Sumakay na ako sa kotse ni Jeff at nagmamadali siyang umikot para umupo sa driver's seat. Nakita ko naman na natapilok pa siya kakamadali at nakita ko sa mukha niya na napamura siya, napa ismid ako.. Bawal akong tumawa. Pfft.
Bakit ba? Trip ko e.
Naupo na siya sa driver's seat at nagtataka naman ako na hindi pa kami umaandar yun pala ay hindi niya maisuksok ang susi.
"Anak ng tokwa, akin na nga" kinuha ko sa kamay niya ang susi at ako na ang gumawa. Agad naman nyang pinaandar ang kotse.. Nakita ko naman medyo may pag nginig pa ang kamay niya kaya nag aalala naman ako na baka mabunggo pa kami.
"Ano ngatog na ngatog? Pers taym lang ako makatabi?", pag bibiro ko para hndi na siya masyadong tense. Ang hirap kasi baka mabunggo pa kami sa inaasta niya.. Nakita ko namang epektib ang ginawa ko dahil umaliwalas ang mukha niya at inaayos niya ang kanyang upo..
Tumingin ako sa bintana.. Aba teka, saan pala kami pupunta?
Naramdaman niya sguro na nagtataka na ako kaya siya na ang sumagot.
",We will go to Intramuros diba you want to go there? And there's a restaurant near by so i will treat you dinner." Sabi niya. Agad ko namang kinapa ang tyan ko at nagsimula itong tumunog.
Tae, nagugutom na ako ah.
Agad narinig ko ang tawa niya na matagal ko ng hindi narinig..
"Ah yeah, we will eat first.", sabi niya sabay lumiko kung saan ang way pa intramuros.
Pinark muna ni Jeff ang kotse niya... Nakita ko ang mga ilaw dito sa Intramuros dahil papagabi na.. Mangha mangha akong makita ang makasaysayan na lugar na ito.
Mas lalong gumaganda ang intramuros dahil sa nagkikislapang mga ilaw, mga inprastrakturang ilang daang taon na ang tanda at mga taong namamasyal dito.
Nakangiti ako sa oras na ito..."Ang ganda," sabi ko ng wala sa sarili.. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Jeff na nakatayo sa gilid ko at nakapamulsa..
Pinag pa tuloy ko lang ang pag libot ng mata sa paligid ko.. Hindi ko maiwasang mamangha.
Pumunta ako sa isang dingding kung saan nakasulat ang mga pangalan ng nagsakripisyo para sa ating bayan. Grabe, goosebumps ang narramdaman ko. May ilang mga kabataan ang todo pose pa dahil ang gnda kasing background ang intramuros. Perfect na perfect sa history lover dyaaaan.
Tumabi sa pagkakatayo ko si Jeff.. Maging siya ay namamangha sa nakikita niya.
",Intra is beautiful to be seen that history makes itself more deep.. Deeply beautiful.", Sambit ni Jeff na ngayon ay nakatingin na ng deretso sakin.
Tumutitig din ako sakanya.. Ngumiti siya ng bahagya at nag aya ng kumain. Hello, gutom na ko kanina pa buti nalang hndi sensitive tong isang to.
Pumunta kami sa Barbara's cuisine. This is Filipino-spanish restaurant. Pumasok na kami sa restaurant at nakita kong old-school ambiance ang nasa paligid. Para bang bumalik ako mga 100yrs ago ganon.
Inassists kami ng isang waiter sa uupuan namin. Ang elegant! Taray. 2 seats para sa amin at inabot ang kanilang menu. Halos kanda ubo ako sa presyo na nakikita ko sa menu. Ano ba naman tong si Jeff. Diba uso magtipid sa mga mayayaman? Kahit isang gabi lang?
",2 order of Gambas Al Ajillo, Calamares Fritos, Arroz A La Cubana and Sinigang na baby sugpo," Sabi niya. Mabilis namang naisulat ng waiter ang mga inorder namin. Grabe, natakam ako aa huling sinabi niya. Baby sugpo, hihe.
", Okay sir, we will serve your order in just a few minutes only," sabi ng waiter at nag bow siya sa amin.
Tumango din kami saknya at nagsimula na siyang umalis sa aming harapan.
", Ang gagalang naman ng staffs dito. Baka pag labas ko, maging magalang na rin ako, " Pang jjoke ko. Agad namang natawa si Jeff. Aba dapat lang, nagjojoke ako e. Baka masikmuraan ko siya pag di siya natawa. Joke lang
",Yeah, they also served delicious Spanish-Filipino dishes here," Sabi niya. Kanina pa siya nag eenglish naku baka ma bleeding nose ako dito.
Ilang sandali pa ay may tumugtog na musika.. Nagulat pa ako dahil wala kasing abiso chariz.. Sa mini stage ay may tumutugtog ng violin.. Ang himig na naririnig ko ay song ng On bended Knee by Boys ll men
Hindi kabagalan ang tugtog pero malumanay ito. Pang romantic version dahil sa violin ito tinutugtog. Mas lalong naging romantic ang paligid, dahil ang daming mga bulaklak na disensyo sa paligid at mga couple na masaya.
Napansin ko naman ang paligid kanina wala mga to ah? Bat ngayon marami na.
Ganito pala feeling ng inlove? Chariz.Napansin ko na nakatitig pala si Jeff. Oo nga pala no, nakalimutan ko may sasabihin pala siyang importante.
Kaya tumitig ako pabalik sakanya bago pa ako magsalita ay nagsalita na siya.",Cheska.. I-i need you", sabi niya. At bakit naman niya ako kailangan? Uutang siya? Eh marami naman siyang pera. Agad namang kumunot ng bahagya ang noo. Nasan naba ang pagkain kasi?
Ilang sandali pa ay buti nalang dumating na ang waiter at nilagay na sa aming table ang mga inorder namin. Waaaah! Ang sasarap, takam na takam ako sa oras na ito....
", Tara kain na, Jeff", Pag aaya ko sakanya. May sasabihin pa sana sya pero hindi na niya naituloy kasi mukha akong patay gutom sa harapan niya.
Mamaya kana mag drama Jeff, nagugutom ako.
Kumain ako ng sinigang na baby sugpo. Grabe sobrang Sarap. Huhuhuhu.
Sinipsip ko pa ang ulo ng sugpo at tutunog Tunog pa ito.
Napapatingin naman ang ilang customer sa akin pero dedma lang, daaah. Gutom ako e. Mind your own business nalang!",Your hungry, eat pa", Sabi naman ni Jeff at inabot ang isa pang putahe na calamares ba ito.
Agad kong ito isinubo ng buo. Grabe ang sarap nga ng pagkain nila dito.. Di nga halata kasi halos ako ang naka ubos ng pagkain namin kasi si jeff ay halos isang pirasong ulam lang ang nasa plato niya at hindi pa yun ubos.. Tsk tsk porket mayaman nag sasayang na ng pagkain.
",Do you want more? I will order---", pinutol ko ang kanyang sinabi na labag sa aking kalooban. Hehe
",Wag na Jeff, pero take out sige. Hehe", sabi ko at agad naman niyang tinawag ang waiter at nagsimulang iorder ang itatake out ko na mga pagkain.
~~
W/N ;
Masyado raw mahaba yung 100 Chapters. HAHAHHAHA ahm, hindi ko pa alam pero sige kung saan aabutin.
Should i go to Bgc, itutuloy ko ba work dun?? T_T
Help charizzzz!Malaki kana writer, dapat mag desisyon ka ng sarili mo. HAHAHA