Ipinagpapasalamat ko ang pagdating muli ni Cloud sa buhay ko. Hindi naman kami nag-uusap tungkol doon pero malaking bagay para sa akin ang pagpunta niya sa amin para alagaan ang pamilya ko.
Tulad na lang ngayon na may kailangan akong asikasuhin sa munisipyo. Hindi ko alam kung paano ko lalakirin iyon dahil walang maiiwan kay Papa at Lexis. Nahihiya akong makisuyo sa kapitbahay para bantayan si Papa. Saktong-sakto naman at nagpresenta si Cloud na magbabantay kay Papa habang wala ako.
Isa pang nakakapagpasaya sa akin ay ang nakikitang kasiyahan sa mga mata ni Papa tuwing mahuhuli ko siyang pinagmamasdan kami ni Cloud. Naging mabigat sa loob ko ang kaalamang ayaw niya kay Cloud para sa akin noon, kaya naman ngayong nakikita ko na natutuwa siyang pagmasdan kami ay nakakataba ng puso. Kung makakapagsalita nga lang si Papa, hihilingin ko sa kanya na sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman niya. Tiyak, mas ikatutuwa ko iyon kung maririnig ko iyon ngayon.
Maganda ang pakikitungo ni Cloud kay Papa, pero walang makakatalo sa pakikipag-away niya kay Lexis. Kapag naaalala ko kung paanong mag-usap si Cloud at si Lexis ay natatawa ako. Halata naman na biro lang ang panunukso niya sa bata pero hindi ko pa rin maiwasan na pagtawanan ang mag-ama ko. Hanggang ngayon ay humahanap pa rin ako ng tiyempo para sabihin kay Cloud ang tungkol kay Lexis. Masyado kasi siyang naiinis doon sa bata. Ayaw ko naman na biglang magbago ang pakikitungo niya sa anak ko kapag nalaman niya ang totoo. Lalo pa't nakikita ko kung gaano kasaya si Lexis habang nakikipagkulitan siya sa tatay niya.
"All this time, akala ko kaya may kalahating pancit canton dyan ay dahil namimiss mo ko. Kaya pala kalahati 'yan, kahati ko itong tiyanak na ito." isang hapon na nagpaluto sina Cloud at Lexis ng sabay. Nakita ni Cloud kung paano kong hinati ang pancit canton niya para ilagay sa plato ni Lexis ang iba. Natawa naman si Lexis sa asal ni Cloud kaya dumila siya dito.
"Ikaw, ikaw..." pabirong hinampas ni Cloud ang braso ni Lexis na ikinatawa nito. "mang-aagaw ka na kay Laks, pati pancit canton ko hinahatian mo pa ko, ah. Wow! Kaya pala okay lang na mawala ako sa kanya, may kapalit na pala."
"Cloud, tigilan mo nga 'yong bata."
"Mama," ngumiti si Lexis sa akin bago lumapit kay Cloud at niyakap ang braso nito. Nakita ko ang biglang paninigas ni Cloud bago tumingin sa bata. "Ichokey papa. Ichokey."
"Ano daw?"
"'It's okay' daw," sagot ko.
"Tinawag niya kong papa." nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Cloud bago binalingan ang anak ko, "Lexis, did you really call me papa?"
"Yes, papa-" hindi na natapos ni Lexis ang kung anumang sasabihin niya ng bigla siyang kargahin ni Cloud at yakapin ng mahigpit.
"Tang ina! Tatay na ko. Tang ina. Tinawag niya kong papa. May anak na ko. Shit!" kita ko ang saya sa mga mata ni Cloud habang yakap ang anak ko. Gusto kong maiyak sa napapanood ko pero pinigil ko ang pagpatak ng luha ko. Kung magagawa ko lang ulit-ulitin ang pangyayaring ito sa buhay ko, babalik at babalikan ko ang eksenang ito kung saan masayang tinanggap ni Cloud ang presensya ng anak ko. Ang anak naming dalawa.
"Lexis, abot mo nga kay Papa 'yang bimpo anak. Pupunasan ni Papa si Lolo." muli akong napabalik sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Cloud sa loob ng bahay namin. Hindi pa ko nakakapasok pero naririnig ko na ang paggalaw ng mga gamit sa loob. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mag-ama ko. Mula kasi noong araw na tinawag siyang Papa ni Lexis, mula sa pag-aasaran ay napunta sa paghaharutan ang mga ito. Kung pwede nga lang na hindi sila magsama ng anak niya sa iisang kwarto ay gagawin ko. Hindi naman makulit si Lexis noon, eh. Naging makulit lang noong makasama na niya ang tatay niya.
"Nandito na ko," nagtaka ako ng wala man lang kahit isang sumilip o sumalubong sa akin.
Weird, sa isip isip ko. Tuwing manggagaling ako sa labas ay salitan ang mag-ama sa pagsalubong sa akin. Minsan nga ay kahit magpunta lang ako sa banyo ay nag-uunahan pa itong makalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.