Hindi ako makatulog. At dahil doon, napabalikwas ako ng bangon habang ma lalaki ang butil ng pawis... Hindi ko alam kung bakit pero pawis na pawis ako. Nang makarinig ako ng kaluskos sa labas at yabag ng mga paa ay Agad akong bumangon. Nakita ko namang nagising din pala si Pogs at sinenyasan ko syang hwag mag ingay...dahan dahan akong sumilip sa bintana. At laking gulat ko na may nasa sampung lalaking naka itim ang nasa labas. Bigla akong kinabahan sa oras na ito..
B-bakit? B-bakit sila Nandito?
"Sigurado kabang Nandito?" Sabi ng isang lalake. Nakkinig lang akong mabuti. Maging si Pogs ay naka tingin na rin sa akin.. Ano nanaman ba to?
"Yes boss! Nalapitan pa nga ni Mae e, Hindi lang lapit. Nahalikan pa." Natatawang sabi ng lalaking nagsasalita.
Ang babaeng si Mae ay yung babaeng humahalik sa leeg ni Pogs nung isang araw. Agad naiyukom ko ang kamao ko.. At namumuo ang galit sa buong systema ko..agad naman akong hinawakan ni Pogs at tumingin ang mga mata nyang nangungusap. Dahil don, ay huminahon ako. Pero Nagsisimula nnaman akong mainis dahil hindi ko maiwasan... Ilang sandali lang ay mas nangibabaw na ang takot at dahil don Agad akong nataranta at binulungan si Pogs. Hindi kami pwedeng magistay dito dahil alam Kong may masamang pakay ang mga lalaki sa labas.
Wala akong tiwala sa mga pagmumukha nila.
"Tara na Pogs umalis na tayo dito." Pabulong kong sabi sakanya. Sa nanginginig Kong kamay, naghawakan kami Ng mahigpit Ni Pogs... dumaan kami sa likod. Dahan dahan at hindi gumagawa ng ingay... Mas Hinawakan ko pang mahigpit ang lalaking mahal ko..
"Wala rito sa loob boss!!" Sigaw ng isang lalaking nasa loob na ng kubo. Napabuga ako ng hangin. Mabuti nalang at umalis na agad kami...
"Nasa tabi tabi pa yan! Hanapin nyo!!" Galit na sigaw ng mukhang boss nila.
Bago kami makapasok sa naghahabang talahib ay may nagpaputok ng baril at sumigaw.
"Ayun sila oh!", Sigaw ng isang lalaki kasabay ng ilang putok ng baril.
"HABULIN NIYO!!" Sigaw ng isang lalaking mukhang leader nila.
Agad kaming tumakbo Ni Pogs. Hindi alintana ang mga matataas na damo sa aming dadaanan. Mabilis sobrang bilis na pag takbo na hindi alam ang patutunguhan..Dahil malalim pa ang gabi, at kagubatan itong tinatahak namin ay mas lalong wala kaming makita sa oras na ito. Kinakabahan ako sa oras na ito. Nag iinit pa ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan Kong umiyak. Hinde, hindi ng hindi kami mahuhuli. Makaka sama ko pa si Pogs.. Pagpapalakas ko sa sarili ko at mas lalong binilisan ang pag takbo. Dahil mahahaba ang bias ng lalaking hawak ang kamay ko ngayon ay madali at mabilis para sakanya ang tumakbo.. Medyo nakakalayo na kami saknila.. Dahil wala na akong makita ng ilaw na rumoronda sa paligid.
May pumutok nanaman na baril papalapit pa rin iyon sa amin. Ibig sabihin, hinahabol nila kami.
Bakit? Bakit ako... Bakit ako ang hinahabol nila. Bakit ako ang ginagantihan nila? Wala naba talaga akong karapatang sumaya? Mas lalo Kong hinigpitan ang hawak sa kamay ng lalaking kasama ko.
Dahil sa sobrang dilim ay nasabit ang isang binti ko sa matulis na bagay napaaray pa ako, kinapa ko ito at naramdaman kong dumugo.. Iika iika pa akong tumakbo.
Dahil ma bagal ako, binuhat na ako Ni Pogs.
Muntik na kaming mahulog sa bangin kung hindi naka hawak si Pogs. Muntik pa akong mapasigaw dahil sa lalim ng bangin na iyon.. Eto na pala ang hangganan ng gubat na to. Agad Kong tinakpan ang bibig ko para hindi maka gawa ng ingay. Nakita ko sa mukha Ni Pogs ang pag aalala at takot..Ako rin natatakot pogs....
Nakarinig na kami ng mga yabag ng paa. Tumingin kami sa paligid. Hindi pwede, hindi pwedeng dito lang magtatapos ang lahat. Tumingin tingin kami sa paligid..
Nagpadulas kami habang naka hawak sa puno. Napapikit ako sa lalim ng bangin.. Agad hinwakan Ni Pogs ang kamay ko kaya binilisan ko na ang kilos. Agad kaming nagtago sa mukhang pinaglagyan ng malaking bato sa gilid ng bangin.. Msyadong malaking lalaki si Pogs kaya hindi kami nagkasya.. Napawi ng kaunti ang kaba dahil nakayakap sa akin ang lalaking mahal ko.. Pero Mas Lalo akong nanginig ng palapit ng palapit ang yabag at ang ilaw na ginagala nila sa paligid..Hinawakan ko si Pogs.
"Mag hiwalay kayo! Siguraduhin nyong makikita niyo sila! Halughugin niyo lahat ng damuhan wala ng mapupuntahan yan dahil bangin o ilog lang ang labasan ng gubat na to. Dalian niyo!!"
"Yes bossing!" Sagot ng mga tauhan niya at nag hiwalay na.
God, please. Iligtas niyo po kami Ni Pogs ngayon. Gusto ko pong makasama ang lalaking ito, hindi lang araw araw kung hindi habang buhay.. Kahit ito nalang po ibigay niyong swerte sa akin... Ngayon lang ako magging makasarili.. Ngayon ko lang iisipin ang sarili ko.. Umiinit ang sulok ng mga mata ko.
Nanghihina na ako at mas lalong nanghihina ako dahil sa mga dugong nawala sa binti ko.. Naramdaman ko naman na hinalikan ako Ni Pogs para kumalma ako.. Hinalikan ko rin siya para iparating na Nandito lang ako sa tabi niya."Wala boss!" sabi ng mga lalaking tauhan niya.
Napahinga ako ng maluwag. Please umalis na kayo. Sabi ko sa isip ko habang nakapikit.
Naka rinig ako ng mga ilang putok ng baril, dahil sa Inis na sinasabi ng boss nila. Nakarinig naman ako ng yabag ng mga paa papaalis.. Sumilip ako at naka hinga ng maluwag ng makitang papaalis na sila...Tinignan ko ang lalaking mahal ko at binigkas ko na walang tunog sa bibig ko ang salitang 'I love you'.
--
W/N:Uy, naka hinga siya ng maluwag.
Teffiemeow