Pagkatapos kumuha ng pagkain, tumabi na ako saknila. Pansin Kong puro shanghai nalang ang natira sa Pagkain Ni Pogs. At Hotdog lang ang kinuha Ni Chesko sa isang Putahe sa handa.
Naku...
Pagkatapos kumain ay lumabas sila Chesko at Pogs, Doon din sa mga batang naglalaro sa Di kalayuan. Pabor din ako dahil pinagttinginan si Pogs kanina pa.
"Beh, ang gwapo nung lalaki na lumabas." Kinikilig pag sabi ng babae na nasa katabing table ko lang.
"Ou nga beh e, ngayon ko lang sya nakita dito. May Girlfriend naba yun?" Sabi pa ng isang babae.
Napa-tsk naman ako at fnlip ko pa hair ko. Sympre, proud ako.
Proud akong ksama ko ang Poging 'yon.
Kahit hindi nya ako girlfriend. Hays, ouch.
" Wala yan beh, wala ka naman nakita ng nakabuntot sakanya e." Sabi ng na unang girl na nagsalita.
Abah, nakabuntot talaga?! Bastos to ah.
"Hindi may ksama syang girl kanina, yung kapatid nun oh" Turo ng isang babae kay Chesko.
Oh well...
"Baka pinsan nya lang" Sabi pa ng babae.
Ako pinsan ? Sampal usto mo?
Lumapit na sa table ko sina Aling Bebang, Belinda, Jasmine At jesie.
Nalaman ko din na pamangkin pala ni Aling bebang si Jasmine.
"Tara shot tayo, girl's drink sympre" Sabi Ni Aling Bebang at may dumating na waiter na may dalang case ng Tanduay ice.
Hindi naman ako umangal since Tanduay Ice naman yon, 5% lang naman yan. Keribels ko yan. Tinignan ko naman sina Pogs at Chesko, mukhang hindi sila bored.
Ngayon ko lang napansin na dala pala ni Aling Bebang ang gift ko sakanya.
"Ano kaya laman nito?" naccurious niyang tanong.
"Buksan mo na Bebang, ng Malaman mo" sabi Ni Aling Belinda na naka isang bote na ng Tanduay. Ang bilis maubos. Naman ganun din pala si Jesie at Jasmine.
Ako nangangalahati palang..
Binuksan Ni Aling Bebang at Nakita nya ang 3 pirasong efficacent at 3 Panghilod.
"Bakit ito ang gift mo sakin Cheska??" Kunot na kunot na nung tanong sakin NI aling Bebang.
"Sympre, kailangan mo yansh esh bebang hahaha" Si Aling Belinda na ang sumagot.
Natawa na rin si Jesie at Jasmine. Ako naman walang kibo. Nararamdaman na ang epekto ng alak sa katawan ko..
"So Ate Cheska, sino yung guy na kasama mo?" Pagtatanong sa akin NI jasmine.
Siguro hindi nya ako nakita nung may kaaway siya nun dahil kay Taeh?
"Ah, kaibigan ko lang..." Sagot ko. Sabay inom ng Tanduay.
"Kaibigan O Ka-ibigan. Magkaiba yonsh Cheskash" Sabi NI Aling Belinda.
Hindi ako kumibo, dahil hindi ko naman alam ang isa sagot ko. Hindi naman ako girlfriend Ni Pogs e, paanong magiging Ka-ibigan?
Malabo atang mangyari yon. Mapait akong napangiti nalang, at binuksan ang Panibagong Tanduay.
Nakita ko namang nakangiti na si Aling Bebang, mukhang narealize nya ang halaga ng binigay ko sakanya.
Naka limang Tanduay na kami, halata na medyo lasing na kami. Umalis na SI Aling Bebang at Belinda at Nakisama sa kapawa nila oldies.
"*Hik* Hindi ko alam kung bakit ko minahal Si Taeh *hik*" Sabi Ni Jas. Agad naman kaming na patingin Ni Jesie.
"Totoo pala, kahit niloko ka na ng lalaki, kapag mahal mo, mangngibabaw yung pagmamahal hndi yung panlolokong ginawa sayo, ending, siya parin ang mahal mo. *hik*" Sabi pa nya.
Nakikinig lang kami Ni Jesie sakanya. Wala akong kibo, at wala rin akong balak kumibo. Naalala ko naman yung araw na Nahuli ko sa unang pagkakataon si Jeff.
Throwback
Pauwi na ko galing trabaho... Hindi ako nasundo Ni Jeff ngayon dahil marami raw syang papeles na kailangang tapusin sa office niya.
Naghihintay ako ng massakyan ng may pumaradang kotse. Nauna na kasi si Josie dahil sinundo siya NI cocaine.
Dahil hindi Tinted ang glass ng kotse kita ng kita ko ang nasa loob, si Jeff. Tatawagin ko sana siya nung lumabas sya sa driver's seat ng makita Kong may pinagbuksan siya, Lumabas doon ang isang babaeng maikli ang buhok, Maputi, makinis at mukhang mayaman.
"Thankyou, babe." sabi ng babae sabay halik sa Labi Ni Jeff.
Natulala ako habang unti unti ng pumapatak ang luha ko sa nakikita ko... Hindi ba dapat magalit ako? Sugurin ko yung babae? Pero bakit, bakit parang naka dikit naman ata yung mga paa ko sa sementadong kalsada na to. Habang papalayo sila ng mag kaakbay, unti unti namang nadudurog ang puso ko lalo na kung saan sila pumunta..
Nag explain si Jeff na kaibigan daw niya yung babaeng iyon at na broken lang, kaya babe ang tawag sakanya. Na galit ako oo, pero ilang araw lng ng panunuyo niya, bumalik ako saknya.. Dahil mahal ko siya....
Mapait akong napangiti.
At bumalik sa realidad."Yung kahit pa kitang kita mo na na niloloko kana, na may kasama syang ibang babae, yung gusto mo siyang sampalin dahil ang sakit sa mata ng nakikita mo pero wala ka paring kibo.. *hik*" Sabi pa Ni Jas. Nangingilid na ang luha niya.
Nakakunot ang noo ko..
" Sino ba nanloko sayo? "Sabi Ni Jesie na halatang langoy na rin sa alak.
" Si Taeh. Nakita ko syang may kasamang iba, kani kanila lang. Nag kiss sila. " Naiiyak na sabi Ni Jas.
Pambihira
Kahit panget pala, nagloloko. Tangena.
Tumayo na ako at nagpaalam. Mag aalas nuebe na ng gabi, nahihilo ako pero pinilit Kong tumayo. Inaya ko na si Chesko at Pogs na umuwi. Medyo antok na rin si Chesko kaya hndi na umangal pa. Pa pauwi na kami , muntik na akong matumba sa saan. Mas lalo akong nahilo dahil sa paglalakad.
"Ate, ayos ka lang." Pag aalala Ni Chesko.
"*Hik* Ayosh lang akosh, maunash kana sash bahay. Matulog kana." Sabi ko dahil ilang hakbang nalang nasa bahay na.
Inalalayan naman ako Ni Pogs.
"Thankyoush Pogsh, Pogi mo Talagash *hik*" Sabi ko at dhil maliit ang espasyo dito sa papasok sa bahay nmin dahil dikita dikit ang buhay dito, nakaka hawak ako. Natanggal ko pa ang isang harang ng kabilang bahay dhilan para makita ko ang mag asawang nakahubad naglalabing labing...
" Ayos yansh, Pasensyash nash.hhahaha *hik* Sana all" Sabi ko sabay suray suray na naglalakad.
Nang muntik nnaman akong matumba nasalo ako Ni Pogs dahil dun na out balance din siya dahil madilim sa paligid, Natumba kami sa damuhan..
Dahil sa liwanag ng buwan, lumiwanag ang paligid. Nakapatong na ako sakanya at nakadampi na ngayon ang labi ko sa labi niya...
Nanlaki ang mga mata ko. Literaaaaal!! Hindi ako mkahinga sa oras na to. Ohmagash, mas lalo akong namula ng makita kong nakatitig sa mga mata ko si Pogs.
Ilang segundo bago ako matauhan... Ramdam ko ang pangangamatis ng mukha ko, shemaaaaay!!
At dahil sa pangyayaring yun,
Natanggal ata ang alak sa diwa ko bigla akong tumayo sa kabila ng hilo at nauna na akong pumasok sa bahay namin...
Teffiemeow
