Admin Buwan posted a blog.
Magandang gabi, mga igan! Ngayon ay bored ang inyong favorite admin dahil wala tayong magandang topic na mapag-uusapan dahil matatapos na naman ang school year natin. Magpapaalam na naman ang mga seniors natin dahil graduate na sila, samantala tayo ay nandito pa. Haha!
Para hindi tayo mainip, basahin na lang muna natin itong kwento ni Sugar Babie. Hello, Babie! Pasakay naman sa first fly. Hehe. *wink*~~~
Daddy Long Legs
Gagraduate na ko next month! Nung mabasa ko 'yong pangalan ko sa list ng graduating students, gusto kong umiyak. Humagulgol. Maglupasay. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong paghihirap, makakamit ko na 'yong tagumpay. Salamat sa mga walang sawang sumuporta sa akin mula umpisa. Sa mga kaibigan ko na karamay ko tuwing nagugutom ako, salamat at nililibre niyo ko. Sa mga kaklase ko na kasama kong gumawa ng mga isa-submit ko; mga requirements, reaction paper, hanggang sa thesis, congrats mga lods. Mula pagkopya hanggang pag-akyat ng stage para kumuha ng diploma, tayong lahat magkakasama! Sa nanay at tatay ko, para sa inyo po ang lahat ng ito. Hindi po masama ang loob ko na hindi niyo ko isinama sa kabilang-buhay. Habang buhay kong tatanawing utang na loob ang pagsilang, pag-aalaga, pagmamahal at pagsasakripisyo niyo para sa akin nung kayo ay nabubuhay pa. Salamat at ipinaramdam niyo sa akin ang magkaroon ng pamilya kahit na sa sandaling panahon lang. Mahal na mahal ko kayo, nay at tay!
Higit sa lahat, daddy long legs, thank you! Thank you sa scholarship na ipinagkaloob mo mula ng mag-high school ako hanggang sa makapagtapos ako ngayon. Pagpalain ka pa sana ni Lord dahil hindi ka madamot at shinare mo ang blessings mo sa akin. Sana makilala na kita. Sana makita na kita.
- Sugar Babie, future piloto
BS in Air Transportation Major in Advance Flying
College of Aviation
BINABASA MO ANG
LSS Anthology
Short StoryShort Story Dumps • A compilation of confessions, short stories and whatnots.