Unto The Next Level

9 4 0
                                    

"Brie! Uy Brie," sinulyapan lang ni Brie ang kaklaseng tumawag sa kanya. Alam niyang tungkol na naman kay Troy ito. Hindi lang yata pang-dalawampung kakilala na ito na lumapit sa kanya ngayong araw. Mula ng i-post ni Sunny ang confession ni Troy kaninang umaga ay sunod-sunod na ang mga kaklase niyang lumalapit sa kanya. Ang iba ay nagtatanong, ang iba naman ay nakikiusyoso lang. 'Yong iba nagulat dahil hindi pa raw pala sila. At 'yong iba naman ay kinilig, dahil napakasweet daw talaga ni Troy sa kanya. Pero lahat ng iyon ay balewala para kay Brie dahil ang walang hiyang Troy, hanggang ngayon ay hindi nagpapakita sa kanya! Anong isasagot niya sa mga kaklase niya kung wala siyang alam tungkol sa confession nito.

Kahit magsisimula na ang sembreak nila mamayang gabi, hindi pa rin sisirain ni Brie ang kaugalian niyang walang social media account na naka-install sa cellphone niya hangga't may pasok siya. Lalo na ngayon, sigurado siyang walang tigil ang pagpasok ng sandamakmak na notification sa account niya sa dami ng mga shared post, mentions, comments at messages na matatanggap niya.

Nasaan na ba ang walang hiyang 'yon, tanong ni Brie sa sarili.

"Nabasa mo na po ba 'yong confession ni Troy sa Galaxy? Lucky pa ang nilagay niyang pangalan niya, alam naman ng lahat na siya 'yon at binanggit niya ang buong pangalan mo."

Sa totoo lang, wala namang naiintindihan si Brie sa librong hawak niya dahil hindi naman siya nagbabasa. Props niya lang 'yon pangtaboy sa mga usisero at tsismosong mga kaklase niya. Pero itong huling lumapit sa kanya, masyadong makulit. Kausap pa rin ng kausap sa kanya kahit hindi niya pinapansin.

"Ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala kayong dalawa. Akala ko naman girlfriend ka ni Troy. Kung alam ko lang, sana noon pa ko lumapit sa kanya."

"Excuse me," hindi na niya napigilang mag-komento sa huling sinabi nito. "anong noon pa sana lumapit?"

"You are not his girlfriend, not his wife either. Best friend ka lang niya. Best. Friend. Lang! Kung umasta ka rin naman kasi para kang girlfriend, eh. Laging nakahawak, laging nakalingkis. In short, malandi ka. Para kang linta kong makadikit kay Troy, hindi ka naman pala kaano-ano."

"So, anong gusto mong palabasin?"

"Simple lang, Brie. Know your place. I will move now. And I'll make sure that Troy will forget about you. You are not even worth the wait. Exaggerated lang 'yong confession ni Troy tungkol sa iyo, but in reality, you are a plain loser."

"Not for me," sabay silang napalingon ng babae sa nagsalita. Of all times, ngayon ka pa talaga susulpot damuho ka?

"T-troy?" namutlang sabi ng babaeng umaway-away sa kanya. "It's not what you think."

"Actually, I don't care if what I think was the truth or not. My answer will be the same, miss. I don't see Brie as a loser." tumingin ito sa kanya, bahagya itong ngumiti sa kanya ngunit hindi umabot ang mga ngiti nito sa mata nito, "Dean's lister, running for Cum Laude, excellence awardee... kaya ko na yatang i-recite lahat ng achievements ni Gabriela to show and prove you that she is not a loser. And she will never be."

"Troy, ano bang nakita mo kay Brie? Lahat naman 'yan, personal achievements niya. Lahat 'yan madadala niya kahit wala ka. Can't you see it? Brie is not good for you. Habang nakakamit niya ang lahat ng iyan, nasaan ka? Nasaan ka sa buhay ni Brie?"

"Beside her," napasinghap ang babae sa sinagot ni Troy. Kung sa ibang pagkakataon siguro, mapagtutuunan ng pansin ni Brie ang kilig na bigla na lang niyang nadama sa mga sinasabi ng best friend niya. Kaso hindi niya iyon magawa, dahil habang pinagtatanggol siya nito, mas ipinapakita nito na puro ito lang ang sumasalo sa kanya. Paano na lang si Troy? Paano kung hindi niya pala kayang ibalik ang nararamdaman nito? Anong mangyayari sa kaibigan niya?

"Troy—"

"She may or may not see me when she is thriving for her own success, I will still stay beside her, behind her if I am holding her back. Always. Hindi ko naman kailangan mapansin ni Brie. I like her even more for not seeing me. Alam mo kung bakit? Because she know what she wants. She knows her priorities. She knows what she need and what will help her in the future. Basta ako, nandito lang para sa kanya. I will continue to support her, to have her back, to push her when she's slacking off until she reach her dreams.

"Because if you truly love a person, you will let them grow. On their own, by keeping your distance and walking them through the right path. Gasgas man ang kasabihang true love waits, I will wait for Brie. I will wait for her to finish her goals dahil darating naman ang panahong makikita niya ko. Darating naman ang araw na lilingon siya sa likod niya at makikita niya kong nakasunod lang sa kanya."

"What if, pagkatapos ng lahat ng sakripisyo mo, ng lahat ng ito, hindi ka pa rin makita ni Montes?" tanong ng isang usisero na bigla na lang sumabat sa mga ito. Napalingon si Brie sa paligid at napanganga siya ng makita ang napakaraming estudyante na nanonood sa kanila. Sa sobrang focus niya sa pag-amin ni Troy sa harap ng maraming tao, wala na siyang napapansin sa paligid niya. O mas tamang sabihin na, wala na siyang pakialam sa iba at si Troy na lang ang mahalaga at nakikita niya.

Shit! He's distracting me, nakagat ni Brie ang ibabang labi dahil gusto niya ng maluha sa mga nangyayari. Masyadong masarap sa pakiramdam ang pag-amin ni Troy sa kanya na natatakot siyang may hindi mangyaring maganda pagkatapos ng lahat.

"No regrets, man. No regrets!" sabi ni Troy dito. Nakita ni Brie kung paano siyang hinanap ng mga mata nito. Ngumiti ito sa kanya bago nagpatuloy sa pagsasalita, "before I fell in love with Brie, I was her best friend first. Ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag minahal ako ni Brie. Pero kung hindi, okay lang din. Dahil ako ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang best friend niya. At wala naman din sigurong masama kung hanggang doon lang ako sa kanya. Pero sana... sana, mahalin niya ko pabalik. Wala naman masama kung umasa ako, hindi ba?"

"Troy," bulong niya sa pangalan ng kaibigan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masyadong maraming opinyon ang nakikisawsaw at nakikialam sa kanila. Isa lang ang sigurado si Brie. Naguguluhan na siya, nakikisabay pa ang kabog ng dibdib niya.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon