Finding Mickey

11 4 1
                                    

"Minnie! May pa-shout out shout out ka pa sa confession page, ah. Ano 'yon, Finding Mickey?" naiikot niya ang mata ng marinig ang malakas na boses ng kaibigan niyang si Lexi.

"Ang ingay mo, girl. Gusto mong pagtinginan ka ng tao? Ipa-announce mo na lang kaya sa megaphone na ako 'yong nagsend sa confession page."

"As if naman na hindi ka makikilala, kahit naman hindi mo nilagay pangalan mo, parang nagpakilala ka na rin. Hello, Minnie kaya talaga pangalan mo."

"Nickname, Alexandra. It's my nickname." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binalikan niya na ang cellphone niya at kinalikot ulit iyon. Wala naman talaga siyang ginagawa. Wala siyang ka-chat o kausap. Wala rin siyang tinitignan. Ayaw niya lang makipag-usap sa iba. Kaya para hindi siya istorbohin ng mga ito, nagpapanggap siyang busy sa cellphone niya. Iyon nga lang, kaibigan niya nga kasi si Lexi. At hindi ito apektado sa mga pagpapanggap niya ng ganoon.

"Alam mo, Minerva, may kaartehan ka din talaga. Nakikita ko 'yong screen ng phone mo sa mata mo. Wala kang ginagawa. Anong trip mo at nag-confess ka sa Galaxy? Sabihin mo sa akin, bored ka na ba kaya gusto mo ng lalaki?"

"Shut up!" napaderetso siya ng upo at mabilis na tumingin dito. Pinandilatan niya ang kaibigan na siya namang seryoso lang na nakatingin sa kanya. Hindi ito umiimik at nasisindak sa kanya, bagkus naghihintay ito ng paliwanag niya kung bakit siya nagpadala ng ganoon sa confession page ng SCU. "Hindi ko gusto ng lalaki, okay? Hindi naman 'yan 2D character para pag-aksayahan ko ng oras. Pwede ba!"

"Hmm," nagdududang sagot ni Lexi.

"Lexi, mukha ba kong jowang jowa? No, girl! Kung may jowang-jowa sa atin, malamang ikaw na 'yon, not me."

"Hindi ako jowang-jowa. At hindi rin ako 'yong nag-confess sa SCU Galaxy."

Hindi na ito pinansin ni Minnie. Mabuti na lang at biglang tumunog ang cellphone niya, may dahilan siya para hindi ito tignan. Nanlaki ang mata niya ng makitang private message iyon mula sa Galaxy.

"Lex, L-lexi!" iniharap niya ang cellphone niya sa kaibigan.

"Oh," napangiti ito at mapanuksong tumingin sa kanya. "grab mo na, girl!"

"Ikaw ba 'yong nag-suggest sa kanila nito?"

"Gaga, anong palagay mo sa akin mamasang? Hindi kita ibubuyo, 'no. Mapang-asar lang ako pero protective akong kaibigan. Malay ko kung sinusundan mo talaga 'yon si Kuya para lang masabi na nagkakasalubong kayo."

"Bwisit ka! Salubong nga, eh. Kung sinusundan ko 'yon, sana nasa likod niya ko!"

"Alam mo, curious din ako dyan kay Mickey Mouse mo. Gwapo ba?"

"Malay ko!"

"Weh? Hindi mo tinititigan?"

"Slight," hinampas siya ni Lexi sa braso. Mabigat pa naman ang kamay ng kaibigan niya. At dahil payat siya, madaling magpapasa ang braso niya sa hampas nito. "aray naman, Alexandra! Bakit may pisikalan? Pwede naman mang-asar na hindi namamalo."

"So, pogi nga?"

"Hindi ko sure."

"Ano ba naman 'yan, Minnie!"

"Hindi ko nga alam, okay? Basta sure ako mabango."

"What?" siya naman ang ngumisi sa kaibigan.

"Chester, anong balita?" nagpalinga-linga muna si Paulo bago lumapit sa kaibigan. Nahanap mo ba si Minnie Mouse?

"Ako pa ba?" pinabasa ni Chester sa kanya ang pinadala nitong mensahe kay Minerva Mendoza, ang nagpadala ng confession sa Galaxy noong isang araw na may palayaw na Minnie Mouse. Hindi tulad ng ibang nagpapadala, bago ang account na ginamit ni Minnie sa pagpapadala ng confession. Siguro para mapanatili nito ang pagiging anonymous nito. Malas lang nito at kaibigan niya si Chester. At walang hindi kayang alamin ang lalaki.

LSS AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon