni Coach!" nagulat ako ng sumigaw ang kaklase ko sa harap ko. Nasa pool area na siya dahil nga may klase kami sa P.E. ngayon. Ako na lang pala ang hindi lumulusong sa tubig.
"Sorry, coach." hingi ko ng paumanhin bago lumapit sa kanila. Medyo napagalitan na ko kaya napilitan akong tumalon na rin sa pool kasama ng mga kaklase ko. Nasa tatlumpu naman kami. Wala naman sigurong mangyayari sa akin dito.
"Skye, are you with us?" napasigaw ako ng maramdaman ko ang paghawak ng coach ko sa akin.
"Wag!!! Bitawan mo ko. Please, don't touch me. Get your hands off me!"
"Ms. Skye, anong nangyayari sa iyo?"
"Paulo!!!" pagsigaw ko, "babe, get me out of here. Please, call Juan Paulo."
I was hysterical. A mere touch on my shoulder... and I burst just like that. It's wrong to go out when I was feeling this way. I was traumatized, I know. And I still pretend that I am strong enough to forget what happened.
"Ms. Nica, sige na. Iahon mo si Skye sa pool. Class dismissed. Help your classmate to calm down, girls. Boys, kung sinuman sa inyo ang nakakakilala kung sino si Juan Paulo, tawagan niyo na. Puntahan niyo. Tell him that Ms. Skye needs him."
"I-i'm sorry, coach. I didn't mean to—"
"No problem, hija. You can calm down. We will get your boyfriend as soon as possible." ngumiti si coach sa akin, akmang hahawakan ako muli, ngunit naisip niya siguro na baka magwala ulit ako kaya nakuntento na lang siya sa pagngiti. "Bilisan niyo, Andrew. Puntahan mo na si Juan Paulo."
I make everyone worry. Isa-isa na naglapitan ang mga kaklase ko sa akin. Some asked me what happened, some asked what was wrong. Some were just standing quietly, while the others were whispering something about me.
At wala na akong pakialam.
I was tired. From crying, from keeping it all inside, from carrying everything with me.
It's time to tell Paulo. It's time to share what happened.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.