Chapter 24

8 0 0
                                    






























Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Josie. Naku, mukhang delikadong magsama sama ako kay Josie pagkatapos ko Malaman na may balat pala sya sa pwet. Sabi ko na nga ba e.

Alas tres palang ng hapon. Mabilis ang naging byahe namin dahil wala pang halos traffic. Naghanap ako ng spaghetti At shanghai, nung makahanap ako agad akong bumili. 3 balot ng spag at 6 na pirasong shanghai.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa terminal ng traysikel..

"Oh my god, this can't be happening!" Usal ng isang babae.

Hindi ko na pinansin ito, dahil nagmamadali akong maka uwi para maka meryenda na sila Chesko at Pogs.

"Hey!"

Patuloy lang ako sa paglalakad.. Nang hawakan ako mula sa likod ko ng kung Sino. Agad akong lumingon sa likod at nakita ko ang babaeng may mala - porcelanang balat, sobrang Kinis na nagnining ning dahil na rin sa sinag ng araw, matangos ilong inshort. Maganda.

"Can you help me, Please?" Sabi ng babaeng kaharap ko. Napaka mot ako sa ulo ko, ano ssabihin ko dito? Abah naman talaga englishera pa nanghihingi ng tulong...

"Uh, why? What happened?" Balik Kong tanong. Wow, sa 4yrs Kong hayskul may natutunan pala ako hahaha.

"Eh kasi nasiraan ako ng kotse, I don't know any vulcanizing shop here dahil firstime kong napunta sa lugar na to, can you find me a  vulcanizing shop? I can't contact my friend in an hour now.." Naka kunot nuong sabi ng babae habang nagtitipa parin sa cellphone nyang Di tatskrin.

Oo, Di Tatskrin at may logo na mansanas sa likod.

Napabuntong ako ng hininga. Tinignan ang kotse niyang mukhang milyon ang halaga.
Sinabi ko lang maghintay siya at nagtanong kung saan my  malapit na vulcanizing shop. Nagtanong ako sa mga traysikel drayber ng saan vulcanizing shop meron at tinuro ko ang kotse.

Nag usap naman na hatakin nalang muna ang kotse papunta sa vulcanizing na exclusive lng for a car na katulad ng meron siya. Binayaran niya ang mga traysikel drayber, halos lumuwa ang mata ko sa inabot niya na tig-10k ata ang dalawang drayber.

Inaabutan nya  ako ng pera ngayon, nakatulala lang ako sa pera. Grabe, hindi ba siya nanghihinayang man lang sa pera??

"Hindi na, anu kaba okay lang yun. Maliit na bagay," Sabi ko habang tinatanggihan ang pera pero naka tingin ako sa perang hawak niya. Kaloka.

Kinuha niya ang palad ko at nilagay ang pera.

"This is for your kindness kaya tanggapin mo na." Nakangiti niyang sabi. PeroAgad ko namang binawi ang kamay ko na oki nagulat niya ng bahagya.

"Naku ate, okay lang talaga.." Ngumiti na ako at tumalikod na.

Natatandaan ko pa ang sabi Ni nanay sa akin noon.

Kapag gumawa ka nang mabuti, huwag kang manghingi ng kapalit dahil ang tunay na mabuti, tutulong pa rin kahit walang balik saknya.

"Hey! Girl" Habol na sabi ng babae. Muntik pa syang matipalok dahil naka heels siya.

"Okay then, kung ayaw mong tanggapin ang bayad ko sayo bilang pagtulong, can you tell me your name?" Sabi niya habang nakangiti. Nakita ko naman na naiinitan na siya kaya sinabi ko na rin,

"Zia Cheska," Sabi ko.

"I am Serenity, nice to meet you," Sabi niya habang nilahad niya ang kamay niya. Kahit nahihiya ako dahil mukhang malambot at matigas naman ang kamay ko, nakipag kamay na ako kahit saglit lang.


"Bye, I hope that I can see you soonest!" Sabi niya sabay sakay niya kotse niya.













Ako naman ay sumakay na sa traysikel at umuwi na.
Agad Kong hinanap sila Chesko at Pogs. Naabutan ko silang nakikipag harutan sa Pusa sa kwartuhan Ni Chesko.

Pusa?


Talon ng talon ang pusa at nakiki pag harutan din ito. Biglang tumigil ang pusa at parang may naamoy na pagkain. Agad itong nag meow. Napagtanto ko na pagkain nga pala ang dala-dala ko..

"Ate!" Sabi at biglang tayo Ni chesko. Agad Kong inabot ang dala Kong pagkain. Napa wow pa siya dahil may damit pang kasama.

"Salamat ate" Sabi niya sabay hug sakin. Kumuha naman siya ng plato at tinidor at bumalik agad.

"Bakit may pusa na Chesko?" Tanong ko sa kapatid Kong nilalantakan na ang spag. Maging si Pogs ay kumain na rin.

"Eh ate kawawa naman eh, narinig Kong nag meow siya sa damuhan kaya pinuntahan ko, tapos nagulat ako kinuha naman Ni Kuya Boyfriend mo ate yung Pusa. At ayun na" Paliwanag Ni Chesko habang may laman ang bibig.

Narramdaman ko namang namula ako sa nadinig Kong damuhan. Lumikot ang mata ko at umiwas ng tingin. Pero ang ending, napatingin ako kay Pogs, na kumakain na ngayon ng Shanghai.
Tinignan ko ang pusa, medyo may kapayatan na ito at madumi. Hindi sa ayaw ko mag alaga ng pusa, nag aalala lang ako na baka itapon siya Ni Tatay. Hays.





"Si Tatay umuwi ba?" Tanong ko kay Chesko at naupo na rin. Abah, nangangawit din ako.

"Opo ate kanina, may mga kasama ngang lalaki e, na diko kilala" Sabi Ni Chesko.

Sino naman mga lalake na yon?


"Tiaka ate narinig ko na dapat ng dalian. Tapos parang galit si tatay sumigaw siya kanina sa Inis tapos umalis na rin"


Napakunot naman ang noo ko, ano kayang meron?

Kinakabahan ako, magtatanong na sana ako ulit ng magsalita ulit si Chesko.

"Hwag ka mag alala ate, hindi siya nakita," Sa sinabi ito Ni Chesko doon ako naka hinga ng maluwag...

















Nakita ko namang kumakain na rin ng spaghetti ang Pusa. Mukhang madadagdagan ang bbilhin Kong spaghetti ah..













Teffiemeow~

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon