Itinihaya ko ang lalaking humingi ng aking tulong..soz maryosep naman kase pumunta ko sa ilog para mawala mga kadramahan ko sa buhay at para mkpag relax, umiyak Ganon!! tapos eto maaabutan ko???
Kanda utot ako para lang mahila siya kasi ba naman ang laking lalaki niya, sa akin pa talaga siya humingi ng tulong ah haaays,
Natulala ako sa mukha niya,
Jaw line? Wooow,
Nose? Woaah, ang tangos,
Lips? Raaaawr! Ang pula.
At dahil nahhirapan siya huminga, kahit papa ano hindi ako boba katulad nang ibang babae,
Alam Kong cpr kailangan neto!!!!
Alam ko..
Ibinuka ko ang bibig niya,
Ipinikit ko ang aking mga mata,First time ko itong ggawin gassssh!!!
Nilalapit ko na ang aking mukha para icpr siya, habang feel na feel ang pagpikit ng aking mga mata,
Idinilat ko ang mga mata ko para icheck kung malapit naba ang mukha ko sakanya...
Nang manlaki ang aking mga mata ng makitang
NAKADILAT SYA.. O__o
Dali dali Kong tinanggal ang kamay ko at lumayo ako sakanya.
Usad ako ng bongga,!!!
Ubo siya ng Ubo ng bongga,
Nang tumigil na siya kakaubo, lumingon siya sa aking harapan,Nakasuot siya ng longsleeve na dark green na may neck tie na halos mahubad na, At naka slock siya na kulay itim.
Nakasuot siya ng Seiko watch.
Naks, Mukhang yayamanin si mayor ah.
"Where am I? " tanong niya sa akin. Tumitig siya sa akin,
Napansin niya atang nakatanga lang ako sakanya kaya Tumitig siya sa cute Kong mukha.Chaaaaaaarnessss!!!!!
Napansin Kong nakatitig na sya kaya napa-ehem ako.
Ano nga ulit yung tanong Ni Pogi? Marry me?? Hakhak.."I do" nasabi ko nalang.
Napataas ang kilay Ni koya mo.
At Tumitig ng Are-you-crazy? look.At Tumitig siya sa paligid, Mukhang hndi niya nga alam kung nasan siya. Pumipikit siya at paniguradong iniisip niya kung ano ang nangyari sakanya.
Mukhang okay na naman siya. Kaya nagpaalam na ako sakanya.
"Ah, okay kanaman na, kailangan ko ng umalis, may pasok pa ako e" pagpapaalam ko sakanya.
Tumingin lang sya sa kin at lumakad na ako papaalis.....
"Why are u late?!!!!" sigaw sa akin Ni Boss. Napapikit ako hindi dahil sa natatakot ako,
Napapikit ako at hinawakan ang ilong dahil ayokong maamoy ang kanyang karumaldumal na amoy.
"Tumambay sa ilog at nakakita ng poging basang basa" sagot ko.
"Ha?! Anong sabi moeee?!" galit na hiyaw ng boss ko. Lumalabas na ang ugat sa noo niya,
Paktay ka Cheska,
Bakit kasi nichika mo pa sakanya e alam mo nmang bitter yan.
"Este, traffic Po kasi boss"
Nakayuko Kong sabi.Hihimas himas ang boss Kong arabo sa knyang matigas na buhok na walang ligo mga ilang araw na. At Kikibot kibot ang kanyang labi.
"GO! GET OUT OF MY SIGHT" sinabi niya.
"Wow" sabi ko.
Kinalampag niya ang lamesa niya.
Dali dali akong lumabas ng pinto at isinara na agad ito.
Hays, pagka labas ko nakasalubong ko si Josie, ang ksamahan ko na tindera dito. Pawis na Pawis na sya, halatang madami kaming costumer ngayong araw,"Pasensya kana Josie ah, may nangyari kasi e" sabi ko kay Josie.
Namilog ang kanyang mata.
"Ha? Meron?" Gulat nyang sabi.
Nagtaka ako sa expression ng mukha niya,
Hindi siya nagagalet? Hekhek.
"O-Oo, hndi ka galit sakin? " Nasabi Ko ng patanong na may pagtataka.
Hinawakan naman Ni Josie ang aking mga kamay.
"Naiintindhan kita Cheska, katulad mo may nangyari rin ngayong araw" sabi Ni Josie ng may ngiti sa kanyang labi.
Sasagutin ko na siya ng biglang may dumating,
"Josie, hanap ka ng jowa mo!" Sabi Ni Eusebio. Habang tumalsik talsik pa ang laway, Si Eusebio isa smga tambay sa kanto..
May lalaki sa labas na matangkad na lalaki, maputi, mataangos ilong, at Mukhang mayaman.
"Pupuntahan ko lang jowa ko ah, kaw na bahala kay sir, saglit lang" sabi sa akin Ni Josie sabay kindat.
Nakaka inggit naman si Josie may lalaking nagmamahal sakanya na Pupuntahan sya sa trabaho, plus Mukhang yummy at mayaman pa. Smantalang ako, wala single. Katulad pa Ni Shaybu ang naghahabol, hays.
Pero cute naman hihihihihi...
Hndi ko pa na meet ang jowa niya kaya tumingin ako sa labas,
Agad na humakbang ang lalaki ppunta sa direksyon Ni Josie,Kekendeng kendeng naman tong si Josie,
Nyemas!
Pasabunot girl, ang gwapo NG jowaaa mo!!!
Nagulat ako ng lumagpas ang lalaking gwapo at tumingin sa mga damit. Nakita ko namang may kayakap na si Josie at saktong nagkiss sila.
Na payat na lalaki,
May malaking mga mata,
At
Bungi.
Napangiwi ako sa nakita ko.
Soz, maryosep!
Kung alam Ko lang na kalahi pala NI Shaybu type niya edi sana nireto ko si Shaybu sakanya.Napailing na lang ako...