Chapter 26

10 0 0
                                    






















At dahil kilala na Ni Ruby si Pogs, ay hindi na niya tinantanan ng tingin ito. Nandito na kami sa ilog, at gastos niya lahat mula sa cottage at hatid-sundo. Maging sa sasaktan ay hindi niya maialis ang malaking mata niya kay Pogs.

Kumakain kami ngayon ng hotdog. Habang kumakagat siya rito ay tumitingin siya kay Pogs.

"Tigilan mo yan kung ayaw mong tusukin Ko yang malaki mong mata" Sabi ko habang hndi naka tingin KAY Ruby.

"Eto naman, baket? Baket jowa mo?!" Pang aasar pa Ni Ruby.

Hindi ako umimik dahilan para  manahimik siya. Na ikwento ko na saknya kung paano at saan ko nakilala si Pogs.
Nakatitig parin siya kay Pogs hanggang ngayon.

"Sabi ng Tigilan mo yan e. Wala pa sa katinuan ang lalaking yan, Ruby. Maawa ka hwag mong molestyahin" Naiirita ko ng sabi. Agad naman siyang na patingin na sakin.

"Hindi ko alam bestwang pero parang pamilyar ang mukha niya.." Seryoso ng sabi Ni Ruby.




Agad akong kinabahan, teka... Bakit ako kinabahan? Hindi ba dapat maging masaya ako kasi malalaman ko na kung Sino si Pogs? Tiaka pamilyar lang naman e, ano kaba Cheskaaa...
Agad napakamot si Ruby. Siguro nga'y iniisip niya kung saan niya nakita si Pogs. Gala kasi tong malusog Kong kaibigan, kung saan saan nagpupunta. Palibhasa, ma-LL sa buhay.


Ma-Luwag Luwag.



"Hays!" Naiistress nyang sabi at kumuha pa siya ng dalawa pang hotdog at sinubo niya ng sabay. Ganyan siya pag naiistress sa kakaisip..


Paano kaya kung malaman ko kung Sino talaga si Pogs?
Mahirap kaya siya? Mayaman? Pero sa tingin ko kasi mayaman dahil sa relo noong una ko siyang nakita. Tinago ko ang relong iyon.. Nung una, nakakapag salita pa siya pero habang tumatagal, hindi na. Possible kaya yun??
Ano kayang nangyari sakanya bago ko siya makita?

Sino kaya ang pamilya niya?

May pamilya kaya siya?

May anak?

Nakaramdam ako ng kirot sa huling tanong sa isipan ko. Hndi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganon. Tinignan ko si Pogs. Mag iisang buwan na rin pala siya sa amin Simula ng makita ko siya...hindi ako nagbalak magtanong, maghanap at ipagsabi sa iba ang patungkol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero mas pinili Kong isekreto nalang.


Pero hanggang kailan??




Hindi ko alam na natulala na pala ako kay Pogs. Kumakain siya ngayon ng Shanghai. Bigla akong nakaramdam ng away, at the same time guilt rin dahil hindi ako gumawa Ng paraan para humanap ng impormasyon tungkol sakanya..

Ipinilig ko ang ulo ko at ibinalik angpag iisip ko sa reyalidad... Malalaman ko rin naman kung Sino siya at natitiyak ko naman na kung may pamilya pa siya, alam Kong hnahanap na siya neto ngayon.. Pilit Kong Kinumbinsi ko ang sarili ko,




















Nag lakad lakad ako, sa tinatambayan namin Ni Pogs. Nakita ko na may maliit na parang kubo kubo na rito.
Namangha ako sa nakita ko.



"Sino kaya nag gumawa nito?" Agad akong pumunta at naupo sa kubo na  iyon. Nagulat pa ako dahil may rebultong nakatayo sa gilid. Si Pogs pala iyon. Agad Kong binawi ang pagkakagulat.


Sinenyasan ko naman syang umupo sa tabi at tumitig muna siya sa akin at  na gets naman niya ito.

"Pasensya kana Pogs ha, dahil wala akong ginawa para mahanap kung Sino man ang pamilya mo, Pasensya kana.." Panimula ko..

Simula ng dumating siya, wala akong naging problema, kahit nadagdagan man ang kumakain ayos lang... Hindi naging problema sa akin yon.
Nagkaroon pa si Chesko ng instant... K-Kuya.


"Salamat kasi dumating ka Pogs, naging masaya si Chesko dahil may nakakalaro na siya.. May Instant kuya kuyahan. Hndi katulad ko na busy kakatrabaho. Hndi ko madalas magampanan ang pagiging ate ko saknya.."



Habang sinasabi ko iyon, naka tingin ako sa ilog. Ang tahimik, ang sarap sa pakiramdam lalo na ang simoy ng hangin..




"Hayaan mo pag dumating ang araw na malaman ko kung Sino ka, I-ibabalik kita saknila, Pramis." Itinaas ko pa ang kamay ko para mangako kay Pogs. Nakatitig lang siya sa akin...

Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot... Teka? Tama ba ang nakikita ko. Bigla nalang syang umalis at iniwan ako sa lugar na iyon. Naiwan akong nakatulala sa likod niya habang papaalis na siya...










Bumalik na ako sa cottage, inextend ng lukang Ruby ang stay namin doon. Nag vivideoke pa siya. May kasama na syang iilang babae at lalaki at nag iinuman sila. Dahil magggabi na, umahon na sila sa ilog. Nakita ko naman busy sa paglalaro si Chesko sa ibang batang na doon nakikita ko naman na enjoy na enjoy ang kapatid ko.. at si Pogs, naka upo rin sa table nila Ruby at Umiinom?!!


Nanlaki ang mga mata ko. Empi pa ang iniinom niya. Agad akong lumapit, timing in siya sa akin at umiwas din ng tingin.



Hala? May nagawa ba akong Mali?



"Cheska! Bestwang shot na, Si Pogpog umiinom na Tara na" Aya sa akin Ni Ruby pero Hndi ako uminom. Nagpatuloy lang sa pag kanta at pag inom sila Ruby. Ako naman ay naka upo lang sa kabilang table...

🎵No one ever saw me like you do...
All the things that I could add up too
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word...




Tumingin si Pogs sa akin, hndi ko maipaliwanag ang sinasabi ng mga mata niya ngayon..




Bigla namang tumibok ang puso ko sa sandaling to.





🎵Cause there's somethin in the way, you look at me..
It's as if my heart knows your the missing piece..
You make me believe
That there's nothing in this world I can't be.
I never know what you see
But there's something in the way... You look at me... 🎵






Hindi ko nga maintindihan kung ano ba ibig sabihin ng mga mata niya ngayon pero alam Kong may ka kaiba...







🎵I could freeze a moment to my mind...
It'll be a second that you touch your lips to mine...
I'd like to stop the clock time make time stands still..
Cause this is just the way..
I always wanna feel..

Maraming araw na tumitigil ng ilang segundo ang isip ko, dahil sa paulit ulit na naaalala ko ang gabing yon, Pogs. Kung alam mo lang, kung alam mo lang kung gaano ako nahibang dahil sa halik na yon..







🎵Cause there's somethin in the way, you look at me..
It's as if my heart knows your the missing piece..
You make me believe
That there's nothing in this world I can't be.
I never know what you see
But there's something in the way... You look at me... 🎵




Tumayo ako, at umalis na... Hindi pwede... Hindi pwede.

Nang medyo makalayo na ako doon ay na pa hawak ako puno.


Dug dug dug duuuuug duuug.~
















Nabigla ako ng bigla akong hinatak ng kung Sino man...



At bigla akong hinalikan. Sa pagkakataon na to, nakilala ko kung kaninong labi ito.  Dahil sariwa pa sa akin ang dampi ng mga lambing iyon sa akin..






















"C-Cheska.." Sambit Ni Pogs na ikinagulat ko.
























--

Song: The way you look at me by. Christian Bautista

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon