Chapter 18

11 1 0
                                    

I dedicated this Chapter to @Legaspilay28 and especially @maybilynyyyzz <3 More laugh to both of you. Thankyouu❤️






















Nagising ako ng alanganing oras... Narramdaman ko parin ang bigat ng tyan ko dahil sa kinain ko kagabi, sa sobrang sarap ay hndi na namin nagawa pang mag tira, ubos ang 3 tupper ware na may lamang spaghetti, Shanghai at Menudo. Hindi ko akalain na malakas pala si Pogs kumain ng Spaghetti at Shanghai..,

Tuwang tuwa pa ako kagabi at the same time naawa dahil ginutom ko ang dalawa... Una ko munang pinakain si Chesko bago si Pogs, Di bali na, babawi nalang ako saknila.

Ang speaking of Pogs,
Malalim ang pag tulog niya ngayon na katabi niya si Chesko. Mukhang masarap ang tulog Ni Pogs at Chesko. Bahagyang nakadantay si Chesko kay Pogs.

Aalis na sana ako para jumingle ng mabalik ako sa pag ka kaupo.

NAKA DANTAY!?!

Agad Kong tinignan ng mabuti ang nakahigang si Pogs. Nilakihan ko pa ang mata ko para masiguradong si Chesko nga yung katabi niya. Nakakunot pa ang nuo ko habang nakatitig at nanlalaki ang mata....

"Hala ka, si Chesko nga.." Pabulong Kong sabi.

Kailan pa niya nakilala Ni Chesko si Pogs? Lokong batang to ah. Wala naman akong natandaan na sinabi ko sknya si Pogs. At bakit Nandito si Chesko sa kwartuhan ko? Kahit maliit ang bahay namin, may maliit na espasyo para sa kwartuhan nmin NI chesko at ang nagsisilbing harang nito ay 1/8 na hallow blocks sa baba, 1/4 na Plywood, 1/8 na tarpaulin at 1/8 din na plastic sa itaas.

HA! Bahala ka mag compute dyan.

Hmmmp nakuka, Nag isip pa ako ng maigi.

Kailan ko ba sinabi??

Hindi ko pa naman sinabi ah.

Pero bakit sya nakadantay? Sabi ng kabilang isip ko.

"Naiihi na ako.." Sabi naman ng bibig ko....

Agad akong natulog ulit dahil mag 5am pa naman, ipinikit ko na ang mata ko  At dahil saburdey ngayon, pwedeng malate....

Dumilat ulit ang mata ko,

"Saburdey nga pala ngayon!" Naiinis Kong sabi habang nagpapapadyak pa. Kailangan maaga dahil mas maraming customer ngayong ganitong mga araw.

Nakupo naman!


At dahil maaga pa naman, ay gumayak ako at pumunta muna akong Bayan para mamili ng bigas at mga dilata... Bumili muna ako ng gulay. Nakakita ako ng pwesto na mukhang fresh na fresh ang mga gulay doon, nag tingin tingin ako at napukaw ang atensyon ko sa ampalaya.

Hndi naman sguro masama maging Bitter minsan? Hikhik.

"Manong magkano ampalaya?" Tanong ko kay manong na nagtitinda.

"Libre lang naman yun Ine, ang AMPALAYAin na ang nararamdaman mo sa taong niloko ka lang..." Sagot Ni kuya sa akin.

Ay wow, Kaloka. Tangena, inaano kita Manong?

Sakit....

Nanahimik ako sa sandaling yon... Ou nga naman libre lang palayain yung sakit eh, bakit hindi ko pa magawa?
Napansin naman Ni kuya na wala akong reaksyon sa sinabi nya....
At bakit Aber Ganon ang singot sakin e presyo ng ampalaya tnatanong ko. At dahil Don, nag foker face ako. Amp.

"Depende sa Timbang yan, ine. Kung magaan ba O mabigat, sympre kapag magaan, mura lang pero kapag mabigat mas lalong mahal..." Makahulugang sabi pa Ni Manong.

Napakamot ako... At pumili na ng ampalaya. Isa lang ang pinili ko dahil Di naman ako Fan ng ampalaya maging si Chesko.
Tinimbang na ni kuya ang ampalaya,

" 15pesos, Ine. " Sabi Ni Manong.

Nag tingin tingin pa ako sa iba pa nyang gulay, at may nakita akong Malunggay. At para maka bawi Kay chesko at Pogs, ay magsasabaw ako ngayon ng Manok na Malunggay. Speaking of Chesko, yung batang yun talaga... nakuuu..

"Magkano Po sa Malunggay nyo, Manong?" Pagtatanong ko sakanya.

Magsasalita sana siya pero  Hindi na nya yun naituloy dahil nagsalita na ako.

"Hep! Malunggay, Malunggay para sa buhay mong walang ka buhay buhay... Tsk Lam ko na yan, Manong"

Umiling iling si Manong habang pinplastic ang binili Kong Malunggay at Ampalaya..

"Limang Piso, Ine. Pero Mali ka, Kailangan mo ng  Malunggay sa buhay mo para sa puso mong matagal ng nalumbay." Sabi Ni Manong at Agad Inabot sa akin ang binili ko at nagbayad na ako.. Weird.

1,500 pa ang natira sa inadvance kong sahod ng isang linggo, na gastos na ang 500. Buti nalang wala si Tatay ngayon para manghingi kaya sinamantala ko  na ang pagbili, bumili ako ng pansit canton, corned beef, cup noodles, colgate,  etc na worth 500 pesos. At bigas na sampung kilo.

Nakita ko naman si Aling Bebang na galing din pala sa grocery'han.

Niyakap siya ng asawa nyang traysikel drayber at hinalikan sa labi.

Sus maryosep ang aga aga.

"Happy Birthday, darleng" Sabi ng asawa Ni Aling Bebang.

Magkikiss na sana sila pero biglang lumingon yung asawa nya sa gawi ko. Kanda haba naman ang nguso Ni Aling Bebang dahil hndi natuloy ang halikan nila. Iwwwws.
Kunot na kunot ang nuo Ni Aling Bebang na Lumingon sakin.

"Oh Cheska? Andyan ka pala.." sabi at nawala na ang kunot sa nuo nya.

"Ah ou teh." Sabi ko. Kakawalang gana magsalita.

"Nga pala, punta ka mamaya sa bahay, Birthday ko kasi e. Regalo ko Cheska ah?" Sbai Ni Aling Bebang at nag aya ng umuwi.

Kaloka, nag request pa...

Napabuntong ako ng hininga...
Buti pa si Aling Bebang..., kahit Ganon ang itsura eh may lablayf, eh ako... Grabe ang unfair ng mundo ha.

eh ako kaya kailan mag kakaroon ng lalaking magmamahal sa akin? Phew.

Regalo? Hmmmm may naisip na akong ireregalo ko sakanya...







Naka uwi na ko ng  marinig ko ang pag tawa Ni Chesko. Agad Kong inilipag ang mga pinamili ko at agad na pumunta sa kwartuhan ko. Nadatnan kong gising na Si Pogs at chesko. Nabigla ako sa nakikita ko ngayon dahil parang bang ang tagal na nilang mag kakilala. Sa naabutan ko ay, nagkikilitian silang dalawa, nangingiti lang si Pogs habang si Chesko naman ay tawa ng tawa..

Sa unang beses nakita Kong ngumiti si Pogs...

Yung Genuine na Ngiti.

At dahil sa ngiti na yon, nakita ko ulit ang pantay pantay nyang puting mga ngipin. Hanggang ngayon, wala parin akong alam kung Sino ba talaga si Pogs..
At Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako makapag salita ngayon. Nagstay nalang ako ganung posisyon na tanaw ko silang dalawa dahil nakakatuwa silang pagmasdan. Nakakagaan lang ng pakiramdam Dahil nung mga nakaraang araw,  puro pag iyak Ni Chesko ang naririnig ko at nakikita...
Ngayon ay ibang iba.

Nang maramdaman nila ang presensya ko ay tumigil sila sa pag tawa at lumingon sa gawi ko...










"Ate ohh!! Nangingiliti si Kuya  Boyfriend mo." Pagsusumbong kunwari na Sabi Ni Chesko habang pinipigilan ang pag tawa sa kabila ng pagkikiliti saknya Ni Pogs.











Teffiemeow

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon