Chapter 36

8 0 0
                                    



























Ibinilin ko naman si Pogs kay ka-berting, may tiwala naman ako sa matanda kahit papaano. Pumasok na ako ng trabaho ko, naka jacket ako ngayon at jeans. Dumaan ako sa short cut at hndi sa kalsada. Lumingon ako, at may dalawang lalaking bigla nalang nagtago. Huli kayo balbon.
Nag madali na akong mag lakad, dahil short cut'an ang dinadaanan ko ay halos walang katao tao. Nagtago ako sa isang gilid..

"Nasan na yun pre?" Kita ko ang isang kalbo na nagsalita. Tumingin tingin siya sa paligid maging ang kasama niya..

Pa lapit na ang isang lalaki sa pwesto ko.

"Lumabas kana dyan miss, wag mo ng patagalin to dahil hndi ka makaka alis sa lugar na to."
Sabi ng kalbong lalaki. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa gilid ako ng umaagos na kulay itim na tubig.. Nagulat ako ng nasa gilid ko na ang lalaking kalbo. Nanlalaki ang mga mata ko napatitig sa kanya at pumikit... Ang malas ko talaga. Sabi ko at tinanggap na ang mangyayari.









Nang biglang hinatak ako ng isang lalaki sa kanan ko kaya bago siya makalingon sa gawi ko ay wala na ako sa pwestong yon.

"Paano nawala ang babaeng yon? Wala ng lusutan dito peste! Patay nnman tayo kay boss neto!" Sabi nya sabay kakamot kamot sa ulo nyang kalbo.

Boss?



Kaya mas pinili Kong umalis dahil sa ganito. Sabi ko nga minsan manhid ako pero Hndi ako tanga para hindi sila mahalata na lagi silang na kasunod sa amin. Ayoko ng madamay pa si Chesko dahil ayoko na maulit ang pangyayaring yon. Nang dahil sa utang Ni tatay ay baka hndi na magtagal ang buhay namin.. Pero Hndi ko parin maunawaan kung ano ba talaga ang nangyayari.

Agad bumalik ang isip ko sa reyalidad. At nanlaki ang mga mata..

"hwag mo po akong saktan kuya" Sabi ko dahil naalala Kong may humatak sa akin kanina lang.. Nakatayo siya sa gilid ko, Dahil naka itim din syang jacket at may sumbrero nga lang.

"Of course, not." Sabi niya. Napatunganga naman ako sakanya. Sino ba ang lalaking to??

"Stay safe and by the way, take good care of him." Sinabi niya sabay alis na lang.

Huh?

Hinabol ko siya dahil matangkad siya at mahahaba ang bias niya, naka rating siya sa motor niya, sumakay at humarurot paalis. Anak ng tokwa. Ni hindi ko man lang nakita mukha niya O nalaman man lang pangalan niya. O nakpag pa salamat man lang hays. Pero, teka? Bakit parang pamilyar siya? Nakakunot ang nuo kong naka tingin sa kalsadang tinahak niya. At may narealize,

"Take good care of him?" Ulit ko pa sa sabi niya. Si Chesko?.... Si Pogs.

Umalis na ako sa lugar na yon... Sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Haays.

Hindi muna ako dumalaw kay Chesko dahil mahirap na dahil sa nangyari at hindi ako naka pasok. Paano na ang pagkain namin Ni Pogs? Kung hindi ako papasok, wala kaming pagkain. Kung papasok ako, baka makita naman ako ng mga lalaking may utang kay papa. At bakit kasi kami ang hinanahanap ng mga yon? Sobrang sakit tuloy ng ulo ko... Pero Hndi yon naka bawas sa ganda ko, chaaaaarness.

Bago ako umuwi bumili ako ng spaghetti at shanghai... Malapit na ako sa bahay ng  nakita ko ang mga babaeng kinikilig agad Kong tinignan kung ano ang tinitigan nila at kung bakit sila kinikilig. tinitignan nila si Pogs na nagsisibak ng kahoy.

At ang hinayupak, naka top less pa!

Nakaramdam ako ng inis. Nag ehem ako at bigla namang sumimangot ang mga babae at umalis na. Tinaas ko naman ang kilay ko, chura nyo!

Agad namang tumigil si Pogs at pumunta sa akin.

"Oh meryenda mo, kain kana lang dyan." Sabi ko sabay iwan ng plastic na naglalaman ng Spaghetti at Shanghai. Nakaka inis.

Pumasok ako sa bahay at nagulat ako ng may isang cavan na ng bigas at groceries.. Napansin kong may bago rin kumot, unan at mga damit.

"Teka, kanino galing to?" Hindi ako lumilingon kay Pogs kahit nagtatanong ako as usual wala paring sagot.


Pero di bali na, nag papasalamat ako na may nagbigay sa amin. Nagluto na ako, napadali ang pagluluto ko dahil sa gas na pinadala..

"Kumain kana", sabi ko kay Pogs ng hindi tumitingin. Agad akong nahiga at pinikit ko na ang mga mata ko.

Nakaka inis.

At mas nakaka inis pa, hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
Nagulat naman ako ng may brasong yumakap sa akin.. Napaigtad pa ako dahil sa gulat at pag lingon ko, ang mga mata Ni Pogs ang sumalubong sa akin.















--

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon