Nakasakay na kami sa jeep.
Huling sumakay ang lalaking maputi at matangkad pero hindi gaanong kita ang knyang mukha dahil sa sumbrero. Malapit lapit na daw kami sa divisoria ayon kay Josie.Nasa tapat ko siya, naka upo kami sa dulo. Napansin ko malayo ang tingin niya... Pinasa dahan ko ang kabuuan niya,
Mukhang mabango,
Mukhang mayaman,
Mukhang mapera,
Mukhang masarap...
Chareng lang yung masarap.. Habang pinpasadahan ko siya napahinto ako dhil nakahalata nya palang nakatitig ako sknya pa simple naman akong umiwas ng tingin.. Uhhh.
"Pst, ikaw ha... Tumitingin ka sa iba, pinagpapalit mo na SI shaybu," Bulong ni Josie na may pagka malakas naman.
Binatukan ko siya.
Hindi ako makapag mura dahil nakakhiya naman sa poging ka harap ko... Well, nasa Manila tayo, maraming pogii....
Nakkaa turn off naman Diba if Malamang nyang nagmumura ako. Haaakhak.Tumngin ako sa harapan. May naka paskil doon na huhugot ka bago ka makakababa. May pinagdadaanan si Manong Drayber?
"Manong, hanggang dito nalang Po. Hindi ko na kaya.." Sabi ng baklang estudyante ng Feu. Hininto na ni Manong drayber habang natatawa. Nagtawanan ang mga ibang estudyante ng Feu bago bumaba.
Hala required nga! Kaloka
Sunod na bumaba ang tatlong magkakaibigan na may edad na..
Siguro, hndi to huhugot . Hindi uso saknila ang hugutan e.Pero nagkamali ako..
"Manong, Dyaan lang sa tabi.. Baka malagpas ako mapunta pa ako sa iba. Sa ibang puso ng lalaki dyan." Nagtawanan silang tatlo at nagsibabaan na.
3 nalang kaming natira ako si Josie at ang lalaking katapat ko.
Bababa kami malapit sa 168 mall para konting lakaran naman sympre. Medyo madami ang tao. Makkita mo ang pag babago ng Divisoria, may mga kapulisan at maluwag ng espasyo sa daan... Namamangha akong na patingin sa mga tinda mula sa Bags, shoes, damit at iba pa...
"Manong!" Sabay kaming nagsalita ng lalaki. Agad naman huminto sa babaan ang drayber.
"Oh, sino unang huhugot ." tanong Ni Kuya manong na naka tingin sa rear view mirror.
Nauna ng nagsalita si Kuyang naka cap.
"Ayaw ko man itigil to dahil nasisiyahan ako, pero kung hanggang dito nalang talaga, hanggang dito na lang. Hindi ko na ipipilit pa." Sabi ni kuya. Na patingin siya sa akin bago siya bumaba..
Ganito ba talaga pag pupunta kang Divisoria?
"Manong, Huwag na nating ipagpatuloy to dahil kahit anong saya may hangganan naman." Sabi ko sabay baba na. Kaloka talaga..
Pumunta na kami at hinanap namin ang Bldg kung nsaan si Mr. Ching. Kanda ligaw kami at lagi kami tumitingala para makita ang no. ng bawat tndahan. At sa wakas, nahanap na rin namin.
Mr. Ching Ching Clothes.
Haeop.
Agad kaming pumasok. Walang ka tao tao. Medyo nangati naman ang braso ko na para bang may libag ito. Kinamot ko ito. Wew.
"Mukhang wala naman tao, Cheska." Sabi Ni Josie habang nililibot parin ang tndahan Ni Mr. Ching Ching.
Nangati naman ulit ang braso ko, kakairita na. Tumingin naman ako sa gawing kaliwa ko at nagulat ako na may naka tayong lalaki pala doon.
"Hello, Po nasan Po si Mr. Ching ching" Sabi ko. May naamoy akong pamilyar na amoy...
"Bakit ako hanap mo? " sabi Ng lalaking kaharap ko. Pinasa dahan ko siya,
.Maliit na lalaki,
Malaki ang tyan,
Sympre. Singkit.
Nangulangot siya sa harapan ko. Pambihira. At naglakad patungo sa upuan niya.
"Kayo tauhan Ni Adbul Rebulvol?" Sabi niya sabay tapon ng ginto mula sa ilong nya sa kung saan.
Kaya pala, medyo malagkit. Yun pala yun.
Abdul Rebulvol ang pangalan ng amo naming bombay.
"Oho" Si Josie ang sumagot. At may pinakita sya at nakuha na namin ang mga damit na ukay. Hindi Ganon ka bigat, naka bag ito at tig isa kami Ni Josie.
Pinagmadali ko si Josie dahil hindi ko na kaya pa. Mamamatay ako sa naaamoy ko, Jusq wala pa akong asawa. Kaya hindi pwede mangyari yon..
Agad naming hinanap Ang foodcourt. Tumingala ako para makita ang floor kung nsaan ang food court.
6th Floor Food court.
Kahit na masama ang loob ko dahil pang 6th floor ang food court no choice ako. Walang makakainan sa labas na mura mura. Nag lakad at nag escalator na kami NI josie. Sa bawat pag akyat namin, napapamura na kmi. Hindi ko na kaya pa ang gutom, at sa wakas nakarating na kami Ni Josie sa 6th floor.
Kanda hingal kami ng luka...
Hindi kami nagsalita at iniisa isa namin ang mga kainan dito.
"Dun tayo, Cheskaaaa! Mukhang masarap oh" Turo niya sa menu. 55php Teriyaki.
Wow! Mas mura sa giniling na walang itlog, Teriyaki pa! Agad Kong naalala ang giniling na 55pesos na walang itlog...
Agad kaming umorder,
Eggcited na naupo kami sa bakanteng upuan..
Habang kumakain, may tumabi samin sa table since pang anim na katao ang pwede dito.Nagulat ako na ang lalaking tumabi ay yung lalaking nasa Jeep.
"Hi! Can I join here puno na ibang tables e if okay lang" Sabi niya sabay upo at subo na rin after buksan ang pagkain na binili niya.
--
W/N:
Sorrna sa corny updates! Haha :)) 🥴
Teffiemeow ~
