Naglalakad na ako papunta sa poging naghihintay sa akin ngayon....
Dahan dahan akong naglalakad,
Feel na feel ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan...
Inayos ko ang buhok ko na napunta sa mukha at inilagay iyon sa likod ng tenga ko.
Kekendeng kendeng akong pumunta sa likod ng lalaking nakaupo ng nakatalikod sa akin..
Lumiyad ako, dahil hndi ko akalain na naghihintay sya sa akin..
Pinagtitinginan na ako sa oras na ito.
Pero, don'tcha keyr about them. Tinaas ko lang ang kilay ko at hinawakan ko sa matitipunong balikat.....
Matitipunong balikat?!
Ba't parang buto na tong nahahawakan ko??
Agad na hinawakan ng lalaking hnawakan ko ang kamay ko. Agad akong napaigtad...
Dahil magaspang ang kamay na yon.
"Cheska!" Sabi ng lalaking humarap na sakin ngayon.
"Shaybu?!!!" gulat na sabi ko sabay tulak sa kanya dhilan para mamuntik na syang masubsob sa semento ng kalsada. Bat magkaparehas sila ng damit Ni Pogs?!!
Uh, nang maalala ko na galing din palang ukay ukay yung dmit Ni pogs. Napabuntong hininga nalang ako. Hays.
"Nasan si Pogs?!!!" Tanong ko saknya. Agad nmn syang tumingin sa akin.
"Hindi ba ako ang hnahanap mo?" Tanong niya pa.
Abah!
"At baket kita hahanapin?!" Nakukunot Kong noong sabi Kay shaybu.
"Malay ko ba, baka kase namimiss mo na ako e.." Sabi nya sakin sabay kindat.
Hayup!!
Hindi na ako sumagot pa baka maitulak ko na sya para ipapipi sa mga truck na dumadaan... Mahirap na! Nag iinit na ulo ko baka hindi ko sya matansya!
"Cheska, Pero Hinawakan mo ko..." Bakas sa tono Ni Shaybu ang Kilig, saya at lambing.
Anak ng puchang gala.
"Ano naman kung hinawakan kita?!!" Medyo napataas na ang boses ko. Dhilan para magtinginan ang mga tong dumadaan sa amin.
At may biglang tambay ang lumapit kay Shaybu at tinapik tapik ang balikat niya..
"Pre pag usapan nyo yan ng Girlfriend mo wag dito kasi pinagttinginan kayo, yun lang.." Sabi at sabay alis nito.
Wow. Girlfriend.
Hindi na ako nag react dahil concern ko ngayon si Pogs. Nakita ko namang nakatulala Si Shaybu habang nagising ngisi sa narinig niya. Sige ngumisi kang Tang ina ka, mag assume ka.
Nag lakad akong muli...
Nasan naba kasi si Pogs? Sabi ko hwag aalis dito e. Medyo kinakabahan na ako sa oras na ito.....Nang ilang lakad lang ay nakita ko siyang nakatayo sa isang store ng mga instruments. Nakatitig siya sya sa Drums at Gitara. Hindi niya alintana ang mga babaeng naka titig habang kinikilig sa knya...
Binilisan ko ang pag lakad para lumapit kay Pogs. Agad namang sumimangot at hindi nakaligtas sa mata ko ang pag titig ng mga babaeng kinikilig kanina saknya. Agad ko namang tinaas din ang kilay ko at umalis sila.
"Sabi ko hwag ka aalis dun e... Diba pramis yun?" Napangusong sabi ko saknya. Agad naman syang lumingon sa akin.
Wala syang kibo. Mukhang napipi na nga sya haaaay.
Hinila ko na siya at naglakad na. Tirik ngayon ang araw kasi magtatanghali na.. Nakaramdam naman ako ng gutom at since na advance ko sa amo Kong mabaho ang sahod ko ay it treat ko ngayon si Pogs.
"Tara kain tayo Pogs, Sa karinderya lang tayo ah Pasensya kana..." Sabi ko sabay punta na sa Karinderya.
"Anong ulam?? O kanin nalang oorderin mo Ghorl kasi may ulam kanang kasama hahahaha" Sabi ng baklang nasa harap namin ngayon. Titig na titig sya kay pogs.
Titig na malagkit.
Hindi ako sumagot. Tumingin pa ako ng ulam..
"Magkano tong Pork Stake?" Tanong ko.
"65 without Rice" agad na sagot ng bakla. Pero Hndi sakin ang tingin.
65?! Ang mahal naman!!
"Eh etong Giniling?" sabi ko.
Halatang irita na sya sa pagtatanong ko... Dahil nagpapacute siya Kay Pogs ay pinipigilan niya ang galit niya... Siguro kasi baka tumalsik yung pustiso niya. Kinaganda mo yan?! Tsk.. Si Pogs naman ay walang pakealam at naka tingin lang sa kung saan.
"55 pero kapag with egg.... 65" Malanding sabi ng bakla. At sympre hindi naka tingin sa akin.
May pagdidiin pa sa egg nung sinabi nya,
Lintek na yan, iba price ng itlog. Ano silbi ng giniling kung walang itlog?!
Eh.... Kung itlogan ko kaya baklang to?!!
"Eh yang kasama mo magkano?" sabi ng bakla habang titig na titig parin ng malagkit kay Pogs ngayon. Muntik ng matagal ang pustiso niya kaya napahawak siya ngayon sa bibig niya. Bumili ka muna maytiban para malapit ngipin mo bago bumili ng itlog ng lalake. Gago!
Nakaramdam na ako ng Inis at hindi na ako makapag pigil.....
"100, pero kapag may itlog 150!! " Sabi ko sabay alis at hinatak na si Pogs. Naiwan namang speechless ang baklang yun.
---
W/N ;
Rainy Updates meowieesss!! Sobrang busy sa Thesis, masakit sa brain e. Bawi nalang ako. Thankyouuu sa nagbabasa, <3 <3