Year-End Party

8 2 0
                                    

"Bub," napangiti ako ng makita kung gaano kagwapo ang partner ko ngayong gabi. Matagal ko na namang alam kung gaano kagwapo si JC. Pero nitong mga nakalipas na araw, kilig na kilig ako tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na gusto rin niya ako. Madalas ay napapatulala pa rin ako tuwing lalapit si JC sa akin para sabihin na mahal niya ko.

"Love," magaan niya akong ginawaran ng halik sa pisngi bago inangat ang baba ko. "laway mo."

"Ano ba, bubba." nahihiya ko siyang hinampas sa braso. Nakakainis talaga ang lalaking 'to!

"Tumutulo, eh. Crush mo ko, 'no?"

"Oo," ako naman ang napangisi ng makita kong siya naman ang natulala sa akin.

Akala mo ikaw lang marunong magpakilig, ah? Ako din, 'no.

"Ah, you are bad for me." napasimangot ako sa sinabi niya. Bakit ako naging bad for him?

"At bakit?"

"Baka maaga akong atakihin sa sobrang kilig sa 'yo."

"Ehem!" sabay kaming napalingon sa mapanuksong tinig ni Cherie. "Bunso ka pa rin namin, Love. Hindi kayo pwedeng mauna kay Kuya Honey, ah."

"Sige, kakausapin ko na lang." napanganga kami ni Cherie sa sinabi ni JC. Nang makita ang reaksyon namin magkapatid ay tawa ng tawa ito. "Joke lang, huwag kayo masyadong affected dyan."

"Nakakainis ka, bubba!"

"Uy, si Love... nag-expect!" nag-apir pa sina Cherie at JC na parang wala lang ako sa harap nila. Ito ang isang kinatutuwa at kinaaasaran ko rin sa pagiging malapit ni JC sa mga kapatid ko. Sa sobrang close nila, alam nila kung paano ako aasarin at pagtutulungan.

"Tara na! Late na tayo." yaya ni Cherie bago humawak sa kabilang braso ni JC. "Pa-share ng date mo, sister."

"Sure, Che." nakangiti kong sabi bago abutin ang inaalok na kamay ni JC.

"I love you, Love!"

"I love you, too, bubba."

~~~

"Mikey Mouse!" naiikot ko ang mata ko ng marinig ang boses ni Chester. Wala talagang pinipili ang lalaking 'to.

"Ter," bahagya akong ngumiti sabay senyas sa babaeng katabi ko. Ang walang hiya, sumigaw pa rin kahit na nakatayo lang sa harap namin.

"Ohhh, Minnie?"

"Sino siya?" bulong sa akin ni Minnie na medyo dumiin pa ang pagkakahawak sa braso ko.

"Si Chester," ngumiti ako sa kanya para i-assure siya na hindi ko naman siya ipapahamak sa nakatayo sa harap namin. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Chester looks trouble... means trouble in the dictionary. My dictionary.

"Ter, si Minnie. Minnie, he's no one." natawa naman ang babae sa likod ni Chester na ngayon ko lang napansin. Ang loko, umarte pa sa kasamang babae na parang nagpapa-cute. Gusto ko na lang mawala ng parang bula sa harap nila dahil ako ang naiilang sa arte ni Chester. Parang ang sarap i-deny na kakilala ko siya. Oo, itinakwil ko na siyang kaibigan mula noong lumabi siya at nagpacute sa babae sa likuran niya.

"Pagkatapos ko kayong tulungan dalawa, hindi mo man lang ako papakilala ng maayos sa kanya? Ganyan ka na, Mikey Mouse! Pagkatapos mong pagsawaan ang serbisyo ko—"

"Fuck! Fine, fine... si Chester, your Admin Buwan." nakasimangot kong sabi kay Minnie bago sinamaan ng tingin si Chester.

"Oh... hi!" medyo nahihiya pang bati ni Minnie sa gulo na nasa harap namin.

"Finally! Minerva in flesh. Nice to meet you. Allow me to introduce my lady to you... Kristal."

"Hello," mahinang bati ng babae na nasa likod ni Chester at inabot ang kamay kay Minnie.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon