Lumabas na kami sa Restaurant na yon. Dala dala ko ang take out na inorder ni Jeff. Naglalakad na kami ngayon dito sa intramuros.. Tahimik kami parehas. Walang umiimik simula nung matapos kaming kumain. Grabe, awkward.
", Ano nga ulit yung sasabihin mo Jeff?", Tanong ko kay Jeff. Sympre ako na unang nagsalita kakahiya naman sympre no pinakain niya ko at may take out pa tapos ako pa magpapabebe? Wag ganun.
",U-uh what do you call this? Uh, i-i just need someone to talk to, that's it. ", Sabi naman nya habang may kaunting oag uutal at ibinaling nalang ang tingin kung saan.
Nakatitig naman ako sakanya. Sa itsura niya ngayon ay mukhang malaki ang problemang dinadala niya. Base sa kanyang mga mata na mukhang walang matinong tulog ng ilang araw at may eyebags din siya..
Agad naman akong napa ismid at na patingin siya sakin.
",Tsk yun lang naman pala, okay lang sakin kung kailangan mo ng kausap. Basta ba libre mo pagkain kasi mahirap ng usap nang usap walang kinakain nakakapagod yun.", nakangiti kong sabi sakanya at na pangiti naman siya ng bahagya.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.. Yung yakap lang na magaan. Hinayaan ko siya sa oras na ito.
",Salamat Cheska at sorry sa mga nagawa ko sayo", Sabi niya malapit sa tainga ko. Bulong man niyang sabihin malinaw sa akin na nagsosoryy siya sa lahat.
Sa klase ng pag sosorry niya malalaman mong sinsero si Jeff.Tinapik ko naman ang balikat niya. "Okay lang yun, hayaan mo na past na kalimutan nalang naten mga nangyari", sabi ko habang tinatapik tapik pa ang balikat ni Jeff.
Kahit naman ganoon ang nangyari, ayokong maging masama kay Jeff ayoko maging bitter at ayokong mag tanim ng sama ng loob habang buhay. Base sa nangyayari ngayon, alam kong pinag sisihan niya lahat ng kasalanan niya sa akin. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Gasgas na pero may mali din naman ako, dahil hindi ko kayang ibigay sakanya ang pangangailangan niya bilang girlfriend noon.
Napangiti ako ng mapait sa oras na ito, ng maalala ko kung sino ang pinag bigyan ko nito. Ayaw ko ibigay kay Jeff pero bakit kay Pogs na ibigay ko ng walang alinlangan?
",Ang tanga tanga ko", sabi ko habang nangingilid ang luha ko.
Lalo namang humigpit ang yakap ni Jeff. At hinamplos niya ang likod ko ng marahan katulad ng dati niyang ginagawa sakin kapag umiiyak ako dahil sa problema at siya ang daingan ko noong kami pa.
",I'm sorry, i really do. Please, just give me a chance to bring your trust again in me.", Sabi niya habang kumawala siya sa pagkakayakap sakin.
Pinunasan ko naman ang luha ko. Nakakatawa. Akala niya siguro, siya ang dahilan. Hindi ko na siya kinontra dahil tamad na tamad akong mag explain ngayon ng nararamdaman ko. Bukod don, naging tanga naman ako sakanya noon kaya hinayaan ko ng mag react siya.
Hindi naman ako kumibo sa sinabi ni Jeff dahil naalala ko nanaman ang lalakeng iyon. Punyeta, kailan kaba mawawala sa isip ko pogs.
",Cheska." Tawag sakin ni Jeff na nakapag bigay ng atensyon ko sakanya.
", It's okay hindi muna kita bibiglain.. Just just please let me do it... Gusto kong magtiwala ka ulit sakin, yun lang kahit hindi mo na ako balikan. Okay lang dahil gago ako alam ko yun.", Sabi niya sa harapan ko.
Hindi parin ako kumikibo sa oras na to. Hinayaan ko lang mag drama si Jeff sa harapan ko gayong hindi naman siya ang dahilan ng lungkot sa mukha ko. Medyo assumero siya sa part na yan ha.