Chapter 29

9 0 0
                                    




























Iminulat ko ang mga mata ko. Pabalikwas akong bumangon, nakita ko si Ruby na may pag aalala ang kanyang mukha. Agad akong Bumangon, Si Chesko. Nasan si Chesko.. Kailangan Kong makita ang kapatid ko.

"Cheska!" Habol na sabi Ni Ruby. Bago ako pumunta sa kabilang kwarto lang napahinto ako. Nagulat nalang ako wala na yung mga lalaking nakahandusay. Pero Hndi muna yon ang problema, si Chesko. Kung okay ba siya, mabuti naba kalagayan niya? Hindi naba nagdurugo ang labi niya?

Agad akong pumunta sa kwartuhan Ni Chesko.
Nakita Kong masaya syang naglalaro kasama si Pogs at ang pusa. Kumakain pa sila ng spaghetti at Shanghai.

"Ate!" Nakangiting tawag sa akin Ni Chesko. Agad Kong hinwakan ang mukha niya. May konti syang halos, Pero napa-aw siya nung hinwakan ko ang mukha niya. Tinignan ko naman si Pogs na  kumakain lang..

"Okay kanaba ha Chesko?" Pagtatanong ko saknya agad naman syang ngumiti. J na nagssabing okay siya.



Sinampal sampal ko ang sarili ko? Panaginip ba iyon? Pero... Hindi.


"Sabi sakin Ni Chesko, Hinimatay ka raw kanina na umiiyak.." Biglang salita Ni Ruby sa gilid ko. Umalis na ako sa kwartuhan Ni Chesko. Nakatulala.... Hndi alam ang unang bibigkasin na salita.

Nahimatay pala ako kanina nung makita ko si Pogs... Pero si pogs ba talaga yun? Agad akong lumingon kay Pogs. Matakaw itong kumakain ng Shanghai. Bakit parang impossible naman ata  Na si Pogs yun?

Nadismaya ako sa naisip ko. At nadismaya ako na wala pa rin si Tatay.

"Bakit ka hinimatay Cheska?" Taas kilay na tanong sa akin Ni Ruby. Hindi ko sya pinansin dahil ang iniisip ko ngayon kung si Pogs ba talaga yun. Kung tatanungin ko naman siya, paniguradong hndi naman siya sasagot. Dahil Simula nung tinawag nya akong Cheska, hndi na naulit pa. Siguro unti unti ng nakaka adjust ang isipan niya.

"Umamin ka nga, Buntis kaba?" Tanong NI Ruby. Dun na niya napukaw ang atensyon ko. Natulala lang ako sa pinagsasabi ng shunga Kong kaibigan. At biglang naisip kung saan napunta yung mga labi ng mga lalakeng nakahandusay dito.. Npahawak ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko.

Mas lalo namang gumuhit sa mukha Ni Ruby ang pag aalala..

"Wala kang kinukwento ng boyfriend tapos malalaman Kong buntis ka, Ang rupok mo friend ha!" Sabi nya sabay batok ko sknya. Himas himas nya iyong binatukan ko.

" OO! May pagka marupok ako pero Hndi ako buntis shunga" Sabi ko. Agad na sana siya ng magsasalita at nanlaki ang mata ng marinig niya ang OO ko.

"Ano bang nangyari? Nagtanong ako kay Chesko sabi wala raw nahimatay ka lang. Yun lang.." Pag aalalang tanong Ni Ruby. Nagulat ako at napalingon kay Chesko.

Hindi sinabi Ni Chesko kay Ate Ruby niya. Bakit?

Nag isip ako ng malalim. Bakit hindi niya sinabi? Ilang segundo ang lumipas, nang maalala ko si Tatay. Mukhang kakilala Ni Tatay ang mga lalaking yon. Mga lalaking hndi gumagawa ng mabuti... Siguro nung gabing yon, ay gising si Chesko at nakkinig. Ang talino talagang bata. Siguro nga ay hndi na namin dpat pang ipag sabi sa iba... Dahil may dahilan kami, ang hndi mawala si tatay samin. Biglang nakaramdam ako ng sakit, kahit may nangyaring ganito ay wala si tatay. Dismayado akong na patingin ulit sa paligid. Walang tatay ang nakikita.

"Ah wala yung bestwang , sa sobrang pagod siguro." Yan nalang ang sinabi ko at ayaw ko na syang pag aalahanin. Tumango naman si Ruby kahit may pag aalinlangan pa.. Kinuha ko naman ang cp ko at nabasa ko ang text ng Amo Kong SI rebulvol.

FROM: BOMBAY.

Wala pasok, isang linggo pero may payment.   Ssabihin koe nalang nextym kung bakit. Yun lng

May maganda ring balita. Napa yes ako sa isip ko. Bakit kaya? Hmmmmm
Dahil linggo, at may sama ako ng loob kailangan ko itong ilabas. Tumingin ako kay pogs at nangiti.



























Nandito kami ngayon sa Quiapo Church Ni Pogs. Nakatayo kami sa harapan at manghang mangha ako sa simbahan ito. Ang gandaaaaa! Eggcited akong pumasok. Pero maraming tao ang palabas kaya gumilid muna kami Ni Pogs. Sobrang luwag na ng Quiapo dahil tinanggal na ang mga tyangge sa harapan nito. Masaya akong napatitig sa paligid ng simbahan. May mga batang nag be benta ng sampaguita kasama ang nanay nila. May mga taong nagppicture at ang back ground ay ang malaking simbahan. Kinuha ko ang cellphone Kong naghhingalo na cherry mobile na De keypad. Sguro nman kayang mag picture neto may memo nmn to kaya hinatak ko si pogs at nag picture kami.

*Click*

Tinignan ko ang photos at nakita Kong hndi nakangiti si Pogs. Pero okay lang, pogi parin naman. Wew

Agad na may lumapit na lalaki sa akin at tinignan niya ako at nagsalita ng mahina.






"Miss, 350 okay naba? 30mins lang okay na. Dikana lugi dun." Sabi ng lalake at binatukan ko siya.

"Utot mo 350!" bigla  namang sinaway siya ng dalawang pulis.

"Ine hindi ka taga dito no?" Sabi ni mamang pulis.

"Opo" Mabilis Kong sagot. Teka paano niya nalaman?

"Kahit na desente suot mo. Hwag kang ppwesto dyan dahil diyan ang pwesto ng babaeng nagpapabayad." Sabi nya sabay alis na









Tumingin ako sa paligid. Wew. Kaya pala wala ditong tao at may tingin ng tingin na mga lalaking na nasa paligid. Nag peace  sign na lang ako sakanila.
Sabay hawak sa braso Ni Pogs na nagsasabing may nakakuha na sa akin. Ahem.

































Teffiemeow~

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon