V-Day!

13 3 0
                                    

Natatawang kumaway pabalik si Paulo ng makita niya ang patalon-talon pang si Skye. Katatapos lang ng klase niya, samantala natapos ang klase ni Skye mag-iisang oras na ang nakalipas. Nangako siya na kakain sila sa labas ngayong araw pagkatapos ng klase niya kaya naman kahit naunang natapos ang klase ng dalaga ay naghintay ito sa kanya.

"Do you have anything for me?" masiglang tanong ni Skye ng makalapit siya rito.

"Huh," nagtatakang tanong niya. Nang sumimangot ito ay napangiti siya. Cute, "why are you frowning?"

"Wala," nagkakandahaba ang nguso nito. Halatang nagtatampo sa kanya. "Let's eat na, Pau. I'm so famished! Babawi ako sa kainan. Hmp!" pabulong na ang mga kasunod na sinabi nito pagkatapos nitong mag-aya.

"Where do you want to eat, Tiara?" kinakagat niya ang ibabang labi para hindi mapangiti o matawa sa arte nito. Gustong-gusto na niyang sabihin na may hinanda siya dito kaya lang ay masisira ang surpresa niya.

"Anywhere fancy..." pa-cute na sabi ni Skye, "and expensive!"

"Expensive?" hindi na niya napigilan ang sarili at napakawalan na ang tawang kanina pa gustong lumabas.

"What's so funny, Juan Paulo? I want to eat something expensive. Where will you take me?"

"Japanese, of course."

"Anong klase ng Japanese? 'Yong maraming pogi ba?" pang-aasar nito sa kanya.

"Sa maraming maganda," hinampas nito ang braso niya sa inis, "aww, joke lang!"

"Umalis ka na mag-isa mo!"

"Joke lang. Joke lang, uy. Come on, baby!" dahil maliit lang ito, mabilis niya itong nahabol. "You can't run away from me, Skye. You are small."

"Heh! Bwisit," tinabig siya nito. Natawa siya dahil sobrang cute ng itsura nito, parang batang hindi mo pinagbigyan kumain ng candy, "kanina mo pa ko inaaway."

"Okay, fine dining. I promise! Let's go," hinawakan niya ang kamay nito. Pakiramdam ni Paulo ay naka-jackpot siya ng ipinagsalikop ni Skye ang kamay nila, iyon nga lang, hindi ito naglakad. Bagkus, tumayo lang ito habang hawak ang kamay niya. "What's wrong, baby? Bakit ayaw mong maglakad?"

"Nagtatampo pa rin ako sa 'yo."

"Sorry na! Gutom lang 'yan, tara na." marahan niya itong hinila pero hindi pa rin ito gumalaw. Seryosong nilingon niya ito. "Skye?"

"You forgot the date?"

"What date?" kunwari ay wala pa rin siyang alam sa inaarte nito. Huminga ito ng malalim bago naglakad palapit sa kanya.

"Fine," nagpauna na itong maglakad habang hila hila ang magkahugpong na kamay nila. Masayang-masaya ang puso ni Paulo, kahit nagtatampo na ang babaeng kahawak niya ng kamay, kampante siya. Ganito talaga ang pakiramdam tuwing kasama niya si Skye. "I'm really hungry na."

Dahil nauuna naman ito sa kanya, hindi na itinago ni Paulo ang ngiti sa mga labi niya. Lalo na noong makarating sila sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nasa bandang dulo ang sasakyan niya. Nang mapatapat na sila sa kotse niya ay hinila niya si Skye para huminto. Maang na napalingon ito sa kanya, puno ng pagtatanong ang mga mata kung bakit niya ito hinila.

"Wait," simpleng sagot niya. Mabilis niyang binuksan ang likuran ng kotse niya at tumambad sa kanila ang bouquet ng malaking bulaklak at mga lobo na inihanda niya para kay Skye. May banner pa siya na nakasabit. At ang lahat ng iyon ay kulay asul.

"Oh my God, Pau!" pagtingin niya ay tumutulo na ang luha ni Skye. Nataranta siyang lumapit dito at pinahid ang luhang tumulo sa pisngi nito.

"Why are you crying?"

"I hate you!"

"After all of these?" tumawa siya sa itsura nito. Dahil nakangiti si Skye sa kanya pero iyak ito ng iyak, hindi niya maintindihan ang itsura nito, pero nakumpirma naman niya na masayang-masaya ito sa regalo niya.

"I hate you so much—"

"Aww, that hurts!"

"But I still love you so much!"

"What?"

"Kainis ka! Akala ko nakalimutan mo." hinahampas-hampas siya nito sa dibdib, mahina lang naman, kaya hinuli niya ang kamay nito at hinalikan iyon.

"Happy?"

"Very."

"Still mad at me?"

"Yes... slight!" suminghot ito at lumabi sa kanya. Kinurot niya ang pisngi nito at mabilis itong niyakap.

"As long as you are happy, I won't mind if you are mad at me."

"Bwisit ka!" inilayo nito ang mukha sa dibdib niya. "Anong okay lang na galit ako?"

"You're mad because you thought I forgot you."

"Pero hindi pa rin okay na hahayaan mo kong magalit sa iyo."

"Yes, ma'am," hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo nito ay bahagyang nilayo sa kanya. "Here's your flowers, baby. Ang hirap humanap ng Blue Roses, ah. Bakit kasi Blue ang favorite color mo?"

"Thank you, Pau! Nag-effort ka talaga, ah. Hindi 'yong kinulayan lang ng Blue 'yong rose mo," inamoy nito ang bulaklak at ngumiti. "Ang bango, kainis ka ang pangit ko tuloy."

"You're still beautiful for me."

"Ewan!" niyakap ni Skye ang bouquet nito at inabot ang cellphone sa kanya. "Take a pic of me."

"Can I use my phone, too?" tanong niya dito na mabilis namang sinagot nito ng pagtango. Hindi lang ang mga bulaklak ang pinakuhanan nito ng litrato. Pati ang likod ng sasakyan niya. 'Yong decor, 'yong banner, 'yong mga lobo. Lahat! At ang pinakahuli, nag-picture silang dalawa.

"Sorry, Tiara. I have to act like I don't remember the date because I don't want to spoil my surprise." inaalalayan niya ito pasakay sa unahan ng kotse. Nang makaupo ito ay siya na rin ang nagsuot ng seatbelt nito. "Sayang naman effort ko kung sasabihin ko agad sa 'yo na may surprise ako, 'di ba?"

"Hindi naman kailangan ng surprise, eh. Simple gift nga lang hinihingi ko." mabilis niyang sinara ang pinto at tumakbo paikot sa driver's seat. Naghahanda na siyang magmaneho ng ipagpatuloy ni Skye ang sinasabi nito.

"You are full of surprises, Pau. Sinasanay mo ko. Baka hanap-hanapin ko 'to."

"Okay lang," sagot niya dito. Hindi niya tinitignan si Skye. Una, dahil nagmamaneho siya. Pangalawa, baka mahalata nito ang nararamdaman niya. "I'll give you everything you want until we grow old."

"Paulo?"

"Ssshh! Mag-ready ka sa Japanese."

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon