Chapter 40

6 0 0
                                    























Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay binuhat ako Ni Pogs papunta rito sa kubo namin.. Nakita ko pa ang pulang likidong humalo sa tubig ulan.. Wala na.
Nakaligo na kami at nakakain. Habang kumakain pa kanina ay hindi ko maiwasan hindi masaktan doon. Napapatitig pa sa akin si Pogs pag nakikita nyang nassaktan ako..

Napangiti ako habang tinignan ang lalaking   yakap ako sa pag tulog.. Hinwakan ko ang kanyang mukha. Inumpisahan ko syang halikan sa Nuo, mata, pisngi, ilong at sa knyang labi. Sobrang saya ko ngayong gabi... At sobrang gaan ng dibdib ko. Mas lalo Kong siniksik ang katawan ko sa katawan ni Pogs. Ipinikit ko na ang mata ko at natulog akong may ngiti sa labi ko...





















Ka-Berting

Papunta na ako sa kubo nila Pogs at ni Cheska ng makita ko si Pogs ay naka tingin ito sa kawali.. Iniisip siguro niya kung paano magluto.

"Magandang umaga, Nasan si Iha?" Tanong ko sa lalaking nakatayo. Agad syang tumingin sa kurtina. Siguro ay natutulog pa ang dalaga..
Muli akong napatitig sa lalaking nakatitig sa akin ngayon.

"Gusto mong matutong magluto?" Tanong ko sa kanya. Batid kong kahit hindi siya magsalita, nakikita ko sakanya ng mata na gusto niyang paglutuan ang dalaga. Napailing ako at napangiti.

"Pwede ba akong maki gamit? Para ituro sa inyo kung paano ito buksan?," Panghihingi ko ng pahintulot sa knya. Hahawakan na niya sana ang gas ng pinigil ko siya at sinenyasan ko ako muna bago siya ang gumawa... Pagkatapos non ay pinagawa ko sknya ang ginawa ko at nakuha naman nya agad.

"Iba talaga ang nagmamahal, kahit may amnesia pa matututo," Naiiling kong sabi habang natatawa pa.

"Mukhang ipagluluto mo si Iha ha," Siko ko pa sakanya. Agad naman syang napangiti. Tinuruan ko siya at ng makita Kong okay na ay umalis na ako at nagpaalam. Ngumiti siya bilang pagtugon sa akin...
































Iminulat ko ang mga mata ko.. Tumingin ako sa  paligid at nakita ko si Pogs na naka tingin sa akin. Siguro ay gutom na siya kaya Agad akong tumayo pero napahiga ulit ako dahil nkaramdam ako ng sakit doon. Napabaluktot tuloy ako ng higa habang sapo sapo ko ito. Ang sakit huhuhu...

Narramdaman ko naman na bigla syang pumunta sa akin.. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

"A-Ayos l-lang ako, Pogs." Sabi ko habang hindi ako maka tingin sakanya. Mas Lalo akong Nahiya sa oras na ito dahil naalala ko kung paano siya tumitig....

Napailing ako at namumula. Ramdam ko ang pangangapal ng mukha ko. Gaaaash
Uupo ako ng inalalayan naman ako Ni Pogs.  Naupo na ako pero masakit talaga. Ouch


Bumaling ako sakanya.
"P-Pasensya na pogs ha, nahuli nnman ako ng gising hndi ako naka luto ng maaga." Sabi ko sabay pinili na tumayo. Medyo kumikirot pa pero siguro mamaya ay wala na to..


Huhugasan ko na sana ang kaldero ng makita Kong may sinaing na.. At ang kawali, may ulam na.. Nagtataka naman akong napabaling kay Pogs at bumalik ulit ang tingin sa kaldero at kawali.

"Sino ang nagluto neto?", Pagtatanong ko ng mahina. Impossible namang si Pogs dahil hindi niya alam ang pag bukas ng Gas. Kahit na nagtataka ay nag sandok na ako para ma kakain na kami.

Ang sarap ng luto naparami tuloy ako ng kain. Nakatunganga naman si Pogs dahil sa lakas Kong kumain... Tinawanan ko lang siya dahil sa reaksyon ng mukha niya..

"Aba mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah? Magandang umaga Cheska at ulit, Pogs." Pagbati Ni ka-berting.

"Kain Po ka-berting ." Pag aaya ko sa matanda pero tinaggihan niya ito dahil kumain na raw siya.

"Masarap ba ang luto, Cheska?" Pagtatanong sa akin Ni Ka-berting. Sumubo pa ako ng isa pang kutsara at tiaka sumagot.

"Opo," Sagot ko at bigla namang natawa si ka- Berting.

"Sympre, may pagmamahal na  kasama yan e. Kaya masarap" Sabi Ni Ka-berting na natatawa pa at tumingin sa gawin ni Pogs. Nakita ko namang nangiti si Pogs. Agad Napakunot naman ang nuo ko...

"Sino Po ba magluto? Sa inyo Po ba galing tong ulam ka-berting? Opo masarap Po siya", Sabi ko sabay ngiti. Dahil totoo naman, masarap ang ulam na gulay na ito.



Umiling si Ka-berting. Agad nginuso ang katabi ko at nagpaalam ng umalis. Sinabi niyang lumabas si Pogs pagkatapos kumain dahil magsisibak sila ng kahoy...

Nabigla ako..
SI Pogs ang nagluto nito? 

Agad akong napangiti. At nayakap siya bigla....



"Ang galing mo magluto ah, at ang sarap." Natutuwa ko pang sabi. Dhilan para halikan ko siya sa kanyang labi ng paulit ulit...




















Pagkatapos magsibak ni Pogs ay umuwi na siya. Tumawag si Ruby at na kausap ko si Chesko na okay naman ito.. Napangiti ako, dahil nalaman Kong nasa mabuting kalagayan ang kapatid ko. Wala parin daw ito ng pagbabago, mas lalong lumakas sa pag kain ng hotdog. Naku talaga naman.

Nagluto na ako ng hapunan namin.. Sobrang saya lang na ipagluluto ko ng hapunan ang lalaking mahal ko.. Napatingin naman ako sa lalaking nagpupunas ng pawis dahil sa pag sisibak ng kahoy. Pagkatapos magsibak ay nagpaalam si Ka-Berting na aalis daw siya. Pero hindi ko alam kung saan..






Hay, kahit may amnesia, hindi lang kahoy nasisibak amp! Namula ako habang naghahalo. Nang okay na ay pinagsandok Kong muli ang lalaking bumihag sa maarte Kong puso. HAKHAK.

Masaya kaming kumain. At pagkatapos ay nahiga na... Nakayakap siya sa akin at ako naman ay nakayakap sa kanya..




Dream come true naba to?
Dahil may lalaking nandyan na palagi sa tabi ko?  Feeling ko ang haba ng hair ko. Literal.



Habang nakatitig ako sa lalaking dahilan ng pagwawala ng dibdib ko ay pinapanalangin ko na sana hindi na matapos ang mga sandaling ganito.








Hinalikan ko si Pogs. "Goodnight," sabi ko.
Tumugon siya sa halik na iyon at sa pangalawang pagkakataon ay na ulit ulit ang sandaling nag isa ang katawan namin...
























--

W/N;

Mapa pa-Sana all kana lang... Hahaha Oh? Hanap na kayo lalakeng may Amnesia. Hahaha Chareng. Sana Napatawa ko kayo at napakilig sa previous Chapters.

Aw, Sinipag ako mag update. Gash, HAHA.

Sana naka bawi na ako sa mga naghihintay ng update dyan. Haha thankyou! <3 :))

I meow y'll.  <3

Teffiemeow

Fascinated by Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon