Black Hole #20xx-00214

19 4 0
                                    

Admin Tala posted a blog.
Love is in the air! Happy Heart's Day, SCU Galaxians. May mga plano ba kayong date ngayong araw? Mag-ingat ang lahat, lalo na si Minnie Mouse na may ma-swerteng kapalaran ngayong araw. Malakas ang kutob ko na magiging maganda ang araw mo, Minnie! Good luck. *wink*

~~~

Coincidence o Destiny?

Alam niyo ba 'yong feeling na palagi niyong nakakasalubong 'yong isang tao? Like, literally crossing each other's path in the most unexpected places. Hindi kayo magkakilala, hindi kayo magkaano-ano. But you feel like there's a connection between the two of you sa sobrang dalas ninyong magkasalubong?

I just want to say hi to Kuya na naka-blue na jacket with black leather shoulder bag. Hindi ko alam kung sino ka. Promise! I really, really don't know you. I don't even know your course and building because we're bumping into each other in all places. Hindi ko na rin alam but judging your look, mukha namang hindi tayo same ng vibes and likes. Haha! Anyway, mag-iipon siguro ako ng lakas ng loob to say hello if ever na makasalubong ulit kita.

BTW, if you'll ask bakit alam kong siya 'yong lagi kong nakakasalubong, hello... madalas nga kasi kami magkasalubong. Parang may usapan na magkikita! Joke. Trademark talaga 'yong jacket and bag.

At... alam niyo ba estatwa dapat ang title nito? Tanungin niyo man o hindi, sasabihin ko na rin kung bakit 'yan sana ang title ng confession na ito? Haha. Ito ang tatak na magkikita talaga kami. Statue by Lil Eddie. The song is playing in the background whenever, wherever. Hindi ko siya alam nung una. I've never heard the song before. Pero na-LSS na ko kasi lagi ko nga nakakasalubong si Kuya. Haha!

- Minnie Mouse

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon