/ Spg.
Umuulan sa araw na ito.. Pero hindi ko ramdam ang lamig dahil may mga brasong nakayakap sa akin na lalong nagpainit sa paligid. Nakatitig parin ang lalaking walang alam kung hindi manahimik. Mas lalong nag liliwanag ang mga mata niya dahil sa nakasinding gasera sa gilid..
Hindi ko maintindihan kung bakit nagwawala ang puso ko..
Sobrang lapit ng mga mukha namin na tila ba na walang gusto lumayo sa amin. Naramdaman ko nnman ang Inis ko kaya umiwas ako ng tingin. Hinalikan ako Ni Pogs sa pisngi ko para bumalik ulit ang tingin ko sa kanya dahilan para magtagpo ang mga labi namin..
Napapikit ako sa sandaling ito. Hindi ko maintndhan ang nararamdaman ko. Dapat naiinis ako sakanya ngayon kaya nilayo ko na ang labi ko sakanya pero hinabol niya iyon ng mas mapusok pang halik. Nabigla ako at nagpatinuod sa halik na iyon..
"Tama na Pogs." Sabi ko habang may hingal pa. Pinutol ko na ang halikan namin dhilan para halikan niya akong muli.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Hindi ako maka Galaw sa oras na ito, lalong hindi ako makapag salita dahil nararamdaman ko ang mainit na labi niya na dumadampi sa balat ko.
Napataas ang kilay ko... Malupet din tong si Pogs e no, walang natatandaan sa ibang bagay.. kahit may amnesia may natatandaan sa ganito ng bagay. Kaloka.
Si Pogs ang may amnesiang naninibak.
Napaigtad ako ng maramdaman ang labi niya sa dulo ng dibdib ko. Napa sabunot tuloy ako sa buhok niya...
Hindi pwede, hindi pwede... Sabi ng utak ko. Wala sa katinuan si Pogs, hindi ko dapat tintake advantage iyon. Pinilit Kong lumayo pero mas lalo siyang kumapit at mas lalo niyang isinubo ang dibdib ko sa mainit niyang labi.
"P-Pogs," Nahhirapan Kong sambit sa kabila ng Sensyason na nararamdaman ngayon.
Sa nanginginig na kamay, ay itinulak ko sya ng malakas. Nakita Kong nagtaka ang mukha niya sa ginawa ko. Umiwas ako ng tingin...
Ilang saglit pa ay humiga na ako at hindi na nagsalita pa, natulog ako ng may bigat sa dibdib ko na hindi ko naman alam ang dahilan..
Kinabukasan ay nagising akong wala so Pogs. Siguro ay naninibak ng kahoy or kasama Ni ka-berthing. Agad akong nag saing at nagluto na. Inihanda ko ang mga labahan para maglaba sa ilog.. Naisip Kong hwag na muna pumasok dahil sa nangyayari. Dinala ko na ang labahan at nagsimula ng maglaba.. May isa ring lalaki napadaan at tumitig muna sa akin nilingon ko ito at tumawid na siya ng ilog. Wew. Medyo marami ang nilalabhan ko ngayon.. Kaya sumakit ang likod ko. Haays, matanda naba ko?
Napahinto ako sa pagkusot ng maalala ko ang nangyari kagabi... Humigpit ang hawak ko sa damit Ni Pogs na binabanlawan ko na. Napapikit ako at inaalala iyon..
Napabuntong ako ng hininga.."Hindi pwede, Hindi pwede.," Sabi ko pa at pagkukumbinsi ko pa sa sarili ko..
"Anong hindi pwede?"
"Ay kalabaw ka!" agad akong napatayo sa gulat. Si ka-berting pala ang nagsalita ng iyon agad naman akong naupong muli at pinagpatuloy na ang pagbabanlaw
"Wala ho iyon ka-berting." Sabi ko habang nakatalikod na sakanya.
"Mukhang meron Iha," kontra niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na gnagawa ko.
"Bakit hindi naman pwede? Kung pwede naman? Hwag mong pigilan, dahil kapag lalo mong pinipigilan mas lalo kang mahuhulog. Mas lalo kang hindi makaka ahon." Mahiwagang sabi naman Ni Ka-berting. Hindi pa rin ako kumibo at Napahinto pa ako sa ginagawa ko at naka pag salita ako sa isip ko na. Hindi pa rin pwede.
Alam naman Ni ka-berting na nakkinig ako kay pa tuloy lang siya sa pagsasalita niya.
" At kailan pwedeng maging pwede? Kapag huli na ang lahat? Kung kailan wala na." sabi na ka-berting. Napatulala ako sa tubig ilog sa aking harapan at naalala Kong muli kung saan ko nakita si Pogs.. Kung paano nag Simula lahat..
Ayoko... Dahil balang araw, iiwan din niya ako. Hindi ko siya pwedeng mahalin dahil makakalimutan din niya ko..
"Gasgas na ang mga salitang ito pero sana Iha, Minsan lang sa buhay ang maging masaya.. Minsan lang titibok ang puso mo, minsan lang yan magmamahal ng totoo, hindi titibok ang puso na yan kung hindi tamang tao ang pag aalayan niyan.."
"Hwag mong Sayangin ang isang bagay na pagsisihan mo pang habang buhay Iha, Ang pagmamahal ay puno ng pagsubok, kung ayaw mo ng pag subok hindi yan pag a mahal, "
Narramdaman ko naman tinapik ako na ka-berting at umalis na.Tinapos ko na ang labahin at umuwi na.. Wala paring Pogs. Sinampay ko na ang mga labahin namin Ni Pogs at nang matapos na ako ay may narinig ako tawa ng isang babae.. Kumunot ang nuo ko at sinundan ang tingin na yon.
Nakita Kong nakatayo si Pogs at naka kapit sa katawan niya ang babae habang hinahalikan nito ang leeg niya.
Umalis na ako sa lugar na yon ng umiiyak. Hindi ko kaya ang nakikita ko... Hindi ko kaya.. Galit at Inis ang nararamdaman ko. Naibato ko pa ang baldeng walang ka malay malay at Napasandal pa ako sa gilid ng kubo na tinutuluyan namin. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng mapagtanto ko na ano nga ba ako sa buhay Ni Pogs. Dahil sa kaisipang iyon, Hindi magkamayaw ang mga luha ko mula sa pag buhos nito.
--