Stuck Staring At You

10 4 1
                                    

I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed

"Earth to Mikey!" napatingin si Mikey sa kaibigang si Chester ng pumitik ito sa harap niya. May mapanuksong ngiti sa mga labi, may sinasabi ito sa kanya ngunit hindi niya naiintindihan. Pinangunutan niya ito ng noo.

Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful

"Gago," inalis nito ang airpods na nakakabit sa tainga niya. Wireless na nga ang gamit niyang earphones, nakita pa rin nito. "wala ka talagang manners. Inaalis 'to kapag nakikipag-usap."

"Ah." pagtango niyang sagot dito.

"Sa totoo lang," nakaismid ito sa kanya, ipinagkrus pa nito ang braso sa may tapat ng dibdib nito, "nagtataka ako kung anong nakita sa iyo ni Minnie Mendoza. Sa pangit mong 'yan? Stalker ka siguro ni Minnie."

"I am not."

"Ah, pa-mysterious ka kasi. Ang tipid mo magsalita. Kung type mo si Minnie, bakit hindi mo kasi ligawan?"

"I'm busy, Ter." kinuha niya ang airpods niya sa tapat nito. Isusuot na sana niya iyon ng pigilan ni Chester ang kamay niya. "What?"

"Ayaw mo ba talaga makipagkita kay Minnie?"

"If the universe permits, then so be it." walang pakialam niyang sabi sa kaibigan. Ibinalik niya ang atensyon sa pakikinig ng paborito niyang kanta.

Hindi niya talaga ito paborito. Naging paborito lang. Nagsimula iyon noong unang beses niyang nakasalubong si Minnie tatlong buwan na ang nakakaraan. Unang araw ng klase sa Santa Catarina University kung saan siya kumukuha ng kursong Business Administration. May-kaya ang kanyang pamilya. Ang daddy niya ang isa sa mga sponsor ng SCU.

Tulad ng unang araw sa ibang mga unibersidad, nagsisimula ang lahat sa orientation ng mga estudyante. Dahil nasa ikalawang taon na niya sa kolehiyo, hindi na siya interesado pang pumunta sa orientation. Ngunit nagbago ang lahat ng makita niya si Minnie.

Hindi niya pa alam ang pangalan nito noong una. Ngunit mayroon kung anong hindi maipaliwanag na maramdaman si Mikey ng makita niya ito. Pakiramdam niya ay nahihipnotismo siya nito. Kumpara sa mga babaeng madalas na lumalapit at nagpapakilala sa kanya, masyadong plain si Minnie. Hindi sobrang ganda, hindi maarte. Simpleng-simple lang ang itsura nito. Kumbaga, average lang. Nakasuot ito ng simpleng blusa at mahabang palda. May salamin sa mata. At tingin ni Mikey, nasa limang talampakan lang ito dahil hindi man lang ito umabot sa balikat niya. Si Minnie ang tipo ng taong hindi mo mapapansin kapag inilagay mo sa isang kwarto na punong-puno ng tao.

Maliban kay Mikey. Dahil kahit ito ang pinakasimpleng babaeng nakita niya, hindi niya makalimutan ang itsura nito. Aaminin niyang sa unang kita pa lang ay attracted na siya dito. Ang unang pagkikita, nasundan pa ng isa. At nang isa pa. Hanggang sa nagulat na lang si Mikey, hinahanap-hanap na niya ang dalaga. Pakiramdam niya ay hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi niya ito makikita.

"Mikey, sure 'yan ah? Walang bawian!" narinig niyang sabi ni Chester bago niya pa napindot ang play button sa phone niya. Hindi na niya ito pinansin kaya tumalikod na ito ang naglakad paalis. Nawi-weirduhan man sa kaibigan, hindi na pinagtuunan ng pansin ni Mikey ang kaibigan. Wala naman siyang mapapala dito. Bakit pa niya ito pag-aaksayahan ng oras?

"Damn, Chester! Anong trip mo at pina-trend mo ang #FindingMickey? Mukha ba kong nakikipagbiruan sa 'yo?" mabilis niyang tinawagan ang kaibigan ng makita niya ang post ng Galaxy sa news feed niya. Ang magaling niyang kaibigan, nanawagan ba naman para hanapin siya. Kung hindi ba naman talaga sira ang ulo nito, kilala naman siya nito.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon